Turn-in quest? Yes/No
Pinindot ko ang 'yes' at lumabas ang notif na nagsasabing meron na kong 500 monetary units at 4 na distributable stat points. At dahil under training pa ko, inistand-by ko muna ang mga SP at bumalik na sa gym. Ang haba ng araw na to, pero ngayun pa lang papalubog ang araw. Pero before that tapusin ko muna level 2 ng training plan.
"Konnichiwa," bati ko kay kuya tagabantay.
"Afterno—ui nakabalik ka na pala." Sabi niya habang lumalabas sa counter. "Ano, level two?"
"Yosh, yosh!!"
Nang bumalik kami sa training room, nagulat ako ng makitang nag-iba na ang lay-out ng kwarto. Instead of a solitary dummy sa gitna, meron nang isang robotic humanoid na on-standby.
"Yan si AU. Sparring partner dito. Robot lang yan." Sabi nia habang nag fifidle sa remote. "But don't lose your guard. Kahit na robot yan, may reflexes yan ng isang level 30 brawler."
"HAH?? Level 7 pa lang ako kuya. Baka ibang plan yang nagamit mo?"
"Ever wondered kung bakit walang tao dito?" seryosong tanong nia. Napaisip naman ako. Oo nga. Wala akong nakitang Linker sa lugar. I replied with a No. "Una, dahil sa ang lugar na ito ay walang strategic advantage. Nasa isla about 200 miles away from the mainland. Ikalawa, dahil masyadong OP ang mga monster levels pati na rin mga training camps dito kumpara sa ibang lugar. At pangatlo..." nag-register ang pait sa boses nia..
"Ano, kuya?" tanong ko.
"Wala pang Rust na nag succeed sa mga Link Games sa mainland. Dahil na rin sa dalawa pang reasons na sinabi ko, imposible para sa mga Linkers ang maglevel-up dito."
Silence.
"So," sabi nia, "okay lang ng mag-shift ka to other races. Maiintindihan ko naman. Walang magandang laro kung nasa disadvantage ka."
Dun na ako nairita. Pa fail tong taong to eh. Naka ilang match nako sa DOTA 2 kung saan lagi kaming nasa advantage pero nababaliktad naming ang laro. At seriously? Shift ng race? Ni minsan nga di ko naisip na magpalit ng nationality eh. I'm proud of what I am, and I'll be proud of this race I'm currently in. nilapitan ko si kuya, hinablot ang remote, at in-on si AU. Nag-stance naman ang robot.
"T-teka, anong ginagawa mo?" tarantang sabi ni kuya.
"i-explain ko sayo habang nagpa-practice ako." Sabi ko habang nag feign ng punch kay AU. Ganun rin ang ginawa ng robot. "Una, yung mga creators nio ang naglagay ng race na to dito. So kapag nilagay, may paggagamitan."
Tahimik lang si kuya habang nakikipagsuntukan ako sa robot. Nag 'Projectile Punch' ako then I triggered Boost. AU shielded itself with its arms. I retaliated, and used 'Sword Hand' para tamaan ang ribs nito. Pero dineflect lang ang attacks ko. It used a low kick to hit me. I blocked it and swung a good punch to its head. It dodged. We jumped away from each other.
"Mahirap nga to." Saad ko. Kailangan ko pang mag-trigger ng Boost. At dahil sa adrenaline, nauunang kumilos ang katawan ko ng mga ilang nanosecond bago gumana ang utak ko.
"May Boost ka na diba?" comment ni kuya. "Activate mo nalang, kesa trigger ka ng trigger."
OO nga no? Nag thank you ako kay kuya and dashed towards AU. Handa na ito.
Boost. Sabi ko sa sarili ko. Na feel ko na ang skill at tuloy-tuloy ito. Time to go on the offensive. Tinadtad ko na ng suntok si AU. Kapag nag try niang umatak ay kinacounter ko. Biglang nag red ang mata niya. Instinct told me to duck. Red laser came buzzing above my head. Hindi ko na pinalampas ang moment na unguarded siya. I swung my hardest punch and used Kidney Shot. Bumigay ang hip parts nito. And again, bumalik ako sa pagbabarage ng mga suntok ko.
Yupi-yupi na si AU ng natumba ito. Again, nga-nga si kuya. Haha, parang gusto kong tapusin ang training plan na ito para lang makita ang reaksyon ni kuya tagabantay every time I finish a level with a bang. BANG!!
Barrage: A series of physical attacks using Boost. Time duration: 30 seconds. Consumes 5 EP per second. Duration is extended with every level of Brawl Mastery.
Brawl Mastery has levelled up!
Brawl Mastery has levelled up!
Brawl Mastery has levelled up!
Brawl Mastery has levelled up!
Brawl Mastery has levelled up!
Brawl Mastery has reached level 10!! EP consumed by Boost will be decreased by .2%!!
"And ang ikalawa, kuya," sabi ko sa kanya as I brushed away the notifs. Nakatanga lang siya nakatingin sakin, hindi ata makapaniwala sa pagsira ko sa robot nia. I grinned as another notif came up. "Comeback is real."
BINABASA MO ANG
DRAGON: First Link
Science Fiction(To be edited) The Near Future. Where humans have made progress towards the enhancement of virtual reality. The Link. A device used to enter the world where one fights for his own visions. Hime. The 'old' gamer who goes to an adventure inside the vi...