Chapter 1: The First Meeting

9.8K 212 34
                                    

//Vinz’ POV//

“Here we are Ary! College na tayo sa wakas!” sabe ko sa Best Friend ko with excitement sa mukha ko.

First day namin as College Students. But sad to say, iba ang course na kinuha namin. Ako nag-Fine Arts, sya naman nag-Psychology.

“Kinakabahan ako Vinz. Di na tayo classmates. Nakakalungkot naman.” Biglang nalungkot best friend ko . Kanina ngiting ngiti to tapos pagdating dito sa Campus naka-sad face na.

“Ary naman! Wag ka kabahan! Kahit magkaiba tayo ng course at magkaiba ng building na pupuntahan natin, at least nasa iisang school lang tayo. Tsaka ang Hillary Dominguez na kilala ko, di kinakabahan, matapang ka di ba Best Friend? Wag ka na malungkot! SMILE!” sabay kindat at ngiti sa kanya.

Ayoko talagang nakikitang malungkot ang Best Friend ko.

“Hay nako Best Friend! Syempre! Kinakabahan parin ako kahit papano nuh. Tsaka tignan mo oh, pinagtitinginan tayo ng mga tao. Ang sama pa ng tingin nila satin. Sinong di kakabahan dyan? Tss. O’sya, text me best friend kung nasan ka mamayang vacant mo ha? Sabay tayo mag-lunch! –Hillary

“Sige ba! Bye best friend! Goodluck sa first day!” sabay hug ko sa kanya. Ni-hug din niya ako ng mahigpit.

“Goodluck din sa first day Best Friend!” at bumitaw na sya sa pag-hug niya sakin at she gave me a sweet smile.

//Ary’s POV//

Nang magkahiwalay kamini Vinz sa pagkayakap, agad akong pumunta ng assigned room ko for the first subject. Umupo na ako sa pangalawa sa harap… sa tabi ng bintana.

Kinakabahan ako pramis! New Classmates. New Teachers. New Lessons. New Challenges. Di ko na classmate ang Best Friend ko. Nasanay na ata akong lagi kaming magkasama.

“Good Morning Class! Welcome to NU or Normal University” Bati samin ng Professor  namin.

“Now before we start our lesson…” lesson agad? “Magpakilala muna kayo.”

Tinawag kame alphabetically, hanggang sa ako na ang tinawag.

“Miss Dominguez… Come in front of the class and introduce yourself to us.”

Agad akong pumunta sa harap at nagpakilala.

“Good Morning Everyone. I am Hillary Dominguez, 17 years old. You can call me Ary. Nice Meeting all of you.” Ang ikli ng pagpapakilala ko nuh? Nahihiya pa kase ako ehh.. tapos medyo natatakot ako… mga tinginan kase nila sakin eh, ang sasama.

Pagka-upo ko sa upuan ko, kinausap ako ng katabi ko, ang weird niya promise. Nagulat na ngalang ako eh.

“Hi Ary! Ako nga pala si Eyryel Quintanna! 17 years old. Tawagin mo nalang akong Yel. Ano? Friends na tayo ha? Sige na!” naku naman, madaldal tong babaeng to.

“Hi din Eyryel! Nice knowing you. And sure let’s be friends!” sagot ko kay Eyryel. Wala akong ibang masabi, bago palang kame magkakilala eh. Hehe.

“Nako Ary! Sabeng Yel nalang itawag mo sakin ehhh. Hehehe. Marami akong sasabihin sayo. Yung tungkol sakin, para alam mo. Para Best Friends na tayo agad! Yay!” napaka-jolly naman netong si Yel.

Nakakatuwa! Napangiti ako agad ni Yel. First Day palang namin ah. Pero, ang saya na namin agad.

//Vinz’ POV//

Pagpasok ko ng room namin, umupo ako sa may pinaka huling upuan sa likod. Ayaw na ayaw ko talagang umuupo sa may harap. Malabo mata ko pag malapit ako sa blackboard eh.

The Campus Heartthrob and The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon