Chapter 1

178 8 0
                                    

Samantha's POV

After 6 months.

After nung nangyari ay naka move on na rin ako. Hindi na rin ako kagaya ng dati na madaling magmahal. Nang dahil sa kanila ay naging pusong bato ako. (Lol!) Hindi na rin ako nakikipag kaibigan sa kahit kanino maliban kay patricia. Pero nakaka sigurado ako na iba sya kay olympia at higit sa lahat mapag kakatiwalaan ko sya.Marami na ang nagbago sakin. salamat sa kanila dahil kung hindi nila ako NILOKO hindi pa ako magbabago.

Bukas ay pasukan na namin. At 4th year na ako ang bilis ng araw noh?. Actually lilipat nga ako dun sa pinapasukan ng mga taong nanloko sakin e. Wala lang. Gusto ko lang din pumasok sa school na yun.



"Uy friend iniisip mo nanaman ba yung mga tao na nanloko sayo?" Hay naku! Nag momoment pa ako dito e.





"Patring pwede ba?! Hindi ko na sila iniisip noh!" sabi ko sabay ikot ng mga mata ko.




"Yuck! Can you stop calling me patring? It so kadiri." Ayan nanaman sya sa pa english english nya. HAHA ayaw nya kasing tinatawag ko syang patring e.




"Ok." Sabi ko sabay agaw sa kanya nung popcorn. Nag momovie marathon kasi kami dito samin.





"Uhmm by the way, about sa plano mo." Yung tinutukoy nyang plano ay para dun sa dalawang manloloko.





"Hindi ko pa alam e. Pero pag nakita ko sila naku! Sana mapigilan ko yung sarili ko na pag untugin sila."





"Grabe sya oh! HAHA ang bitter mo. Nga pala, kilala mo ba yung ethan?"





"Ethan?"





"Yeah ethan! Ethan velasco."




"Ah. Hindi e. Sino ba yun?"





"Hay naku girl! Sya lang naman yung pinaka gwapo dun sa school na papasukan mo! Pero Mag ingat ka kasi yun yung pinaka leader sa mga Badboy at Playboy!"




"Tss. Pag dating talaga sa mga lalaki ang dami mong alam. Isa pa wala akong pake dyan sa ethan ethan na yan noh kahit sya pa ang pinaka gwapo sa buong universe WALA AKONG PAKE!" With action pa yan habang sinasabi kong wala akong pake.




Playgirl Meets Playboy (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon