Chapter 3: Incident

4.4K 132 8
                                    

//Ary’s POV//

“SIGE NA ARY! PILA KA NA DUN! PLEASE!” pilit sakin ni Vinz.

“Ughh.. okay okay! Sige na!”

Pagpila ko bigla akong tinulak.

“Excuse me ha. Paunahin mo muna ang Campus Queen and teka, di ba ang pila na to ay para sa registration for Fashion Contest?” mataray na pagkakasabi sakin ni Britanny.

“Yes. Why?”

“Well, nasa maling pila ka!” Bigla nya kong tinulak at napaupo ako dahil sa lakas ng pagtulak nya sakin

“ Dapat sa library ka pumila! Di ka bagay dito sa event na to, baduy! HAHAHAHA!”sabay sabay silang tumawa.Napayuko ako at paiyak na. Nang biglang pinunasan ni Vinz ang luha ko. Nakita naman to ng Three B*tches.

“Vinz Babe~ anong ginagawa mo? Bakit mo pinupunasan ang luha ng Campus Nerd na yan? Lika dito baka kung anong sabihin ng ibang tao sayo!” –Britanny

“Excuse me Britanny! Bestfriend ko ang tinulak mo.”

“Oh, bestfriend mo pala sya? Kala ko ba girlfriend mo? So you’re lying?”

“Yes I lied so you’ll stay away from me, and from her!” ang sweet ng bestfriend ko! Grabe ah.

“What is happening here?” sabi ng SC President namin.

Si  Aphrodite Perez. Student Council President.  Sya rin ang tinaguriang Campus Empress, karibal ni Britanny. Kaya nag self-entitled si Britanny na Campus Queen para daw mas mahigitan nya si Aphrodite.

“Aphrodite! Binubully ako ni Hillary! Tinulak nya ako! Huhu!” fake na iyak ni Britanny.

“Hindi ka naman tinulak ni Hillary ah!” pabulong na sinabe ni Charmz sa kanya. Pero kinurot naman ni Britanny si Charmz sa tagiliran, napa-whisper sya ng “aray” at tinitigan sya ni Britanny.

“Oo Aphrodite! Tinulak niya si Britanny!” –Charmz

“No! She didn’t!” pagtatanggol sakin ni Vinz.

“I don’t know who to believe. You Ms. Colonnel and Ms. Dominguez, please report to the Discipline Office, NOW!”  Medyo galit na sinabi samin ni Aphrodite.

“Sasama ako!” –Vinz

“No, Mr. Guevarra. You can’t”

//3rd person’s POV//

Pumunta na sila Aphrodite, Britanny at Hillary sa D.O at pinaupo sila ni Mr. Rafael Lee. Ang discipline office head.

“Oh, anong nangyare?” –Mr. Lee

“Yung dalawa mo kase Sir, nagaaway kanina sa pila dun sa E201” –Aphrodite

“Pila lang pinagaawayan niyo pa?!”

“Eh sisingit singit kase tong bruhitang to eh! Tinulak pa nya ako!” –Britanny referring to Hillary

“Ikaw Ms. Dominguez? Bakit mo tinulak ang anak ng may-ari ng school natin? Tinagurian ka pa namang Campus Nerd dahil sa katalinuhan mo tapos ganyan attitude mo?” ­–Mr. Lee

“Sorry Sir but this is a big misunderstanding. I didn’t push her. I think I have the right to say the truth. So please listen to me sir! I can’t do that to her! ”

The Campus Heartthrob and The Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon