Kabanata 19.

25 3 2
                                    

Minsan darating talaga tayo sa punto na kikiwestiyunin natin ang kabuluhan ng buhay... Kung bakit tayo nabubuhay sa mundong ito.

Kaya lang ba tayo nabubuhay para pagdusahan ang mga masasakit na bagay?

Kaya lang ba tayo nabubuhay ay sa kadahilanang kailangan nating maranasan ang lahat ng masasakit sa mundo para masabi natin na alam na natin kung ano ang totoong kabuluhan ng buhay?

Is there anyone who can already answered what is the real purpose of life?

Sa totoo lang, hindi ko narin alam. Hindi ko alam kung sinusubukan lang tayo ng buhay o sadyang ginagago na tayo nito.

Alam mo 'yung pakiramdam na palagi kang naghahanap ng sagot sa mga tanong mo. Iyong kahit na katanungan ay hahanapan mo narin. Para kang kumakapa sa walang katapusang kadiliman. Walang sagot sa tanong mo... Nakakamura. Nakakagago. Nakakabobo.

Puwede bang iuntog ko nalang ang ulo ko at baka sakaling makakuha ako ng matinong sagot sa mga walang kasiguraduhang tanong.

I want to badly end my life now. I'm enough. I don't take it anymore. Kung may mas sasakit pa rito, hindi ko na alam talaga.

Napapikit ako.

Pinahid ko ang luhang nangilid sa aking mata. I've lost my baby and I feel like I betrayed Charles for that. I wasn't ready for this. I was in a wave of shock and sadness. Hindi ko man hiniling na magkaanak pero labis ako nasasaktan dahil hindi ko manlang nalaman. Siguro, hindi ko namalayan dahil sa mga sunod sunod na pangyayari sa buhay ko.

It is still all my fault.

Bakit hindi ko manlang pinakiramdaman?

Napiling iling ako.

Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng 'to. I know to myself that I wasn't good but I am not that bad either. Bakit sa akin pa nangyayari ang mga ito?

Hinilamos ko ang aking mukha dahil sa prustrasyon. Ano itong napuntahan ng buhay ko?

Isa lamang akong normal na kolehiyala na mahilig magpinta. Na gumigising sa umaga, pumapasok sa eskwelahan. Iisipin lamang kung anong mga pintura ang gagamitin sa mga obrang gagawin at ang kaniyang nobyo.

Pero bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon?

Bakit nasasaktan nalamang ako ng ganito?

Saang sulok ng lugar napunta ang buhay ko?

Kung puwede lang ipagpalit ang buhay, matagal ko nang ginawa.

Maybe I should end up my life. My life is futile. Nawala na sa akin ang lahat. Ano pa ba ang kuwenta ng buhay na 'to? Bakit pa ako magpapatuloy kung wala na ang mga rason sa kung bakit pa ako nagpapatuloy mabuhay?

"Gaga ka ba? Andiyan pa ang mga magulang mo!" Sigaw ng isang maliit na tinig sa likod ng aking isipan na tila konsensiya na bumulong sa akin.

Wala sila sa aking tabi, hindi ko dama ang presensiya nila kung kaya't parang wala narin sila.

Napayakap ako sa aking mga binti. Nasa baba ako ng aking kama. Nagmumukmok sa sulok nito. I can't face them. Hiniling ko sa kanilang lahat na sana ay gusto ko munang mapag-isa. Maging si Katarina ay walang nagawa. I don't feel alone actually. Hindi naman ibig sabihin na wala kang kasama ay nag-iisa ka. Mayroon nga diyan na kahit mayroon silang kasama ay tila nag-iisa parin sila... I just want to think only with myself. I don't want them to pity me. Mamamatay muna ako bago ako kaawaan ng ibang tao.

Raven's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon