Samantha's POV"Itigil mo na nga yan!" Pigil ni patricia sa iniinom kong alak.
"Ano ba?! Umuwi ka na nga sa inyo! Hindi ko naman sinabing bantayan mo ako dito ah." Bigla naman syang natulala sa sinabi ko. Oh know! Ano bang nangyayari sakin?! Pati bestfriend ko inaaway ko na. "Pat I'm sorry kung--"
"Ok lang. Kausapin mo na lang ako kapag hindi ka na lasing." Sabi nya sabay kuha ng gamit nya sa upuan. "Una na ako." At tsaka sya lumabas.
"Damn it!" Sabay hagis ko ng bote ng alak sa may pool.
Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba ako naglalasing?! WTF?! Nagkaganito lang naman ako ng narinig ko yung pinag uusapan ni dylan at julian e.
*Flashback*
"Julian ano bang binabalak mo?" Tanong ni dylan kay Julian habang kumakain sila sa canteen. Dinig na dinig ko ang pinaguusapan nila kasi nasa likod lang naman nila ako e.
"Anong balak ba ang sinasabi mo?" Tanong naman ni julian kay dylan.
"Wag ka ng mag maang maangan pa. Alam kong may binabalak ka kaya mo pinaglalapit si Ethan at si sam." wait lang. Bakit ako nadamay dito pati yung monggoloid na ethan na yun?
At tsaka asan na ba yung monggoloid na yun? Siguro nahiya sya sa mga pinagsasabi nya sakin kaya di pa sya pumapasok. Aba marunong na pala mahiya yun?
"Ah yun ba? HAHA Natatandaan mo pa ba yung sinabi ni ethan noon?"
"Ano ba yung sinabi nya noon?"
"Hayyys! Kahit kailan talaga napaka hina ng memorya mo. Tsk! Ang sabi kasi noon ni ethan titigil lang sya sa pagiging playboy kapag may naging katapat na sya."
"Tapos?"
"At ayun na nga! Dumating si samantha! pinalabas ko na playgirl itong si samantha."
"Ano naman ang nangyari nung nalaman nyang playgirl si sam?" Halos hindi na ako kumakain dahil sa mga naririnig ko. Parang mas gusto ko pang makinig sa mga pinaguusapan nila.
"E di na thrill si ethan kay sam! At kapag nagpatuloy pa yun, babalik na si ethan sa dating sya at pag nangyari yun...... Pwede na silang magkabalikan ni ellise! Diba? Gustong gusto ko kasing magkatuluyan yung dalawa na yun e. Sila na kasi ang perfect couple noon. Sana pati ngayon." Parang bigla akong nainis. Ibig sabihin gagamitin lang ako ng mga tropa niya para magkabalikan sila nung ellise?
BINABASA MO ANG
Playgirl Meets Playboy (On-going)
Teen FictionSi boy: Gwapo, mapang-asar, mayabang, leader ng mga badboy at ng mga PLAYBOY. Si girl: Maganda, sexy, mabait (dati nung hindi pa sya niloloko) kilala 'daw' bilang PLAYGIRL. Ano na lang kaya ang pwedeng mangyari sa kanila kapag sila ay nagsama? Lalo...