Chapter 14

35 3 0
                                    

Samantha's POV

"That's all for today, Good bye class." sa lahat ng sinabi ng prof namin ay yan lang naintindihan ko. Ano bang nangyayari sakin? Kahit anong intindi ko sa sinasabi ng prof namin ay wala talagang pumapasok sa utak ko––meron naman pala kaso, pasok dito, labas sa kabila. Hayys.


"Pre may nakita akong magandang babae don sa kabilang section, puntahan natin." napailing na lang ako ng marinig ko ang boses na yon. Sino pa ba? Edi yung monggoloid.


"Ikaw na lang pre. May katext ako. Pass muna ako dyan." Agad akong napalingon sa katabi ko kaya napatingin sya sakin at ngumiti ng nakakaloko. "Tama ka sam. Si patricia yung katext ko." at kinindatan niya ko.


"Hoy julian! Tigil tigilan mo lang ang kaibigan ko ha. Wag mo syang idamay dyan sa mga kalokohan mo—–niyo pala!" nakasigaw kong sabi. Konti na lang kami dito sa room kasi nagsilabasan na yung iba kaya ayos lang na sumigaw sigaw ako dito at isa pa, wala akong pake kahit marami pang tao dito.



Ngumisi muna sya at saka nilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Ilakad mo na lang ako sa kaibigan mo." agad kong nilayo yung mukha ko dahil konting konting salita niya na lang ay baka madikit na yung labi niya sa labi ko. Amoy na amoy ko na nga yung hininga niya e.



"Ha! Ang kapal mo naman. Hinding hindi kita ilalakad sa kaibigan ko no! Never! As in never." kinuha ko na yung gamit ko at akma ng aalis ng mapasulyap ako kay ethan na seryosong nakatingin sakin. Umiwas na lang ako ng tingin at kay dylan naman napako yung paningin ko at nginitian niya naman ako pero di ko na lang pinansin.


Anong nginingiti ngiti ng isang yon? Tss.


Hahakbang na sana ako ng magsalita si ethan.


"Sam..."


*Dugdug*

*Dugdug*

*Dugdug*

*Dugdug*



Napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba to? Bakit ganito?



"Pwede ba kitang makausap?" seryoso niyang sabi.


'I'm warning you Samantha Perez.'


Parang biglang nag echo yung boses ni daddy. Susundin ko ba sya?



Pero ano bang pag-uusapan namin ng monggoloid na to?



Arrrrgh! "I have to go." sabi ko kahit hindi pa naman talaga ako umaalis. biglang kumunot yung noo niya at nagsalubong ang makakapal niyang kilay at tumango tango.



"Okay." inalis niya ang tingin sakin at tsaka lumabas ng room.

- - - - - - -


Nandito ako ngayon sa library dahil sa bwiset na teacher namin. Nakakainis! Bakit ba ako pa ang nautusan na magsearch tungkol sa irereport ng nerd kong kaklase. Grade ko ba yon?! Nakakaasar talaga!



"Can I kiss you?"


"Why not?" at bigla na lang silang naghalikan sa harap ko. Oo sa harap ko pa talaga! Ang kakapal ng mga mukha! Geeez.



Ito pa ang isang dahilan kung bakit ako naiinis e. Bakit? Sino ba naman ang matinong tao ang matutuwa kapag nakita mong may naghahalikan sa harap mo? Take note: nasa library  kami. Hindi ba nakikita ng tangang tagapagbantay ang karumal dumal na ginagawa ng dalawang to dito?



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playgirl Meets Playboy (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon