4.0: Direction

357 14 0
                                    

Anu ba yan.

Nakalimutan kong magtanong kung saan mayroong specialization buildings. At kung pano kumuha ng skills. At kung saan ang mapa. Kanina pa ko naglalakad. Buti nalang Malaki time difference dito, so mga ilang minutes pa dumaan sa real world what it feels like hours dito sa VR.

Sa inis ko I delivered a kick to a trashcan. Lumipad eto, at nagulat ako ng automatikong bumalik eto sa pinagtayuan nito kanina. Pero mas nagulat ako ng may notif na lumabas.

Low Kick (Active): Physical skill.

Anu ba naman, kahat skill description kulang-kulang. Wait- hindi naman siguro kailangan ng maraming description dahil basic naman yung kick. In-open ko yung menu at dinissolve ko na ang mga notif para sa basic physical skills.

Youre Basic Physical attacks will be built-in and will level up without notifications.

Hmm.

I went to my favorite brawler stance, swayed a little, and delivered a swing sa iniisip kong kalaban. Seconds later may lumabas na notification. Napangiti ako.

Kidney Shot (Active): Physical skill that pinpoints the lower abdominal quadrant. Can use Mecha

Boost. Consumes 20 EP.

Congratulations!! You've earned the Brawl Mastery stat!! Using skills under these stat will increase its level. Stats can be distributed.

Ayus.

So, hinanap ko naman ang mga specialization shops. Wala kasing in-game marks para dito. Yung mga buildings parang normal lang, at ang mga palatandaan ay ang mga karatulang normal na nakikita sa tunay na buhay.

May nakita akong matandang lalaki. Hmm, since wala naman siyang diamond sa taas ng ulo nia ay resident siya dito. Nilapitan ko nalang.

"Hello, good sir."

"Good morning." Sabi ni manong. "Anong maipaglilingkod ko saiyo, iha?"

"Magtatanong lang po sana ako kung nasan ang spec shops."

"Spec shops?" Kumunot ang noo nia, "Ah, baka yung mga training centers. Nakita mo yung kantong yun? Three blocks makikita mo na first gym dian. At magkakasunod na sila, so no need mo nang lumayo pa."

"Salamat po." Sabi ko at nag-bow.

"Word of advice iha: wag ka muna pumili ng class. Balik ka dito kapag ang pinapalevel mong mastery ay nasa decent numbers na ang level." Ngumiti ito. Nag-bow ako ulit at saka lumakad na.

Pumasok ako sa isang 'gym'. It looks like a gym, really, with the exercise equipments, except nalang sa isang machine na parang lalagyan ng ulo ng gumagamit. Haha, laki ng butas kasi eh.

Pumunta ako sa counter at nag-inquire ng paggamit ng gym. Yung guide parang ngayonlang nakakita ng customer. Nang tinanong ko, sabi niya wala pang 'Linkers' na gumamit ng gym. Oo nga naman. Sa ganda ng graphics at lay-out ng laro, ba't sila magsasayang ng oras para magtraining sa building na to?

"Kukuha ka ba ng Pugilist class, iha?"

"Nako hindi po," sagot ko, taking in mind yung sinabi ng matandang lalaki kanina, "training lang po para ma-up ko yung Brawl Mastery ko."

"Ah, na-meet mo na pala mayor ng larong to." Nakangiting hinapit nia ang mustache nia, "He always does that. Wag kang kumuha ng quest sa kanya kung ayaw mong mamatay ilang days pa lang pagdating mo dito."

"Mayor yun?"Tanong ko habang tinitingnan ang tita-allum gloves na nasa harap ko. "Kuya gamitin ko na ring nio ah?"

"Gusto mo ng training sched? Meron tayong complete training plan para sa beginners."

"Thanks, I'll take you on that."

Pumasok kami sa isang training room na may mga metal dummies. Inexplain ni kuya tagabantay(yan na naman yang nickname na yan) na merong seven levels of training para dun sa interesadong mag Brawl-Type Class, difficulty raising every level from 1 to 7. Okay na to. Pumunta na ko sa harap ng isang dummy. Nag nod ako kay kuya at in-equip yung binigay niang practice gloves.

Level one. Stationary target.

No time to waste on a low-level speck. Full swing, may na-trigger akong skill sa utak ko at my punch went from normal to beri beri strong. Sa isang contact lang ng suntok ko lumipad na ang dummy. Nganga si kuya. Haha.

Boost (Race Exclusive Skill): passively infuses physical contact by using EP. Skill is only usable by Rusters.

Projectile Punch (Active): Physical skill that uses an overhead full swing to attack the enemy. Can be Boosted. Consumes 50 EP.

Brawl Mastery levelled up!

Brawl Mastery levelled up!

Brawl Mastery levelled up!

Brawl Mastery levelled up!

"Wow." Sabay kami ni kuyang tagabantay. Hindi ko alam kung bakit rin sya napa-wow, eh hindi naman nia nakikita personal notifs ko.

"Lakas mo iha." Puri niya.

"Osus!!"

"I mean it. Wala pang naka knockdown nian. At what's more, in one hit pa!!" Tuwang-tuwa na sabi niya. Kaya pala. "Ganu ka ba kalakas?"

Tiningnan ko ang Stat bar ko.

Class: None     SP: 1

Max HP: 550     Max MP: 210     Max EP: 400

Damage: 100~120

Strength: 35       Stamina: 50

Agility: 21           Dexterity: 43

Intelligence: 35  Wisdom: 14

Brawl Mastery: 5

"Kuya, anung decent level ng mga Mastery para sa isang beginner?" tanong ko habang nakatitig sa personal screen ko.

"Huh, eh, mga level 10 okay na siguro." Sagot niya, "Bakit?"

I sighed as I closed the menu. Madali lang pala to.

"Ano? Kaya pa?" sabi ni kuya.

"Yosh!!" SAbi ko habang papunta na ulit sa gitna nang biglang kumalam ang sikmura ko. "Or not."

Tumawa si kuya. Ay loko to, gutom na nga yung tao pinagtatawanan pa.

"Break muna, iha. Lumabas ka muna't kumain." Sabi nia na nauna nang lumabas.

Wait so walang libreng pagkain dito? Oh, great.

DRAGON: First LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon