Chapter 13: Best Friend Zoned?

3.1K 90 12
                                    

//3rd person’s POV//

*AFTER 2 YEARS*

“Grabe! 2 araw nalang Ga-graduate na tayo! Yesss!! Achievement unlocked!” masayang sinabi ni Vinz sa barkada.

“Congrats Kuya, Ate Ary, Ate Eri, Kuya Kram, Kuya Nevs, Ate Aphrodite and Kuya Julliam! Hehehe.” Pagbati ni Gelo sa barkada.

“Eh ako di mo ko ico-congrats babe? Nakakatampo ka huh!” kunwaring pagtatampo ni Yel kay Gelo.

Naging sila ni Gelo 1 year ago.  Mas matanda si Gelo kay Yel ng 2 buwan pero mas naunang nag-aral si Yel. Si Gelo 3rd yea college na ngayon.

“Syempre babe, ico-congrats kita! Lika nga dito! Hehehe” lumapit si Yel kay Gelo at niyakap niya ito.

Lahat ng magbabarkada ay kinilig.

“Since 2 araw nalang ga-graduate na tayo… Tara sa bahay! Nagpahanda si Mommy sa bahay advanced graduation gift daw nya sating lahat.” –Ary

“Oo nga pala nuh, aalis mommy mo papuntang South Korea.” –Yel

“Pano kami ni Patch, Kuya Jaydee at Ate Krishtinne? Eh di pa kame ga-graduate. Si Kuya Jaydee at Ate Krish may isa pang sem na tatapusin.” –Gelo

“Sumama na kayo! Di porket Graduation Gift eh samin lang mga ga-graduate to, syempre celebration natin to para sa isang matibay na samahan!” -Julliam

“Yeah, kaya tara na?”

“YEAH!” Sigaw ng magbabarkada.

*7pm, Hillary’s Place*

“Oh, andito na pala kayo. Kumuha na kayo ng pagkain…” sabi ng mommy ni Hillary.

Habang kumukuha sila ng pagkain, naiwan si Vinz at Hillary sa may pool side. 

“Uhmm Bestfriend…”

“Oh bakit?”

“Ano kase…”

“Ano?”  tumingin si Hillary kay Vinz,  nginitian nya ito at niyakap. Nagulat si Vinz sa ginawa ni Ary at namula ang kanyang mukha.

“Bestfriend! Thank you ha? Sa lahat lahat! Kaya mahal kita eh.”

Nagulat lalo si Vinz nang sinabi ni Ary na mahal sya. Pero hinala ni Vinz na hanggang bestfriends  lang sila nito.

“Ehehe, Ano, di ka ba nagugutom?” nailagay ni Vinz ang kamay nya sa batok at halatang kinikilig.

“Nagugutom, tara kain na tayo?”

Papunta na sila sa may kitchen para kumuha ng pagkain. Naunang umalis si Hillary sa kitchen at dumiretso sa may poolside kung saan andun na ang iba nyang kabarkada. Naiwan si Vinz sa kitchen at tulala, dumating ang Mommy ni Hillary.

“Oh Vinncent, bakit ka pa nandito?”

“Tita, okay lang po ba?”

“Okay lang na ano?” nginitian sya ng Mommy ni Hillary.

“Okay lang po bang ligawan ko ang anak ninyo? Matagal ko na po kaseng gusto sabihin sa kanya na mahal na mahal ko sya.”

Ikinagulat ng Mommy ni Hillary ang sinabi ni Vinz.

“Hmm, kilala na kita Vinz, Mag bestfriends kayo. Sige, you have my blessing. Pero sa tingin mo ba, hindi lang ba best friend ang tingin sayo ni Hillary?”

At umalis na ang Mommy ni Hillary na may ngiti sa mukha.  Naiwan nanaman si Vinz na nakatulala.

Gagawin ko ang lahat, mahalin lang niya ako.

NAglakad palabas ng Kitchen si Vinz nang madatnan niya sila Julliam at Nevs na nakatitig sa kanya at nakangiti.

“Bro, anong maitutulong namin? Hehehe. 2 araw nalang ga-graduate na tayo oh.” Bulong ni Nevs kay Vinz.

“Bro, narinig namin ang usapan niyo ni Tita Chloe, nakita nya kami dito at nginitian kami. Mukhang alam na thissss!” excited na sabi ni Julliam

“Anong Alam na thissss??” -Yel

“Nakakagulat ka naman Yel! Bigla bigla ka nalang sumusulpot dyan! Wala manly talk lang to. Hehe” –Nevs

“Tulungan mo kame kay Hillary Yel!” –Julliam

“Ah sige ano ba? Kikidnappin niyo ba? Nako out ako dyan! Hahahaha!” –Yel

“Balew! Di namin kikidnappin! Tulungan mo kame na mapasagot ni Vinz si Hillary. Di ba alam mo naman na matagal nang gusto ni Vinz si Hillary?” –Nevs

“Sige. Ako bahala. Alam ko na magiging plano.” At umalis si Yel na nakangiti. Agad syang pumunta ng poolside at kinausap si Hillary.

“Hillary, anong tingin mo kay Vinz?”

“Ha? Anong pumasok sa utak mo’t tinanong mo yan sakin? Ikaw ah baka may lihim na pagtingin ka sa best friend ko. Hahahahha!”

“Baliw ka!”

//Ary’s POV//

“Hillary, anong tingin mo kay Vinz?” Tanong ni Yel sakin.

“Ha? Anong pumasok sa utak mo’t tinanong mo yan sakin? Ikaw ah baka may lihim na pagtingin ka sa best friend ko. Hahahahha!”

“Baliw ka!”

May gusto ba ‘tong si Yel kay Vinz? Sumbong ko ‘to kay Gelo eh. Pero nasan nga ba si Gelo?

“No I mean, ano para sayo si Vinz?”

Ano para sakin?

“Para sakin isa sya sa pinakapogi at pinakamabait na taong nakilala ko and…”

“And?”

“…and isa sya sa pinakaminamahal ko…”

“pinakaminamahal mo?”

“…pinakaminamahal kong

.

.

.

.

..

Bestfriend”

---

A/N: Sorry for the short UD. hahaha, napiga ko kase lahat kahapon sa ibang chapters T^T

The Campus Heartthrob and The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon