Chapter 2

120 6 8
                                    

Julian's POV

Hahaha ang dali naman yatang nauto ni ethan sa mga sinabi ko? Syempre joke lang na may alam ako don sa samantha na yun.

Nung nakita ko kasi kanina yung babae na yun ay bigla akong nagkaroon ng idea. At yun na nga. Ang akala nila playgirl si samantha pero ang totoo gawa gawa ko lang yun. Si ethan lang naman yung inaalala ko e. Kahit na lagi kaming binubully non concern pa rin ako sa kanya. Ang bait ko noh? HAHA Ganito talaga kapag gwapo mabait sa mga kaibigan nya.

*Flashback*

"Ethan balita ko may pinaiyak ka nanaman daw na babae ah?" Tanong ko sa kanya.

"Nagtataka ka pa? E dakilang playboy yan si ethan. Halos araw-araw may umiiyak na babae dahil sa kanya." Sabat naman ni dylan.

"HAHA ganon talaga kapag gwapo. Iniiyakan at hinahabol ng mga babae." Tss. Ang yabang talaga nito. -_____-

"Oo nga e. Sa sobrang gwapo mo pati bakla hinahabol ka!" Sabat ko. Ang yabang e.

"Ulol! Kayo lang naman yung habulin ng mga bakla noh! Wag nyo kong idamay sa mga bakla na yan! Nakakadiri!" Sabi nya sabay yakap sa sarili nya. Tss! Badboy na may pagka isip bata.

"Maiba nga tayo, kailan mo ba balak magtino ethan?" Tanong ni dylan.

"Talagang sakin mo tinanong yan ah? HAHA hindi na hinding hindi na ako magbabago, unless..."

"Unless?" sabay naming tanong ni dylan.

"Kung may makakatapat sakin."

*End of flashback*

At ayun na nga. Tutal wala naman ka alam alam si samantha e. Kaya sorry sya. Mukhang sya ang magpapatino kay ethan e.

Binilin kasi sakin ni ellise si ethan. Ang sabi nya kailangan daw tumino muna tong si ethan bago sila magkabalikan ulit. Syempre gusto ko na magkabalikan sila. Sila na kasi yung perfect couple na nakilala ko. at gusto ko silang magkabalikan. Kaya ayon parang gagamitin ko muna si samantha para may makatapat na tong si ethan.

Ethan's POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Hindi ako pinapatulog nung babaeng yon. Tuwing pipikit kasi ako sya lagi ang nakikita ko e. Hayyys makapag bar na nga lang.

*****

"Hey wanna join?" Sabi nung babaeng kanina pa tingin ng tingin sakin. Tss! Buti ba kung maganda e. Eh ang panget naman kaya di ko na lang pinansin.

"May problema ba?" Woooah! Gantong babae ang hinahanap ko. "Can I?" Sabi nya sabay upo sa tabi ko.

Playgirl Meets Playboy (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon