Dedicated to: cherrylane27
Salamat po sa vote 😘😘~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
SANDY'S POVFlash back nung tumakbo siya.
Hayop na yun. Akala ko iba siya sa mga lalaking nakikilala ko. Puto mas malala pa pala siya. Sobrang sakit. Pinagkatiwalaan ko siya kasi akala ko hindi niya ako lolokohin di niya ako sasaktan tulad ng mga lalaking nanakit sakin akala ko siya na yung para sakin tapos ako naman para sa kanya. Puta puro akala lang pala 😭😭 wala siyang pinagkaiba sa mga lalaking walang kwenta, walang puso, paasa, manloloko at sinungaling. Bakit ba lagi na lang ganto yung kapalaran ko? Dahil ba sa hindi naging faithful ang mama ko kaya sakin bumabalik yung karma niya? Pero ang unfair. Hindi ko naman kasalanang hindi mahal ng mama ko si papa ah. Pero bakit ganto?? Lagi na lang akong niloloko, iniiwan, pinagtataksilan??
Wala akong tigil sa pag-iyak. Wala na akong pake kung masira ang light make-up ko o marami ng taong nakatingin sakin ngayon. Nasasaktan ako at gusto kong ilabas to at wala silang magagawa dun.
May tumabi sakin. Nakaupo kasi ako sa isa sa mga bench dito sa park. Oo sa park. Ang layo ng tinakbo ko buti may upuan dito na walang nakaupo sumakit na kasi yung paa ko kakatakbo.
"Huh.. Hahhh~! Grabe pinagod mo ako." Hinihingal na sabi ng katabi ko.
Tsk. Ako ba kausap nito?? Ay. Baka hindi ako. Kasi bakit ko naman siya papagudin?? E hindi ko nga siya kilala. Di ko pa kasi tinitignan mukha niya nakayuko lang kasi ako habang naiyak. Saka hello may uhog pa ako tapos titignan ko siya kahiya lang.
"Ohh. *abot ng panyo*" tinignan ko yung panyo saka ko inangat ulo ko sa lalaking nasa harap ko ngayon. Bakit siya pa??
"Sandy?? Ikaw pala. Heto punasan mo na mukha mo? Mahiya ka naman may uhog kana oh." Aba peste to ah!
"Letse di ko kailangan niyan *kuha ng panyo sa bag* may panyo ako. Umalis kana ngang manloloko ka!!" Nginisian niya ako. Shete bakit ganun ang gwapo niya pa rin para sakin kahit na niloko niya ako.
"Gustuhin ko man. Kaya lang dito kasi kami magkikita ng Girlfriend ko. Dyan mismo sa inuupuan niyo." Huh?? Dito sila nagda-date ang cheap lang ah. Saka anu daw?? Niyo?? Tinignan ko yung tumabi sakin kanina si Rocky lang pala.
"May date din ba kayo?? E bakit naiyak ka? Siguro di ka makamove on sakin no? Hahaha! Well move on, whore may girlfriend na ako." Ouch. Ouch. Ouch. Parang binibiyak yung puso ko ng paulit ulit. At anung tinawag niya sakin?? Whore??!? E siya nga yung whore samin e.
"Oo may date kami at hindi siya whore na kagaya mo. Halika na babe umalis na tayo dito." Bago pa ako makapagreklamo ay nahila na niya ako. Tumulo na yung luha ko na pinipigilan ko kanina pa kasi nga kaharap ko na si Chris. Sobrang sakit kasi. Salamat na din at hinila ako ni Rocky kasi kung hindi baka dun ako mag break down sa harap ni Chris na ayaw na ayaw kong makita niya kasi iisipin niyang weak ako at hindi pa ako nakakamove on which is true naman.
Isinakay niya ako sa pinara niyang taxi. Di ko alam kung saan kami pupunta pero ang alam ko lang ngayon ay umiyak na lang ng umiyak. Hindi ko kasi matanggap na pinagtaksilan ako. Sobrang sakit.
Kaya siguro nagawa ni Chris na pagtaksilan ako ay dahil sa sinabi sa kanya ng hitad niyang girlfriend na ako ang umahas ng boyfriend niya which is not true dahil yung boyfriend naman niya ang talagang humalik sakin. Hayop na yun. Humanda sakin yun mali siya ng kinakalaban.
Huminto kami sa sementeryo. Anung trip nito?? Ipalibing ako ng buhay?? Oo patay puso ko pero alive pa din naman ako para na nga lang zombie 😒
"Anung gagawin natin dito??" Pero ang mokong di ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papasok ng sementeryo at dahil ayokong maiwan dito sinundan ko agad siya. Huminto kamj sa isang puntod malamang -_-
~
Cherry Perez
Born: Jan. 02, 1999
Death: Nov. 28, 2015
~Oh. Ang bagets pa niya.
Nakita kong lumukot ang mukha ni Rocky. Yung tipong nagpipigil nang iyak. Kaya pinat ko yung likod niya at tinanguan siya mukha namang na gets niya kaya umiyak na siya. As in hagulgol talaga. This is my first time to see a man crying and begging to a dead to be alive again. Yes my first time kahit naman kasi naririnig kong naiyak si Papa noon hindi ako naglalakas ng loob na puntahan siya sa kwarto nila ni mama. Hindi ako takot sa papa ko its just that I'm giving him his privacy. After siguro ng dalawang linggong halos puro iyak lang si papa e bumalik siya sa pagtatrabaho. Naging workaholic siya yung tipong pati sarili niyang anak kinalimutan na niya. Ganun, ganun siya ka busy.
Lumuhod na din ako sa harap ng puntod at pinatahan si Rocky. Siguro kung hindi lang ako BH ngayon baka vinideohan ko na to at ipagkakalat para maasar siya pero kasi broken hearted ako e. Saka nakakaawa siya.
Pinatahan ko siya hanggang sa humupa na yung iyak niya. Tinabihan ko na din siya ng upo. Gusto ko sana siyang tanungin kaya lang baka umiyak nanaman kaya wag na lang.
Ilang minuto rin siguro bago siya magsalita.
"Shes my Ex fiancee." Pake ko. Tinatanung ko ba -_- Hahaha joke lang
"What happaned??" Tanung ko at binigyan siya ng isang sulyap. Bakit ganun ang pogi niya pa din at the same time cute din kahit na umiyak siya. Mapula na ang pisngi niya dala ng iyak ganun din ang mga palibot ng mata niya at ang labi niyang manipis na sexy kapag tinitigan mo sobrang pula na. Ang cute lang niya.
"Nagpakamatay siya. Akala niya kasi naniwala ako na pinagtaksilan niya ako dahil daw sa hindi ko pagtext at pagtawag. Nagpakamatay siya. Huli na nun para mapigilan pa siya."
"Grabe. Bakit ba kasi hindi mo siya tinawagan man lang. Maski ako kung ako nasa kalagayan niya e yun din ang iisipan ko e." Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.
"Nasa kotse ako nun nagdadrive papunta sa kanila. Hindi ko naman pwedeng tawagan siya kasi baka maaksidente ako. Pero.. huli na ako kasi pagdating ko... nakahandusay na siya sa kusina at nahiwa na niya ang palapulsuhan niya. I even brought her to hospital pero sabi ng doctor wala na daw talaga. Ang g*go ko kasi e!! Hayop ko lang p*ny*ta!!" Humagulgol nanaman siya. Edi syempre bilang mabait pinapatahan ko siya.
Ginabi na kami kasi kinuwento ko pa sa kanya yung pagtataksil sakin ng EX ko. Hayop na yun. Sabi niya sakin ang g*g* daw ng EX ko kasi naniwala agad sa sabi sabi na sinang ayunan ko naman dahil g*g* naman talaga ang ex ko.
Sa totoo lang gumaan yung pakiramdam ko ng inopen up ko sa kanya yung problema ko. For sure bukas aasarin na ako neto mawawala na yung bait niya sa katawan panigurado mag aaway na naman kami.
Makikita ko papala si Chris at ang hitad niyang Girlfriend na si Celline bukas. Sana lang makaya ko. 😔 makaya kong pigilan yung luha ko.
Hinatid na ako ni Rocky nung dumating yung butler nila na dala yung kotse niya na naiwan sa mall. Bale yung butler na nagdrive ng kotse niya e pinagtaxi niya ulit pero this time pauwi na syempre.
Pagpasok ko ng room ko tinext ko kagad sila na nakauwi na ako sa bahay namin. Tinext ko din sila na dito muna ako kay dad magi-stay ng ilang linggo namiss ko na kasi luto ni Nana ko. Yung favorite yaya ko.
Pagtapos kong maligo ay kumain ako ng pinadala kong dinner in bed. Pagtapos ay nagsipilyo ako at kitang kita ko kung gaano kamaga ang mga mata ko. Grabe daig ko pa nasapak na nakadrugs sa sobrang pula ng mata ko. After ng sipilyo tulog na. Tomorrow is another tiring day for me so I need to prepare myself. Haaaayys 😔
😃😃😃😃😃😃😃😃😃😃😃😃😃
Good night guys! Please keep voting and please magcomment naman kayo kahit di kagandahan to.
Yun lang good ngiht sorry pangit ng flow ng story ko
BINABASA MO ANG
The Bitches Queen (COMPLETE)
FanfictionSHE'S a BITCH SHE'S rich SHE'S beautiful SHE'S smart enough to manipulate everyone in her hands. . . . . . BUT no body knows that she's pacing DEATH. Not that literally death. It means her life is in danger because of a NOTORIOUS GANGSTERS who kee...