CHAPTER 31

694 29 6
                                    

Fast Forward

MICHAEL'S POV

Unang araw ng sport fest namin ngayon at nandito kami nagpaplano kung sinu sinu ang maglalaro sa ganyan ganto na sports. Wala pa kasing schedule ng laro ang fourth year sa first day kaya malaya pa kami. Share ko lang, medyo excited din ako, bakit?? kasi malalaman ko na kung saan ang sport ng mahal ko. Si Sam 😳

"Okay... sa volleyball naman tayo. Kukuha kami ng 12 girls at 12 boys. Itaas lang ang kamay sa gustong sumali at magkakaroon tayo ng try out mamaya sa court." Nasabi ko ba na yung tatlong section ng fouth year ay pinagsama? Pwes kung hindi ayan nasabi ko na.

Nagsipag taasan ng kamay yung mga gustong sumali kaya tinignan ko kung nakataas ng kamay sila Sam. Nakita kong nakataas siya ng kamay kaya sa sobrang excite kong makita siyang maglaro e napataas din ako ng kamay at ang masama pa nito ako na lang ang nakataas ang kamay.

"Mr. Michael pakilista." HINDI!!! AYOKO NG VOLLEYBALL T_T

Ahh alam ko na 💡

"Ma'am hindi po ako sasali. Mage-excuse lang po ako."

"Ohhh sorry. Sige na excuse yourself." Yes!! ✊

Agad naman akong lumabas pero sa totoo lang naiihi na din kasi ako e. Dali dali akong pumunta sa cr.

ROCKY'S POV

HAHAHAHA baklang yun akala ko sa volleyball na siya e. Napatawa tuloy kami ng palihim ni Adrian.

Imagine si Michael Aragon nagvo-volleyball. HAHAHAHA so gay men. So gay 😂

"Basketball naman tayo syempre boys and girls din. Okay itaas na ang kamay ng gustong sumali." Nakita kong nagtaas ng kamay si buhangin. Aba basketball pala to. Kawawa naman yung mga makakalaban niya. Amazona yang isang yan e. HAHAHA tatay ata niyan si hulk.

Nagtaas na din kami ni Ice ng kamay. Sa maniwala kayo sa hindi nagtaas lang yan kasi basketball din si Phoebe. De joke lang magaling talaga yan panigurado siya na captain ball namin.

"Nalista na ba lahat ng nagtaas??" Tanung ni Miss

"Yes po ma'am." Sagot no bambi

"Okay. Sa football. Sorry girls pero boys lang ang pwede sa football ayaw kasi ni dean na may maaksidente na naman ng malala." Napa-ohh naman yung ibang girls. Ang alam ko kasi last year daw may nalabasan ng buto sa paa sa maling pagsipa. E nakakatakot nga naman kaya wag na sa girls. Malalakas kasi ang boys 😏 Hahaha weak kasi ng girls. Joke lang labyou girls 😂

"Ma'am palista na din po si Michael." Sabi ni Marvin. Yan. Yang dalawang yan ang mamaw sa football. Hayop sa galing 😂.

"Ok-"

"Ma'am football po ako." Nandyan na si gay sh*t

"Bro nasabi na ni kambal mo." Natatawang sabi ni Adrian.

"Ay. Sorry po mam."

"Okay lang. Maupo kana."

"Cheerleading squad naman." Madami ang nagtaas ng kamay mostly mga babae. Onti lang ang sa lalaki at sigurado akong walang 'lalaki' dyan 😂

Natapos na yung meeting namin kuno kaya eto kami inaantay sila Buhangin and friends na lumabas. Sasabay daw sila samin kumain e sus wala lang silang kotse e -_-. Lunch na kasi takteng yan ginutom kami ni Maam ang daming kaartehang sinabi -_-

"Tara na." Ay anyare dito kay Buhangin bakit parang ang tamlay.

"Tanungin mo na kasi pre di yung para kang tangang nakatitig dyan." Batukan ko ang g*g*. Sabihan ba naman akong tanga ng gunggong na to kala mo matalino. Babaero naman pwe.

Kanina ko pa kasi napapansin na matamlay si buhangin. Kasi dati makita lang ako niyan mang-aasar na. Ngayon wala tapos nakayuko pa.

Okay guys. Naninibago lang ako sa kilos niya hindi ako nag-aalala sa kanya. Okay??

