"Wow pare!! Napanuod mu na ba ang away ni RexxD at Kglnglng?"
"T@3 pre, nagka-stalemate ata kasi sabay nag-logout in-game."
"OO nga eh. Haha, ampalpak nga eh. Nakita mo mga admin? Lumaki mga mata nung bigla nalang nag DC ung dalawa."
"Baka nag-usap yung dalawa na sabay mag-disconnect."
Ayan na naman sila. Virtual Reality. Letse. Taong 2010 ku pa narinig yang topic na yan ah. Nakakinis na minsan. Kahit kapitbahay kong lolo naglalaro. Kahit magulang ko pinipilit na din. Letsugas, kahit ung aso naming askal gumagamit na din para humaba ang buhay. Nu ba?!
Teka muna. Bago ma vent lahat ng frustrations ko, ipapaliwanag ku muna kung anu meron. Taong 2018 na sa Pilipinas. Isang taon pagkatapos ng makasaysayang pagkapanalo ni Mayor Digong, at finally, the internet connection of the Philippine archipelago will be improved. Kaya wala nang maraming nagd-DC sa mga OL games. Which brings us to the next topic.
VRMMO. Virtual Reality Massive Multiplayer Online Games. Probably the biggest break in the online gaming history. Akalain mu naman kasing magkakatotoo ang theory ng SAO, except ung sa pagkakakulung sa laro ah? So yun, may nakaimbento ng kanilang sariling version ng NerveGear, which they call 'Link'. Creepy.
Mga ilang oras pagka-open nito sa public ay lumabas agad ang pinakaunang VRMOBA, ang Drastic Rage Online, DRAGON for short. After ng ilang maintenance ay pumayag ang mga admin nito na i-absorb ang game into a much bigger RPG field. At yan ang pinag-uusapan ng mga kumag kong kaklase kanina pa.
"Ingay nio Drey." Yun pa lang sinabat ko tahimik agad sila. Good.
"Hime, ayaw mu talaga maglaro ng DRAGON anu?" narining ko yung isa pang kumag na nasa likod ko. Sus naman, kung pede palang pagbabarilin ang mga kumag ng walang haharaping kaso, solve na ang overpopulation sa Pilipinas.
"Hindi ako hime, Calm. At hindi ko pa kino-consider na magkulong sa bahay ng isang linggo ng walang ligo at walang exercise." Sabi ko ng nakapamaywang. Ay aba't nag tsk pa ang loko?
"H-hime, s-sure po ako, mage-excel po kayo dun," mahinang sabi ni Yuna, "m-magaling naman po kayo sa physical activites sa skwelahan eh."
"Ay naku naman." I groaned in frustration. Oh kita nio? Kahit mahinhing babae naglalaro na ng brutal na larong yan eh. Kaya dumami ang woman rapist sa Pilipinas. At mga lalaki pa napagbibintangan. "Alam nio, bahala kayo sa buhay nio. Ayoko pang magmukhang bungo dahil na undernourished ako ng isang linggo."
Lumabas na ko ng classroom at tumungong cafeteria. Dinig na dinig mo ang mga bulong sa likuran ko.
"Ui, si Shio-hime."
"Obvious naman eh. Bad mood ata?"
"Baka may inaway na naman."
"Ui wag kang maingay!"
"Singko pa rin ba ang insta-coffee?"
OO na, prinsesa daw ako. I am the daughter of the most prominent gourmet cook in the whole South-East Asia. Yung nanay ku naman, auditor 'daw' sa bangko ni Lolo. And I am proud to admit, may 6k MMR nako sa DOTA 2. I am a gamer of the 'old world' ikanga, kahit na last last year lang natapos ang Manila Majors. Mga tao talaga.
May nahagip akong 'tao' at unconsciously inayos ko buhok ko.
"Hi, princess."
"Hello, Jian." Sabi ko habang humahakbang palayo. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nag hi si kras!! Ok na araw ko. Haha.
"Alam mo iha, walang magandang naidudulot ung paghihintay lang. Tanungin mo na kasi."
Napangiwi ako ng marinig ko si manang Celia, tagapagluto sa cafeteria ng school. Mahilig din to no? mahilig mamansin ng hindi obvious.
"Manang naman, naniniwala pa rin akong ang lalaki ang dapat maunang gumawa ng first move." Sabi ko as I tapped the counter. "Boom!!"
"Batang to, oo." Tumawa lang siya. Kahit naman nature na nia ang makialam, love ko pa rin yang si manang. "At anu, maghihintayan kayong dalwa? At pag nalaman mung naunahan ka na, manghihinayang naman? Oh eto na pancakes mo."
"Manang, parang pancakes lang yan eh, inaantay na dumating. Patience lang."
"Iha, mas mabuti nang masaktan ka ngayun kaysa mas masaktan ka sa habang-panahon."
"Si manang oh, humuhugot!!" tawa ko sabay lapag ng bayad. "Salamat po manang."
Masaya akong umupo sa napili kong pwesto. As I munched through my pancakes, napagisipan ko yung mga sinabi ni Manang Celia. Oo nga naman. Pero un nga eh, magkaiba kami ng views pagdating sa mga relasyon. At tsaka, lagi man akong high-tempered minsan, iniimagine ko pa rin na ako'y isang damsel in distress na dapat sagipin ng isang knight in shining armor kuno. LOL.
Paglabas ko sa café ay narinig ko nanaman sila.
"Anu simulan na OL? May quest pako sa kabilang bundok ng Diocle eh."
"Sige, samahan na kita."
Pumangit na naman bigla araw ko.
BINABASA MO ANG
DRAGON: First Link
Science Fiction(To be edited) The Near Future. Where humans have made progress towards the enhancement of virtual reality. The Link. A device used to enter the world where one fights for his own visions. Hime. The 'old' gamer who goes to an adventure inside the vi...