Samantha's POV
"Uy sam, ano bang problema?" Hila hila ko lang yung kamay ni patring habang palabas ng gate. Naasar ako! Pero ang mas nakakaasar ay hindi ko alam kung bakit ako naaasar! Geeez!
"Sandali nga lang sam!" huminto siya sa paglalakad kaya huminto din ako at tumingin sa kanya."Mamaya ko na ipapaliwanag sayo okay? Wag ka munang magtanong ngayon. Naaasar ako." binitawan ko na yung kamay niya at nauna na akong maglakad.
"Hindi naman kasi yon ang itatanong ko no!" Hindi ako lumingon sa kanya pero huminto ulit ako sa paglalakad. Pumunta naman siya sa harap ko. "Sam nakalimutan mo na ba?"
"Ang alin?"
"My god sam! Nakalimutan mo na bang sinabay lang tayo nila dylan papunta dito? Like duh! Papaano tayo uuwi ngayon niyan ha? Mukhang malayo pa to sa kanto ng sakayan e." nagmamaktol niyang sabi.
Okay. My bad. Nakalimutan ko nga pero ayoko ng bumalik doon sa loob na yon. "Oh anong gusto mong gawin ko?"
"Ikaw kasi e. Sabi ko sayo magdala na lang tayo ng kotse pero nagmamatigas ka pa--
"Sinisisi mo ba ako patring?"
"Obvious ba sam? Syempre hindi. Kasalanan ko talaga e. Nakakaasar talaga ako." sarcastic niyang sabi habang umiirap.
- - - - - - -
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay patring ng makauwi na kami dito sa bahay ko. Oo bahay 'ko' talaga.
"Ang galing mo talaga e no? Sabi mo diba sasabihin mo sakin ang lahat kapag nandito na tayo?"
"Wala akong natatandaang sinabi ko yon." papasok na sana ako sa gate namin ng bigla niya akong binangga at sya ang naunang pumasok. Feeling bahay niya talaga!
"Gisingin mo na lang ako kapag magkekwento ka na." at nahiga naman siya sa sofa pagkatapos niyang sabihin yon. Tsh! Abnormal talaga to.
"Pinsan ko si ethan." pagkasabing pagkasabi ko niyan ay bigla siyang umayos ng upo habang nanlalaki ang mga mata. Para naman hindi niya narinig kanina diba? -___-
"Tapos ano pa? Ituloy mo lang." napapailing na lang ako. Mahilig talaga sa kwento tong babae na to. Tss. Tinanggal ko muna yung sandals ko at tsaka ako umupo malapit sa kanya.
"The end." nakangiwi kong dugtong. Napatampal naman siya sa noo niya kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?"
"Yun lang?"
"Yun lang."
"Haaaaays! Hindi mo ba sasabihin sa akin kung kanino at paano mo nalaman, bakit kayo magpinsan--
"Remember? Yung katulong nila? What's her name again?" tanong ko pero umirap muna siya bago magsalita.
"Manang.... A...a. basta si manang! Oh anong meron kay manang?" naguguluhan niyang tanong. Napangiwi na lang ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko at naaasar ako. Bakit ba ako naaasar?!
*Flashback*
Nang matapos yung ilang nirequest na kanta sa amin ay pumasok muna ako sa bahay este 'mansyon' nila ethan para mag banyo. Hindi ko pa man nahahanap kung nasaan yung banyo nila ay mayroong humarang sa akin na isang matandang babae. Hindi naman masyadong matanda. Mga nasa 50's siguro at sa pagkakatanda ko ay eto yung katulong na sumalubong samin kanina.
Tatanungin ko sana kung nasaan yung cr pero bigla na lang niyang hinatak yung kamay ko at dali dali niya akong hinila--kinaladkad I mean.--papuntang kusina.
BINABASA MO ANG
Playgirl Meets Playboy (On-going)
Teen FictionSi boy: Gwapo, mapang-asar, mayabang, leader ng mga badboy at ng mga PLAYBOY. Si girl: Maganda, sexy, mabait (dati nung hindi pa sya niloloko) kilala 'daw' bilang PLAYGIRL. Ano na lang kaya ang pwedeng mangyari sa kanila kapag sila ay nagsama? Lalo...