One.
Two.
Three.
Inilapag ko ang pangatlong shotglass sa lamesang nasa aking harapan. Napangiwi ako dahil sa nalasahang pait sa huling naimon. Nilagok ko ang tatlong shot ng sunod sunod. It feels nostalgic. Namimimiss ko na ang dating buhay ko... Kung saan mahilig kaming magparty nina Clarisse at ng dating mga kaibigan.
I get another shot of liquor drink.
Nang iinumin ko na ito ay biglang nagsalita si Zoey sa aking tabi. "Hinay hinay lang, Ven at baka hindi mo na ma-enjoy ang gabi... Sayang!" Aniya.
Napanguso nalamang ako at ininom na ang shot. Hinding hindi talaga ako masasanay sa inuming ganito.
"Buti nalang at napilit ko iyang si Raven... Kung hindi ay mababaliw na iyan sa kamumukmok sa kaniyang kuwarto." Hirit ni Katarina. Nagtawanan silang dalawa ni Zoey.
Hindi sana ako sasama sa kanila ngayon kung hindi lang mapilit itong si Katarina. Aniya'y mawawala na ako sa tamang pag-iisip kung ipagpapatuloy ko ang pananatili sa apat na sulok ng aking silid sa mansiyon. Sawa narin ako sa kakatitig sa kisame ng isang linggo kung kaya't heto ako ngayon at pinipilit aliwin ang sarili sa ganitong lugar.
Napailing iling ako para medyo mawala ang epekto ng alak sa akin. Pagkatapos ng huli kung shot ay hindi na ulit ako kumuha. Tama nga si Zoey, kung ipagpapatuloy ko ang pag-inom ay baka hindi ko na ma-enjoy ang natitirang oras sa club na ito lalo na't mayroon kaming curfew. May kalayuan ang lugar na ito sa mansiyon. Bagama't hindi sang-ayon si Thales na pumunta kami sa ganitong klase ng lugar ay napapayag siya ng mga kasama ko. Dalawa ang naging kundisyon niya sa amin: ang umuwi sa tamang oras at huwag gumawa ng kahit na anong gulo. Malalaman niya ang lahat. Malalagot kami sa kaniya kung mayroon mang hindi sumunod sa mga inutos niya. She's a telepath for heaven's sake!
Mabuti narin ito at para maibsan ang stress na dinadala ng bawat isa at para makapaglibang narin.
Inilibot ko ang aking paningin.
Masayang nakikisaliw sa musika ang mga kasama namin. Calum and Sabina are in the dancefloor together with Cayleigh, Atticus and Ylena.
The party is in full blast! Halos mabingi na kami sa lakas ng tugtugin pero mabuti nalang at narito kami sa VIP lounge ng club. Medyo nahirapan pa kaming maghanap ng lugar sapagkat masyadong matao. It's too risky, especially to me. Mabuti nalang at nakita namin ito, kakaunti lang ang tao at pribado pa sapagkat high-end bar.
Ibinalik ko ang tingin sa mga nasa tabing kasama. Naabutan kong nakatitig si Victoria sa akin. "Ayaw mo bang sumali duon sa dancefloor?" Tanong ko, kuryoso.
Maliit ang ngiting iginawad niya sa akin. "Mamaya nalang..." Anito.
Tumango ako. "OK," at ini-slide ang shotglass na may lamang alak sa kaniyang tapat. Hindi kami nauubusan ng inuming alak sapagkat mayroong waiter sa tabi namin at nasa gilid lamang kung mayroon kaming kailangan. Malugod niya itong tinanggap at ininom. Parang wala lang sa kaniya ang lasa nung alak. Siguro'y nasanay na siya. She was a former waitress.
Sumandal ako sa sofa. Napapikit ako at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Pinilig ko ang aking ulo at saktong tumama ang aking paningin sa isang matang nakatitig sa akin. It was intense and dark.
Nakakuyom ang kaniyang mga panga. Suot niya ang kaniyang salamin. Napalunok ako. Kasama niya sina Damien at Matias, ang bagong dagdag sa kanilang grupo. Ang balita ko'y kaya raw gawing gold ni Damien ang kaniyang katawan habang si Matias naman ay mayroong mga tattoo na nabubuhay kapag inuutusan ang mga ito. Marami na akong nakita sa mga tattoo niya at ilan sa mga iyon ay mga mababangis na hayop at isang tattoo ng kadenang nakaukit sa kaniyang balikat at konektado sa kamay.
BINABASA MO ANG
Raven's Touch
Science FictionPeculiar Girls Series #1 On Raven's 18th birthday, A unique and dangerous power of her will awake. Her Death-defying Touch.