-LYKA-
Eto parin ako kahit sabihin kong tatlong araw na ang nakakalipas di pa din ako okay dahil nga kay Denver kainis siya grabe. Nasaktan ako ng bonga tsk.
"Ano ba tong laman ng bag mo at ang bigat bigat?! Dala mo ba lahat ng gamit niyo sa bahay niyo at ganito ito kabigat?!" Tsk puro naman reklamo tong si Andrei! Kanina pa yan eh. Hahaha diba nga slave namin sila hahaha ang sarap nilang utusan kaasar!
"Sa tingin mo ba kasya yung mga gamit namin sa bahay diyan sa bag?" Pag tataray ko. Kainis kasya ba dun yun di ba hindi.
"Tsk." Tignan mo toh pumayag tapos mag rereklamo.
Nag lakad na kami papunta dun sa room namin pinag uusapan na nga kami eh kesyo daw nanliligaw daw si Andrei. Tsk. Galing talaga nila pag dating sa chismis eh. Umupo na ako dun sa upuan ko si Trisha wala pa ah pero andito si Gilbert. Si Angelique kasama si Jeff. Tsk. Nag bunutan kasi kami kung sino magiging slave namin. Kung minamalaas ka nga naman etong si Andrei pa nabunot ko. Kaasar diba!
"Nakita mo ba si Trisha?" Tanong ko kay Angelique.
"Hindi pa nga eh wala pa akong nakikita kahit anino niya." Sagot ni Angelique. Baka hindi papasok.
"Save ako ngayon hahaha wala siya ngayon!" Tuwang tuwa naman toh. Tsk.
Sakto naman pumasok yung teacher namin. Hindi muna daw siya mag tuturo kasi masama daw pakiramdam niya mag basa na lang daw kami para bukas daw pag may tinanong siya masasagot namin. Nag aral naman ako kahit inaantok ako. Hayss nakakainis naman kasi anong oras na ako nakatulog dahil kay Denver. Ang sakit parin kasi eh hanggang ngayon.
"Tsk. Baliw iiyak na lang bigla." Sabi ni Andrei. Hala di ko na pansin na umiiyak na pala ako tsk.
Buong oras na yun lutang ako. Lutang na lutang as in lutang. Lutang na lutang sige ulit pa.
"Hoy wala ka pa bang balak kumain?" Pinalo ako ni Angelique. Kaya bumalik ako sa katinuan ko.
"Tara na." Nag lakad kami ni Angelique palabas ng room yung dalawa kasi tinakasan daw kami. Si Jeff lang ang nandito.
Kumain lang kaming tatlo este ako ng tahimik. Yung dalawa kasi nag tatalo nanaman sa di malamang dahilan. Natigilan naman kami tatlo kasi tumunog yung phone ko. Si Trisha lang pala. Ni loud speaker ko kasi yun yung gusto nung dalawa -_____-"
"Hello?" -Ako
"Sabihin niyo sa akin kung may homework or quiz." -Trisha
"Ah sige paano pag sa book?" -Angelique
"Mag kita. Tapos bigay." -Trisha
"Ah sige" -Angelique
"Utusan niyo lang ng utusan si Gilbert." - Trisha
"Eh hindi naman pwede yun. Slave mo yun eh di susunod sa amin yun" - Ako
"Sabihin niyo sabi ko." - Trisha
Naputol na yung tawag ni Trisha. Binaba na niya siguro di man lang nag bye.
Agad namang pinahanap ni Angelique yung dalawa kay Jeff. Mga ilang minuto dumating na silang tatlo.
"Hoy kayong tatlo sumama kayo sa amin mamaya! At ikaw Gilbert may papadala kami sayo!" Kulit ni Angelique. Parang gustong gusto niya yung may inuutusan.
BINABASA MO ANG
I Love Everything About You [On- Hold]
FanfictionKaya niya kayang tanggapin ako, kagaya ng pagtanggap ko sa kanya? ○~○~~○~○~○~○~○~○~○