Chapter 9: In to the past

3.3K 113 2
                                    

//Vinz’ POV//

“Ano ulit pangalan mo?” tanong sakin ng Bestfriend ko habang sinusubuan ko sya ng pagkain.

“Ako si Vinncent Guevarra.. Vinz for short. Ako ang Bestfriend mo..” at binigyan ko sya ng matamis na ngiti.

“Pano tayo nagkakilala? At pano tayo nanging mag-bestfriends?”

“Mag-Bestfriends ang Mommy ko at ang Mommy mo noon. Pati ang Daddy ko at Daddy mo mag-Bestfriend. Nakatira tayo sa iisang village. 8years old ako noon at ikaw 7 years old noon. Nasa Park ka noon at nag su-swing tapos ako katabi mo sa swing noon.”

*FLASHBACK*

Summer 2004

“Mommy! Pupunta lang ako ng Park ! Makikipaglaro ako sa mga kaibigan ko!”

“O’sige anak! Ingat ka ha? Wag masyadong papagabi!”

“Yes mommy!” At niyakap ko si Mommy.

*Park*

Wala pa mga kalaro ko. Ano ba yan. Makapag-swing nga muna. Lalala~ Ang sarap sarap mag-swing! Biglang dumating mga kalaro ko.

“Tara Vin! Laro na tayo! Taya ka ha? Hehehe.” –Krish

“Sali ako!” tanong ng babaeng katabi ko sa swing. Ang cute nya.

“Sige ba!”  bumaba na ko ng swing at bumaba na sya ng swing. Lima kaming naglalaro. Habang naglalaro kami biglang may umiyak.

“ARAY! Huhuhu!” nakita kong nadapa babae na katabi kosa swing kanina. Nasa edad 7 siguro.

“Ang lampa mo naman!” sabi ng isa kongkasama

“Sasali Sali ka sami ang lampa mo pala! AH LAMPA! AH LAMPA!”  sambit ng isa pa namin kasama.

“HOY! MAKASABI KAYO NG LAMPA PARANG KALA NIYO SI KAYO NADADAPA!”-Krish

“OO NGA! BAKIT DATI NADAPA KAYO DI NAMIN KAYO GINANYAN! INSTEAD TINULUNGAN PA NAMIN KAYO NOON!” sabi ko sa kanila.

Natahimik yung dalawa naming kasama at umalis. Kami ni Krish ay tinulungan tumayo ang babae.

“Okay ka lang? Hala nagdudugo tuhod mo! Tara hatid ka namin sa inyo.”-ako

“Ano pala pangalan mo?” –Krish

“Huhuh. A-ako si Hillary Dominguez.”

“Ako naman si Krishtinne Cruz~” at naghand shake sila

“Ako naman si Vinncent Guevarra” at nakipag handshake ako sa kanya.

Ni-piggy back ride ko sya. “San ka nakatira?”

“sa 7 Makatarungan St.”  Sabi nya.

“Magkakatabi lang pala tayo ng bahay! Dyan lang ako sa may 10 Makatarungan St.” –Krish

“Ako naman sa 5 Makatarungan St.” –ako

“Ah…” una na naming hinatid si Krish kase madadaanan namin bahay niya. At nagpatuloy kami ni Hillary hanggang sa kanila.Nag-doorbell ako. At pinagbuksan naman kami ng Mommy niya.

“Oh anong nangyari sa kanya?” –Mommy ni Hillary

“Nadapa po sya. Tinulungan ko po sya makauwi kase masakit daw po tuhod niya.”

“Ah o sige, pasok na kayo.” Pumasok na kami sa loob. “Mag meryenda ka muna iho. Salamat pala sa pagtulong ha? Anong pangalan mo? ”

“Walang anu man po. Ako po si Vinncent Guevarra” At nginitian ko sya. Habang nililinis ni Tita ang sugat ni Hillary ay nagtanong sya sakin.

“San ka pala nakatira Hijo? Hahatid kita kase madilim na. Delikado.”

“dyan lang po sa  5 Makatarungan.”

“ah kayo pala yung bagong lipat. Ano  pangalan ng Mommy at Daddy mo?”

“Claire Guevarra at Victor Guevarra po.”

“Claire Guevarra? Victor Guevarra? Bestfriend ko Mommy mo! At Bestfriend naman ng asawa ko ang Daddy mo!”

“Talaga po?” ang lawak ng ngiti ko nung nalaman ko yun.

“Oo. Buti  nagkakilala na kayo ng Anak kong si Hillary. O’sya tara na sa inyo?”

Tumungo ako at binuhat niya si Hillary. Pagdating sa bahay.

“MOMMY! DADDY! MAY BISITA TAYO!”

Paglabas ni Mommy… “Sino anak?” napatingin si Mommy sa kasama ko “MIKA? CHLOE  DOMINGUEZ? BESTFRIEND?”

“Oo ako nga! Long time no see! Huhu!”

“Kamusta na? Kamusta kayo ni Dominic?”

“Ayun ayus lang. Busy sya sa work at…blahblahblah”

“Eto na ba ang inaanak ko?Ang cute cute naman! Eto naman si Gelo” at pinakita ni Mommy si Gelo. Nasa 6 years old na si Gelo at hindi mahilig lumabas ng bahay.

“Ang cute naman ni Gelo, mana sayoooo~” at nagtawanan sila. “Ako eto 5 months nang buntis.”

“Wow! Congrats!” nag nagusap pa sila ng nag-usap.

Habang nag-uusap sila ni mommy at tita, nagising si Hillary.

“Vinncent? Nasan ako?”

“Nasa bahay ko. Magbestfriends pala ang Mommy mo at Mommy ko… Hehe nakakatuwa!”

“Wow! Edi magbestfriends narin tayo?”

“Gusto mo? Bestfriends na tayo ha?”

“YEY!” narinig yung ni Mommy

“Oh Hi Hillary! Ako si Claire Guevarra! Ako ang bestfriend ng Mommy mo, ako ang Ninang mo!”

“Hi po Ninang Claire! Hehe”

“MOMMY! BEST FRIENDS NARIN PO KAMI NI HILLARY!”

“Wow, edi good!”

“Ayan! Happy na ulit tayo! Yehey! O’sya uwi na tayo anak at baka nakauwi na ang Daddy.”

Tumungo si Hillary at umalis na ng bahay.

*END OF FLASHBACK*

"Dun tayo nagsimula naging mag bestfriend Ary. Ngayon alam mo na!" Nginitian ko sya

Nakitang tumulo ang luha ng Bestfriend ko. Pati ako naluha.

"S-sorry." 

"Bakit ka nagso-sorry?" 

"W-wala talaga ako maalala." 

"Maaalala mo rin ang lahat. Tiwala lang."

niyakap ko sy ang mahigpit. 

Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Lahat gagawin ko maalala mo lang lahat. Gagawin ko ang lahat. Basta para sayo, Hillary Dominguez.

--

A/N: Short UD again -_- haha, masyado bang mabilis mga pangyayare? :) HAHA. Share, Vote and Comment lang po! :)

The Campus Heartthrob and The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon