Chapter 9

100 6 0
                                    

Samantha's POV

  Ok! Get ready guys in 3, 2, 1, let the program begin!

Ayy! Taray naman non. Dami nilang alam ah. -____- 

Pagkatapos sabihin non ay pinaayos naman kami ng pila bago pumasok sa entrance. At syempre dahil madami silang alam ay pinahuli nila yung mga walang partner. Sa kasamaang palad kasama ako don sa mga walang partner. Ewan ko ba don sa laurence na yun kung bakit biglang nawala at hanggang ngayon wala pa rin. Naku! Pag nakita ko lang talaga yan iuumpog ko sa kanya tong heels ko. >____< pero joke lang. Bait ko kaya! ^______^

Pansin ko naman na dalawa lang kaming babae na walang partner. Sa pagkaka alam ko eto yung weird na nerd don sa kabilang section e. At bakit don sa nababasa ko sa mga libro na kapag prom diba gumaganda yung mga nerd? Bakit sya hindi? Hayyys kawawa lang. Anyway ayun nag uumpisa na silang maglakad. At syempre by partner. 'Sige lang tagalan nyo pa pag ako nainis ibabalibag ko sa kanila tong sandals ko!' Ay! Joke lang ulit. Alam nyo naman na NAPAKA bait ko. 😉

  Mayamaya pa ay sina dylan at olympia na ang sumunod na pumasok. Habang pinapakilala sila ay sumunod naman sina julian at... Teka! Yun yung partner ni ethan ah? Panong——

   "May problema ba?" Halos mapatalon na ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang gulat.

      "Ethan." Mahinang sabi ko. Pero mukhang narinig pa rin niya kasi tinaasan nya pa ako ng makapal nyang kilay.

   
   "Sa tingin ko mag isa ka lang, kaya pinaubaya ko na yung partner ko kay julian. Kawawa ka naman e." Sabi nya sabay lahad ng kamay nya sakin. "Let's go?" Pag aaya nya pero di ko sya pinansin. Tsk! Sino daw ang kawawa? Ako? Ako na si samantha perez kakaawaan? Tss! Bahala syang maglakad mag isa.
'Wag ka ng mag inarte! Kapag hinayaan mo sya e di maglalakad ka din mag isa!' Sabat nanaman ng utak ko. Tss! Wala pa rin akong pake.

Tinalikuran ko na lang sya at tsaka lumipat sa pinaka dulo ng pila. Pagkatapos non ay parang pinagsisihan ko na yung ginawa ko kasi nakita ko na kami na pala dapat ang susunod na papasok! At dahil walang partner si ethan at yung nerd na walang partner ay silang dalawa ang pinag partner. Ang ending? Ayun! Si samantha perez ay mag isang papasok sa entrance!

Habang tinitignan ko sila na pumasok ay parang nagmamadali si ethan. Halos hatakin na nga nya yung nerd na partner nya hanggang sa makarating sila sa pwesto nila.

Sumunod naman na tinawag nila ay yung pangalan ko.

  "Last but not the least Ms. Samantha perez &—–" mukhang naputol yung sasabihin nung host kasi nakita nya na ako lang ang mag isa. Nagtataka siguro sya kung bakit ako lang. Kung bakit walang partner ang nag iisang Samantha perez. "And Mr. Ethan velasco." Pagpapatuloy nya. A-ano daw? O_____O

Ethan's POV

Bakit ba kasi napaka arte nung babae na yun? Sya na nga tong may kasalanan kung bakit wala syang partner tapos ngayon aayaw pa siya? Ethan velasco na nag aya tinanggihan pa?

Nang maipartner na ako don sa babaeng nerd na yun ay dali-dali akong naghanap ng mauupuan nya kung saan pwede ko na syang iwan. At ayun! May nakita akong space sa upuan ng mga ka section nya at don ko sya iniwan.

    "Last but not the least Ms. Samantha perez &–—" paputol na sabi ng host kaya binilisan ko ang lakad ko para mapuntahan sya don sa kinatatayuan nya. Tsk! Hindi dapat sya mag iisa kung hindi sya nag inarte. "And Mr. Ethan velasco." Sabi ng host ng makarating na ako sa pwesto ni sam. Hayyys! Ang babae talaga na to oh!

Playgirl Meets Playboy (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon