Chapter 7

95 7 2
                                    

Samantha's POV

"Ahhhh!"

"Naku sorry! A-ayoko na!" Nagpa practice na kasi kami ngayon ng sayaw namin e. Pinagsuot pa kami ng heels para naman daw masanay na kami habang sumasayaw ang problema kanina ko pa natatapakan to si ethan! Feeling ko tuloy magdudugo na yung paa nito. "Hindi na lang ako sasali sa sayaw. Humanap ka nalang ng ibang partner!"

"Kung hindi rin naman pala ikaw yung magiging ka partner ko wag na lang. Hindi na lang din ako sasali." Sabi nya sa malungkot na tono.

"Ano bang ka dramahan yan ethan?! Hahanap ka lang naman ng ibang babae na marunong sumayaw habang naka heels! Dami mong alam!" Sabi ko sa kanya. pero may kung ano nanaman ang lumilipad sa tiyan ko dahil sa sinabi nya kanina.

"Ayoko! Hindi na rin ako sasali!"

"Ang arte naman nitong lalaki na to! Diba playboy ka? Sandali ka lang makakahanap ng partner mo! Kung gusto mo tulungan pa kita e." napatingin naman sya sakin ng blanko ang mga mata. Sabay lakad paalis.

"Dapat pagbalik mo dito may kasama ka na ah?" Huminto naman sya sa paglalakad.

"Yan ba ang gusto mo? Ang makita ako kasayaw ang ibang babae habang hawak hawak ang kanilang mga kamay at baywang? Kasi ako ayoko! Lalo pa na hindi ikaw yung isasayaw ko! At mas lalong ayoko na makita kang may ibang kasayaw! Sana naman sam ganon ka rin sakin! Pero kung yan ang gusto mo, sige ako na lang ang bahalang maghanap ng IBA. Hindi ko na kailangan ng tulong mo." Sabay bigay nya sakin ng malamig na tingin.  Habang sinasabi nya yan ay parang may kung anong nagsasabi sakin na wag na akong umayaw pero hindi ko sya maintindihan! Ang gulo nya! Gusto nya ba talaga ako?!

"Ethan hindi kita maintindihan." Sabi ko habang nakayuko at tinitignan ang mga kamay nyang nakayukom.

"Ok lang. Alam ko naman na kahit kailan ay hindi mo ako maiintindihan." Ano daw? Ang labo nya talaga! "Mauna na ako. Maghahanap pa ako ng PARTNER ko!" Sabi nya at tsaka naglakad palayo.

Playgirl Meets Playboy (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon