16.0: Offline

231 8 1
                                    


"Ui Drey, napanuod mo ang laban ng Meso at CloverLeafs??"

"OO nga dre!! Ayus yung OP Merc ng Cloves!! At ang ganda pa!!"

"Haiixt, sino kaya siya!?"

Ayan na naman sila. Simula nung bumalik ako nung nakaraang araw ay ang overpowered 'Boxhead Princess' ang pinag-uusapan nila. Wala namang masama, kung hindi ku lang kilala kung sino ang pinag-uusapan, at kung gaano nito ka-hate ang ibinigay na nickname ng letseng announcer na yun.

"Anu ba yan, ang ingay nio!!" ayan. Tahimik na naman.

"We can't help it." yung kumag sa likod ang nagsalita. "The second OP character after the legendary 'Anynomuos', that boxhead has superior firepower with her turrets and mines. And she took out the 7th in the SEA league ranking. Please give us a reason kung bakit hindi pwedeng pag-usapan yan."

"Calm, nasa school tayo, wala sa virtual world." Sabi ko.

"H-hime—"

"Tahimik Yuna, hindi pako tapos dito." Binalik ko tingin sa mga nagkumpul na kumag. "Come on, whoever that boxhead you're talking about, she'll find the nickname lame."

"Whatever floats your boat, hime." At isinuot ng kumag ang headphones nia.

"Aaargh." Walk-out na naman.


Maririnig mo na naman ang mga bulong-bulongan;

"Ui si hime!!"

"Wala pa rin, hindi pa kami bagay."

"Hui, asa ka namang papansinin ka nyan!!"

"Teka singko pa rin ba ang insta-coffee?"

"Letse, noong nakaraang linggo pa yan ah!?"

Power. Yun yung na-achieve ko. Ok lang naman kasi yun lang din ang hinanap ko in the first place. But why the heck would anyone give me the lamest fcking nickname!?

Sa pagpupuyos ko di ko na nakita yung nakabangga ko.

"Ittai!!"

"Augh." Wait, I know that voice. "Princess, okay ka lang?"

"A-ayus lang ako." Sinasabi ko na nga ba. Pinilit kong tumayo and he offered his hand. "Thanks."

"Sorry, princess, may hinahabol lang kasi ako." He smiled politely. "Sige ha, bye."

"Bye Jian." Sino kaya hinahabol nun? Sana ako. Huy bumalik ka dito!! Haha.


"Yang mukhang lutang kung makangiti, parang alam ku na kung sinong nakabangga mo sa hallway." Ani manang Celia. Ngumiwi ako. Masama bang pangarapin na hinahabol ka ni kras?

"Manang, wag mamansin ng hindi obvious."

"Iha, may masama akong balita."

"Anu manang!? Nasagasaan si Sir Ansay ng MRT? Maglilindol bukas? Or bagyo? Or-"

"Wala na kaming pancakes."

"ANOOOOO!!!" sigaw ko. Nagtinginan lahat ng tao sa banda namin. "NOOOOOOO!!!!!!"

"Joke lang, anu ka ba." Tawa ni manang habang nilalapag ang pancakes. "Ang OA ng prinsesa ah."

"Eh kasi naman manang, wag ganyan, alam mu namang karugtong ng buhay ko tong mga pancakes mo." Ibinigay ko na bayad. Naku naman, buti mabait akong tao. Kundi, Blrksh. "keep the change manang."

"May isa pakong masamang balita." Seryoso ang mukha ni manang Celia.

"Anu na namang trip yan? Baka kung anu-anu—"

"May gf na si Jian."

Gumuho ang mundo ko. Bakit? Bakit ganun? Sinabon ko naman. De, seryoso. Tama nga si manang. Dapat di na ko nag-antay.

"Iha?"

"manang, wag ngayun, may paglalamayan pa ako."

"Iha—" tiningnan ko ang naghatid ng masamang balita pero nakangiti ito, "joke lang yun, kalma ka lang.

"Eeeeeh, manang naman eh!!"


I sat down on my favorite place. There really is no place like reality, ikanga. You can't predict what will happen without knowing what happened, and you can't seem to find the right pieces to put all of a puzzle in place. At wag masyadong magtiwala. Unlike AIs, real humans are absolutely unpredictable. Kung ang mga residents sa villages ng DRAGON ay straightforward, ang mga tao sa totoong buhay will sometimes play with you, talk with you, or they will take you on seriously.

Augh, enough contemplation. Kainin ko nalang ang pancakes ko. Kung meron man magandang natutunan ko saking mga magulang, yun ay ang pagkilala sa sarili ko at saking mga ideolohiya kapag may time. LOL. No, seriously, every now and then I get to think of what I did, do, and will do and how it will affect the surroundings. Clearly, walang maidudulot na maganda ang pagtunganga ko dito dahil lalamigin na ang pancakes ko.

Nahagip na naman ng mala-cyclops kong mata ang kumag na si Calm. Na may kasamang mukhang baliw na lalaki. Parang malikot kasi. Hmm, not that it matters. I grabbed my phone and texted my team (Sands). With the game's auto-relay feature ay siguradong makukuha agad nila yun.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


"Pre, I think I really need to change my IGN."

"What? Maganda naman yang 'Ultim8Loaf' ha?" Dyrrick munched his croissants while waving at a bunch of ladies.

"I think I'd be okay with just 'Loaf'."

"Okay, man. Wait, I'll get my bike."

"Dude, you ain't thinking about joining another triathlon, aye?" I sighed. "And you're not making me join with you?"

"Come on, it'll be fun!! Sasali rin si Presh." Sabi niyang kakalabas lang ng school garage. His silver mountain bike glistened under the afternoon sun. "Tomorrow morning Calm, just get hyped up, once in a while."

"Whatever floats your boat, man."

DRAGON: First LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon