[8] Di Kaya

10 2 2
                                    

-LYKA-

"Pasalamat ka andiyan si Andrei kung hindi baka nasapok na namin ni Trisha si Denver." Sabi ni Angelique. Medyo okay na ako kasi laging nasa tabi ko tong mga kaibigan ko.

"Bakit ano bang ginawa niya?" Tanong ko. Kahapon pa kasi ngyari yun kaso kasi pag gising ko ayun uwian na.

"Siya lang naman ag sumapok kay Denver hahaha. Buti na lang talaga." Tuwang tuaa pa si Angelique. Tsk. Dapat lang sa kanya yun di ko na siya ipag tatanggol.

"Oo nga pala asan na ba sila?" Tanong ko kay Angelique.

"Wait pahaw muna neto. Kunin ko mamaya." Binigay niya sa akin yung phone niya. Kinuha ko naman.

"Si Gilbert sinamahan si Trisha sa library. Ewan ko pa dun tutulungan daw niya si Trisha buhatin yung mga libro eh isa lang naman kukunin niyang libro. Kala mo naman kukunin ni Trisha lahat ng libro sa library." Inis na sabi ni Angelique.

"Eh si Jeff?" Tanong ko ulit.

"Ah nag luluto pa sa bahay nila." Sabi naman ni Angelique parang nalungkot ah.

"Asan si Andrei?" Kanina ko pa hinahanap yun eh.

"Yun ang hindi ko alam sorry. Bakit miss mo na noh. Ikaw ah hindi pa nga kayo namimiss mo na agad." Ay ganun wala siyang alam. Mag papasalamat lang naman ako sa kanya eh kasi sinuntok niya si Denver.

"Bwisit! Sasamain ka na talaga sa akin!" Sigaw ni Trisha kay Gilbert. Ayan nanaman po sila.

"Akin na nga kasi yan!!" Hinatak ni Gilbert yung bag ni Trisha sa balikat kaya nakuha niya. Pero may natamaang babae si Gilbert nalaglag nga siya eh.

"Ay sor-" Nalaki mata niya nung nakita niya yung babae. Binigay niya kay Trisha yung mga gamit na dala niya.

"Mamaya na lang kita tutulungan ha." Pinisil pa ni Gilbert yung pisngi ni Trisha at ayun kumaripas na ng takbo. Mukhang nairita naman si Trisha hahaha cute bagay sila promise.

"Sorry dun sa ginawa ng kapatid ko ha. Sige bye bye." Nginitian nung babae si Trisha at mukhang hinabol si Gilbert. Nag lakad na si Trisha papunta sa amin.

"Kamusta araw mo?" Tanong ko kay Trisha. Mukha kasi siyang na bwisit eh.

"Tsk." Yan na lang ang nasabi niya so ibig sabihin hindi maganda hahaha.

"Pahaw nga may hahanapin ako sa bag." Inabot niya sa akin yung phone niya. Ano ba tingin nila sa akin taga hawak ng mga phone nila. Ano kayo papahaw niyo din ba phone niyo sa akin?

May nag takip bigla ng mata ko. Sino nanaman ba toh huh?

"Angelique tigilan mo ako." Kinakapa ko yung kamay pero duh hindi toh kamay ni Angelique noh.

"Luh bahala ka nga diyan. Tara na nga Trisha." Sabi ni Angelique. Tinanggal naman niya yung kamay sa mata ko. Tinignan ko kung sino yun ay wow siya lang pala.

"Angelique pala ha. Hahaha." Tumawa naman siya. Tsk. Iniwan pa tuloy ako ni Angelique pati ni Trisha.

"Sorry naman akala ko kasi Angelique." Natawa naman siya sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa dun?!

"Mukha ba akong nag jojoke? Mukha ba akong clown sa paningin mo?" Inis ko tanong sa kanya. Eh kasi naman.

"Hahaha hindi ah. Wala akong sinasabi. Alam mo tara na kasi baka malate tayo." Kinuha niya yung bag ko at yung books. So ano wala akong bibitbitin samantalang siya ang daming dala?

I Love Everything About You [On- Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon