Chapter 8

75 6 0
                                    

Samantha's POV

Heto na ang araw na pinakahihintay ng lahat maliban sakin. Prom na namin at parang ayokong umattend! Kainis naman oh! Kung pwede lang talaga na hindi umattend hindi na ako pupunta dun e. Sabi kasi ni laurence kapag hindi daw umattend ay magkakaroon daw ng project e. Tsk! Project?! Halos Hindi nga sila nagtuturo samin tapos pagagawan kami ng project?! Pero napag isip isip ko na aattend na lang ako. Bahala na si batman. Isa pa sa mga iniisip ko ay ang mga pwedeng mangyari mamaya sa party. Alam nyo naman diba na wala akong partner kasi nga nag inarte ako? Kaya hindi ko alam kung sino o kung meron ba akong kasama mamaya habang naglalakad sa entrance.

"Sam hindi ka ba mag papa beauty ngayon?" Tanong ni pat. Nandito nga pala ako ngayon sa bahay nila. Mamaya pa naman yung party kaya pumunta muna ako dito.

"Hindi na kailangan noh! Dahil Una sa lahat maganda na ako. Pangalawa maganda ako at panghuli ang pinaka importante sa lahat ay maganda na ako kaya hindi ko na kilangan nun. Gets?"

"Paanong di ko magegets eh puro maganda sinabi mo. Tsk!" Sabi nya sabay flip ng buhok nya.

"Anong tsk tsk ka dyan! Maganda naman talaga ako noh!"

"Psh! Dami mo namang sinabi. Oo o hindi lang naman isasagot mo e."

"Hindi." Tipid kong sagot.

"Ok. Ready ka na ba para sa pag hohost mo sa birthday ni ethan?" Sabi nya sabay tingin sakin ng naka kunot noo. Kung katabi ko lang to si pat, siguro kanina ko pa to nasapak. Ayoko nga munang alalahanin yun e. Tapos pinaalala nya pa.

"Pat, gusto mo bang samahan ako bukas?"

"Saan naman?"

"Sa Cr pat. Samahan mo kong tumae!" Sarkatisko kong sabi sabay ikot ng mga mata ko.

"Ayoko nga! Di ko kayang tiisin yung amoy ng tae mo noh!" Eh? Abnormal talaga! -____-

"Slow ka ba o sadyang tanga ka lang? Ang ibig kong sabihin gusto mo bang sumama sa party ni ethan? Tsaka mahiya ka naman sa balat mo noh! For your information mabango yung tae ko wag mong itulad sayo!" Teka! Nakakadiri naman tong pinaguusapan namin. Pero sabagay mabango naman talaga yung akin.

"Ay grabe sya! Pansin ko lang ah. Bakit parang ang hard mo sakin ngayon?" Tanong nya na para bang nag papa cute o nagpapa cute talaga? -__-

"Gara mo kasi kausap! Ano, sasama ka ba o sasama ka?"

"As if naman na may choice ako diba?" Sabi nya tsaka sya naman ang nag ikot ng mata. Tsk!

Ethan's POV

"Ano ng balak mo ngayon?" Tanong ni julian. Nandito naman sila ngayon sa bahay namin. Yung katapat nila sam hindi yung sa malayo. Wala lang mas trip ko umuwi dito ngayon e.

"Ang totoo nyan hindi ko rin alam kung aattend ba ako o hindi e." Walang gana kong sagot.

"Hindi pwedeng hindi ka umattend." Sabat naman ni dylan. Buti naman at nagsalita na to. Akala ko habang buhay na syang magiging pipi. -_____-

"Oo nga! Dahil kapag hindi ka umattend wala na akong magiging kalaban!" Sabat nanaman ni julian.

"Kalaban saan?" Sabay naming tanong ni dylan.

Bigla naman nag pogi sign si julian sabay kindat samin. Tss! Kadiri -___- "Sa pagiging PromKing" Pagkatapos naman nyang sabihin yan ay bigla na lang umangat yung middle finger ko sa kanya.

"Asa ka naman! Hahaha" Bigla naman nya akong minura kaya tinawanan ko na lang sya.

"Pero seryoso, ano ngang balak mo mamaya?" Seryosong tanong ni dylan. Sabay tingin sakin. Ano bang klaseng tingin yan?

Playgirl Meets Playboy (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon