Samantha's POV
Kanina pa naguguluhan yung isip ko dahil sa sinabi ni ethan. Anong laro ba ang sinasabi nya? Hayyss ang gulo nya ah.
Habang nakikinig ako sa teacher namin ay bigla naman may bumato sakin ng papel. pagtingin ko don sa papel ay may nakasulat.
"Siguro iniisip mo pa rin hanggang ngayon yung sinabi ko sayo kanina noh?" Teka, mukhang kilala ko na kung kanino nanggaling to ah.
"Wag kang assuming asa ka naman!" Sabi ko sabay bato pabalik nung papel sa may ari. Para kaming timang noh? Pwede naman kalabitin na lang namin yung isat isa para makapag usap pero nagbabatuhan pa kami ng papel. HAHA bakit ba? Walang basagan ng trip.
Hindi na nakabalik sakin yung papel pero tinatadyakan naman nya yung upuan ko. Abnormal talaga tong lalaki na to e. MEMA. Memagawa lang.
"Class, Dahil malapit na yung js nyo ay kailangan na natin yung paghandaan." Oo nga pala. Next month na yun. Bigla naman nagtilian at nagsigawan yung mga classmate namin.
"This is it pancit!"
"Oh my gee excited na ako."
"Me too. Sino kaya yung magiging prince & princess?"
"For sure masaya yun!"
Yan yung ilan sa mga naririnig ko. Tss. Ano bang masaya dun? E nung last year nga hindi ko na enjoy e. Ngayon pa kaya? Wag na lang kaya akong umattend? Good idea. Di na lang ako a attend.
"Tha's all for today. Good bye class."
At ng makaalis na yung teacher namin ay bigla naman naglapitan yung mga girls kay ethan.
"Ethan may partner ka na ba?"
"Pwedeng ikaw na lang partner ko?"
"Siguro ikaw na yung magiging prince."
Hay nako! mga babae nga naman na to oh. Bakit ba ang lakas ng appeal sa kanila ni ethan? Oo gwapo sya pero di ko sya type. HINDI TALAGA.
"Hi sam! May partner ka na ba para sa prom?" Sabi nung isa kong classmate na si laurence. Gwapo sya tsaka basketball player. Eto nga yata yung crush ko dito e. Pero syempre ayokong ipahalata.
"Ahm wala pa e. Bakit?"
"Pwede bang ikaw na lang yumg partner ko?" Talaga? Omo! Ang gwapo nya naman na partner ko? Parang gusto ko na tuloy umattend ah.
BINABASA MO ANG
Playgirl Meets Playboy (On-going)
Teen FictionSi boy: Gwapo, mapang-asar, mayabang, leader ng mga badboy at ng mga PLAYBOY. Si girl: Maganda, sexy, mabait (dati nung hindi pa sya niloloko) kilala 'daw' bilang PLAYGIRL. Ano na lang kaya ang pwedeng mangyari sa kanila kapag sila ay nagsama? Lalo...