Ellise POV
"Nice one!" Sigaw ko ng matapos na yung preparation para sa birthday ni ethan.
My god! Si ethan na yata ang pinaka swerteng nilalang dahil ngayon lang nag effort ang tulad ko at para sa kanya pa.
*Riiiinnnnnggggggggggg*
"Maam may gusto daw pong kumausap sa inyo."
"Sino daw?" Inis kong nilingon yung katulong nila ethan. Psh! Istorbo!
"Hindi po nagpakilala--'
"Dapat pinatayan mo na! Hindi naman pala nagpakilala tapos ipapakausap mo sakin?! Ano ba namang utak ang meron kayo?! Tsk! Pag natapos lang tong party ni ethan, ayoko ng makita yang pagmumukha mo dito! Maliwanag?!" Gulat na gulat naman syang napatingin sakin.
"Maam wag naman po, K-kailangan ko po ng trabaho para sa mga g-gamot ko."
"Aba't talagang- sumasagot ka pa ha?! Anong pangalan mo?!"
"Maam wag naman po sanang umabot sa--'
"Anong pangalan mo?!" Inis na ko dito sa matanda na to ah!
"M-melissa maam. Melissa agustin po." Sagot nya habang nakatungo. Psh! Paawa masyado!
"Okay. Mrs. Agustin, ayoko ng makita yang pagmumukha mo dito pag natapos na tong party okay?" Mahinahon na sabi ko.
"Maam pero--'
"No buts! I don't need your explanations! Get out!" Pansin ko naman na hindi pa rin sya umaalis kaya .. "Hindi mo ba ako narinig?! Bingi ka ba?! Ang sabi ko GET OUT!" Tinignan mun nya ako bago umalis. Tss!
"Hindi ko alam na malaki na pala ang pinagbago mo ellise?"
Unti unti muna akong lumingon at.....
O______O
"Mrs. V-velasco."
Damn it!
"Ano bang ginawa sayo ni manang agustin para sigawan mo siya ng ganyan?"
Damn it! Damn it! Damn it! K-kanina pa ba sya nandyan?!
"M-mainit lang ho ang ulo ko." Pagdadahilan ko na agad naman niyang tinawanan. Tawang sarcastic.
"At kailangan mo pa syang idamay?! Stupid reason! Alam mo ba na sa tinagal tagal na dito ni manang agustin ay ngayon pa lang sya nasigawan? At ng isang katulad mo pa talaga ha?" May bahid na inis ang tono niya.
Siya si Mrs. Velasco. Arianne Velasco. Asawa ni tito Andy Velaso. Si tita arianne ay matagal ng tutol sa dati naming relasyon ni ethan. Hindi ko alam kung bakit pero galit na galit talaga sya sakin. Kahit anong bait ang gawin ko sa harap niya ay di pa rin niya ko gusto para sa anak niya. Kaya nga nung naghiwalay kami ni ethan ay siya na siguro yung pinakamasayang nanay sa buong mundo.
"Tita-- I mean Mrs. Velasco. H-hindi naman na po ako iba sa inyo hindi po ba?"
"Bakit hindi mo na lang ako diretsahin kung ano ba gusto mong sabihin?" Taas kilay na tanong niya.
"May pinagsamahan naman po kami ni ethan hindi po ba? Meaning hindi na ako iba sa inyo. Naging part na rin po ako ng pamilya niyo. Ex rin po ako ni ethan. Kaya bakit ganyan ho kayo sakin? Bakit ho kasi hindi nyo na lang tanggapin na--'
"Tanggaping ano? Tanggapin na naging ex ka ng anak ko? Na minsan ka rin niyang minahal?! Ha! Ni minsan hindi kita tinuring na naging girlfriend ng anak ko. At isa pa, sayo na mismo nanggaling na naging ex ka niya. Kaya bakit ka pa nandito? May nalalaman ka pang surprise? Tss! Kahit umiyak ka pa ng dugo... Hinding hindi pa rin kita matatanggap sa pamilyang to! At kahit kailan hindi kita ituturing na bahagi ng pamilya ko. Kaya kung ako sayo wag ka ng mag abala pang gumawa ng kung ano-ano dahil wala pa rin magbabago. Hindi pa rin magbabago ang trato ko sayo!" Sabay hakbang niya palayo.
BINABASA MO ANG
Playgirl Meets Playboy (On-going)
Teen FictionSi boy: Gwapo, mapang-asar, mayabang, leader ng mga badboy at ng mga PLAYBOY. Si girl: Maganda, sexy, mabait (dati nung hindi pa sya niloloko) kilala 'daw' bilang PLAYGIRL. Ano na lang kaya ang pwedeng mangyari sa kanila kapag sila ay nagsama? Lalo...