2.0: Decline

594 17 0
                                    


"Morning Shio."

"Morning kuya." Sabi ko sa nagbabantay ng compshop. "Merong available na unit?"

"Meron, 20 units pa."

"Hah?" hindi ako makapaniwala, "anung meron?"

"DRAGON," sabad ni Gwyne na kakapasok lang.

"Naku naman, kung hindi dahil sa inyo, pati na rin yung mga teachers at mga nagreresearch, ghost shop na tong café." Rinig na rinig ang lungkot sa boses ni kuya tagabantay.

"Sus, okay lang yun. Dun worry kuya," sabad naman ni Sky pagdaan nia sa counter, "Buhay pa ang Team Sands, kaya may regular customers pa kayo."

"UU nga," ani Rin na sumunod na sa iba.

"At andito naman si hime. Kahit mag-hapon yan dito basta makalabas lang ng dalawang oras para mag- stretch at fully equipped na ng kakainin sa maghapon, okay na yan." Sabi ni Chriss na may dalang sangdosenang burgers. "Parang eto. Sky dear, pakitulong naman plitss!!"


"Stun."

"3."

"Handle mo na."

"Bot, dalawa. Wait, tatlo na."

"Apat yan."

"Hook na dre."

"Sakin or kay Pudge?"

"Okay, hit. Sayo na lead."

Ganyan kami ngayun. Walang masyadong ingay, maliban nalang sa 'click-click' ng mouse at keyboard. Mainitan ang laban. Deads na tier III towers namin sa mid at top. Pati rin naman sa kalaban. We are currently ganking for the bot lane.

"ULTRA-KILL!!"

Nag type ng 'GG' ang kalaban. Another win for the team.

:le end. Better play DRAGON>>

:ya good sirs. GGWP.

Kumunot noo ko.

:so you ended it because you wanna play DRAGON??

:yep, DOTA is bound to oblivion anyway


Lahat ng teammates ko tumingin sakin. Walang nag-ingay sa kanila. Bumuntung-hininga nalang ako at pinindot ang continue para bumalik na sa DOTA Interface.

"Guys." Nagulat pa sila nang malumanay akong nagsalita. "Quit muna ako dito."

"Ineexpect ko na yan, Shio," sabi ni kuya tagabantay sabay lapit, "napag-iiwanan na kayo ng panahon. Kailangan nio nang mag-evolve."

"Ano kami? Pokemon?"

"Miscrits?"

"Guys, easy." Pina-Rin pa sabay tayo, "Digimon ibig sabihin ni kuy- ittai!!"

"Ayan kasi, nabato ka tuloy." Tawa ko. Humarap sila lahat sakin. "Tama si kuya tagabantay. Kailangan na natin harapin ang katotohanan na outdated na tayo sa online games."

"Fine, I give up." sabi ni Sky na pinipigilan si Chriss na payakap sa kanya.

"I'm already playing DRAGON by the way." Sabi ni Gwyne na sumandal sa headrest ng upuan nia. Lahat ng mata nakatingin sa kanya. "Anu?"

"Traydor."

"Patay ka kay hime."

"Maganda ba laruin?"

"Oo nga, sabi nga ni him- oi hime!! Anu ba pinagtatanung mo?"

"Guys please, we need to change for a while. Don't you all think, wala nang gana ang DOTA 2 gamers na nakakalaban natin? We have to reconnoiter and look at what we have been missing for a while." Tahimik na pala sila lahat. I sighed. "As of now, Holocaust-TeamSands is good enough to compete international tournaments. Nasa baba nga lang ang ranking, pero nakakaya nating umakyat. Pero wala na tayong matinong kalaban."

Napaisip lahat.

"Teka, di mo padin alam pangalan ko?"


"Ma-mimiss ko kayong lima, lalo ka na Shio," malungkot na usal ni kuya Liam, "at finally, alam mu na pangalan ko."

"Sorry naman. Haha."

"Ang totoo nian, tinry ko na rin mag-DRAGON. Hindi ka manghihinayang na nagquit ka na sa PC-gaming. Good luck sa team nio!"

"Wag kang mag-alala kuya, maganda na naman ang internet connection eh, baka di kalaunan nganga ka nalang dahil nasa taas nako." Ngumiti ako, at lahat kami nag-bow sa kanya, "Arigatou gozaymasu, Liam-nisan."


Pagkatapos kung kawayan lahat ng lumalayong kateammates ko, tinawagan ko na ang tatay ko.

"Iha, napatawag ka?" sabi nia pa.

"Oto-san, buy me a Link device. And the game card for Drastic Rage."

"Sh-shio.." narining kong suminghot siya sa kabilang linya. OA talaga. "Okay, nasa bahay na hinihingi mo, tanungin mo si Mang Pepe, alam nia kung saan ko tinago yung para sana sa birthday mo last week."

"Teka, trip mo rin tay ano?" Ngitngit na ako ng pumasok sa sasakyan, "hindi ka rin handa ano!?"

"I never thought the day would come na you won't shy upon Virtual Reality." Tahimik na ko dahil nginangatngat ko na kuku ko sa galit. "Okay, okay, just not the silent treatment. Handa ako, konti lang."

"Whatever TAY!!"

"So kailangan mo ng in-game credits? Bibigyan kita ng allowance."

"No need." I hung up as tumakbo na kotse na dina-drive ng private driver naming pamilya. "The fun would be gone if I don't break a sweat. Walang magandang laro kung pera lang paiikutin mo."

DRAGON: First LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon