-LYKA-
"Uy sorry dun sa mga sinabi ni Andrei." Sabi ni Jeff.
"Tsk. Bahala siya sa buhay niya wag na wag siyang mag papakita sa akin kung ayaw niyang sipain ko siya." Nakakainis kaya.
"Kaya nga sorry na eh." Sabi naman ni Gilbert. Andito sila ngayon sa bahay ko ewan ko din kung paano sila nakapunta dito. Baka tinuro ni Angelique kasi sabay sila kaninang pumunta dito.
"Ayos lang. Naiintindihan ko naman eh." Sabi naman ni Angelique.
"Basta wag niyo na lang ipaalam kay Trisha toh. Baka mamaya pati kayo madamay." Sabi ko sa kanila. Malaki tiwala ko sa kanila kaya hindi ako galit kay Gilbert. Kay Andrei lang talaga.
"Huh? Eh dapat nga malaman niya eh paano kung sa iba niya pa nalaman edi lagot tayo?" Sabi ni Jeff may point naman siya eh.
"Edi pag balik niya sabihi-" Naputol yung sasabihin ni Gilbert kasi may tumatawag sa kanya.
"Speaking of tumatawag na siya." Sabi ni Jeff. Ni loudspeaker ni Gilbert yung phone niya.
"Hello? Uy kamusta na kayo diyan?" -Trisha
"Ang bait mo yata ngayon ah." -Angelique
"Hahaha nasa mood eh." -Trisha
"Ay nuks. Kamusta kayo diyan?" - Gilbert
"Ako? Ayos lang naman masaya naman hahaha." -Trisha
"Panay tawa mo ha." -Jeff
"Syempre maganda ako eh." -Trisha
"Joker ka pala." -Ako
"Hahaha. Ay oo nga pala gusto niyo pumunta dito may pa kain kasi dito eh. Kung gusto niyo lang naman." -Trisha
"Syempre gusto namin sige saan tayo mag kikita?" -Gilbert
"Diyan sa tapat ng bahay ni Lyka mamaya. Papunta na ako eh." -Trisha.
"What?! Oh sige mag gagayak na kami bye." - Ako
Binaba na ni Gilbert yung phone. Umalis agad yung tatlo sa bahay. Siguro kukuha na sila ng damit nila. Nag ayos na lang din ako ng gamit ko pang isang araw lang naman.
"Ma! Aalis kami punta kaming Batangas. Kasama yung lolo at lola ni Trisha." Sigurado naman akong papayag si Mama eh. Close kaya sila nung lolo at lola ni Trisha atsak nakapunta na si Mama dun eh kasama kami. Hahaha.
Ilang oras ang nakalipas andito na ulit sina Angelique.
*Ding Dong*
Binuksan ko yung pinto. At ayun andiyan na si Trisha kaso ang gulo ng buhok niya.
"Ang kulit mo kaso Toffer eh sabing ako na ang pipindot kasi close naman kami ni Kyka eh!" Sigaw ni Travis.
"Eh close di naman kami ni ate Lyka ah!" Sigaw ni Toffer. Si Toffer pinsan nila Trisha at Travis. Grabe noh ang close nila sa isa't isa. Hahaha.
"Kayo close hindi kaya!" Sigaw ulit ni Travis.
"Close nga ka-" Nabitin sa ere yung sasabihin ni Toffer.
BINABASA MO ANG
I Love Everything About You [On- Hold]
FanfictionKaya niya kayang tanggapin ako, kagaya ng pagtanggap ko sa kanya? ○~○~~○~○~○~○~○~○~○