Kaya nilapitan ko siya. Nandito kasi kami sa mall. Nung papunta kasi ng canteen dun lang sinabing half day daw kami -_- kaya eto kami nagkayayaan na mag mall.

"Psst buhangin." Nakailang tawag din ako sa nang tignan lang niya ako.

Bakit ganun?? Para. Para akong nasaktan ng makita konv malungkot siya??

Hindi ko na lang siya kinulit kasi baka mamaya hatawin pa ako sa inis nun. Sumabay na lang ako kay Ice.

"Guys kanina pa tayo naglalakad pwedeng kumain muna tayo gutom na ako." Sabi ni Sam

Oo nga no.

"Tara dun tayo." Pumasok kami ng Jollibee at nag order na kaming boys syempre.

"Guys pansin niyo parang ang tamlay ni Sandy??"

"Oo nga e. Kanina nilapitan ko saka kinulit ko di ako pinansin tinignan lang ako." I know I sounds like a child na nagsusumbong sa magulang na inagaw sakin yung candy ko. Pero sinasabi ko lang naman yung totoo.

Natigil yung usapan namin ng makita naming natakbo palabas si Sandy.

"Guys. Sundan ko lang ah." Tumango lang sila kaya tumakbo na agad ako.

Saan ba pumunta ang babaeng yun?? Naman kasi e!!

MARVIN'S POV

"Nakita niyo si Sandy??" Tanung ni Krystal kasama sila Phoebe na nag-aalala. Mahal talaga nila ang isat isa.

"Tumakbo siya. Pero wag na kayong mag-alala sinundan naman siya ni Rocky."

"Ahh. Sige balik na kami dun." At saka sila bumalik sa table na inuupuan nila kanina.

Nag order na lang kami hanggang sa nabigay na yung ordef at kumain na kami ay wala pa dib yung dalawa.

"Nag date na ata yung dalawa e. Tara na uwi na tayo." Sabi ni Adrian. Actually kanina pa yan atat ng umuwi kesyo may date pa daw siya at malalate na siya. Pwede naman kasi mauna na siya.

"Mauna kana kaya. Nakakabwiset ka lang e. Kanina ka pa angal ng angal." Inis na sabi ni Lizzy kaya naman agad ng tumayo si Adrian at hindi na nagpaalam umalis agad.

"Nagtext na si Sandy sabi niya nandun na daw siya sa bahay." Ay. Hindi man lang naisip na iniintay namin sila.

"Osige. Umuwi na tayo." Umalis na kami at pumunta sa kanya kanyang sasakyan at kami na din naghatid sa mga babae wala kasi silang dalang kotse si Lizzy naman kila Ice na sumabay.

Nasabi na nga rin pala samin ni Krystal kung bakit tumakbo si Sandy. Ang sabi niya broken hearted daw yung tao kasi niloko ng boyfriend at ayaw daw nun na may nakakakita sa kanyang naiyak siya kaya tumakbo. Kung sinu man yun konsensya na lang. Mabait naman kasi si Sandy kapag nakaclose mo siya. Siya yung tipong sobrang iniingatan yung mga kaibigan niya. Sabi pa ni Sam maswerte na nga daw yung ex ni Sandy kasi sinagot siya e man hater daw yun. O kita mo konsensya na lang talaga.

Nung nahatid ko na si Krystal at makauwi na ako agad akong umakyat ng room ko at naglock. Kinuha ko si laptop sa study table at nag open ng facebook. Wala lang trip ko lang magfacebook saka i-aadd ko na din sila Krystal.

Nag send lang ako ng request kila Phoebe, Krystal, Sam, Lizzy, at Sandy tapos onting tingin tingin ng mga post then log out. Tutulog na ako para ready na ako bukas sa try out. Pangatlong araw kasi yung start ng laro naming fourth year kaya puro try out lang bukas.

Excited na akong makitang maglaro bukas si Krystal. Basketball pa man din siya.

ZZZZZZZzzzzzzzzzzzzZZZZZZZzz

😁😁😁😁😁😁😁😁😁😁😁😁

Guys pasupport naman ng isa kong story pahanap na lang sa work ko. Thankyou. Hang up pa siya sa ngayon. Pero promise kapag natapos tong story na to upadate ko kaagad yun.

Wag niyo na din kalimutang mag vote & comment. Yun lang.

Thank you guys sa support kahit mga silent readers kayo 😂 thank you so much sa time na basahin to.

Yun lang po.

The Bitches Queen (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon