Kabanata 3.

87 5 1
                                    

Isang simpleng floral dress na aabot hanggang mid thigh ang isinuot ko para sa party.

I look at the mirror. I look like a bit mess. Walang pungay ang aking mga mata. Naglagay nalang ako ng kaunting powder at lipstick para magkaroon ng buhay ang mukha ko.

I sigh.

Pumunta ako sa sala at nadatnan ko sila Clarisse sa aming may sofa kasama ang kaniyang boyfriend na si Elton habang sa kabilang side naman ay naruon si Mommy.

Hindi na ako nagtaka kung bakit wala si Daddy, malamang umalis iyon kasi nag away sila.

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi ni Daddy na may lalaki si Mommy. Kung totoo man iyon ay sana maayos pa nila ito. Kahit naman ganuon ang ginawa nila sa akin ay pamilya ko parin sila.

"Girl, Ano? Tara na..."

Ani Clarisse at tiyaka na siya tumayo.

Sa aking peripheral vision ay kita ko ang titig ni Mommy. Tinignan ko siya, Nakita ko sa kaniyang mga mata ang halo halong ekspresiyon, may pagsusumamo at kalungkutan sa kaniyang mga mata. Iniwas ko ang aking tingin.

"Raven..." Tawag niya.

Nauna ang boyfriend ni Clarisse na si Elton palabas. Habang si Clarisse ay hinihintay ako sa may pintuan.

"Puwede ba tayong mag usap..." Ani Mommy.

Umiling ako.

"Can't you see..may pupuntahan pa kaming party...next time nalang.."

Sa totoo ay wala akong balak na kausapin sila kahit na anong oras pa ito. Siguro'y ganuon nalang ang epekto ng ginawa nila sa akin. Whatever the reason they have, still I don't want to hear it.

"Okay..." Tipid na sagot ni Mommy, the disappointed in her face is very evident. Iniwas ko ang aking paningin at ibinaling ang atensiyon kay Clarisse na nasa may pintuan.

Nangunot ang kaniyang noo.

"Tara na?"

She nod at nauna na palabas. Umalis ako nang hindi na nilingon si Mommy.

I need this break, this party.

Para mabawasan ng kaunti ang nararamdaman ko. Time can heal. Hindi pa ako handa para sa ngayon, siguro'y makakapaghintay naman sila.

Sabay kaming lumabas ng gate ni Clarisse, nagtataka niya akong tinignan.

"Anong problema niyo ng Mother mo, girl?"

Umiling ako. "Wala.."

Napanguso siya sa sagot ko. Ramdam niyang ayaw ko munang pag usapan ito kaya hindi na siya umapila pa.

Iginiya niya ako sa kotse ni Elton, Nginitian ko si Elton ng magtama ang tingin namin. Kumalabog ang pinto ng sasakyan, hudyat na pumasok si Clarisse.

Sa front seat siya at ako ay sa backseat. Para tuloy akong third wheel dito.

Buti nalang at nandito ang kaibigan ko kahit na wala siyang alam sa nangyayari ay ramdam ko na may karamay parin ako.

Tahimik lang akong nakikinig sa dalawa.


Narating namin ang isang high end bar na pag mamay ari ni Scott sa kinse minutos na biyahe mula sa aming village. Isa ito sa mga branches nila.

Matapos ipark ni Elton ang kotseng sinakyan namin ay agad siyang bumaba para pagbuksan si Clarisse, Hindi na ako nag paimportante pa para hintayin na pagbuksan rin ako kaya binuksan ko na rin ang pintuan na nasa aking side. Sabay kami nila Clarisse pumasok sa Bar.

Raven's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon