Kabanata 17.

21 3 2
                                    

Napakurap ako.

Isang paglunok ang aking ginawa nang idapo ng bawat isa ang kanilang mga mata sa akin.

What was she thinking, huh?

Wala akong alam sa kung anong laban ang sinasabi ng babae'ng ito. Magsusuntukan ba kami? Buti sana kung murahan lang ang gagawin namin at walang pisikal na labanan. Hindi ko siya uurungan kung ganuon...

Pero kung tagisan ng sarili naming abilidad? Ibang usapan na 'yun! Pa'nu kung mapatay ko siya. Ako pa itong makokonsensiya dahil sa sarili niyang kagagawan?

Direkta at malagkit ang tingin ko sa babae na ngayon ay nakahalukipkip. Sarkastiko ang ekpresyong ibinibigay niya sa akin... Tinititigan niya rin ako na tila tinatantiya kung ano ang magiging reaksiyon ko sa kaniya. I can hear my heartbeat banged on my ear. Nagpapawis ang aking batok. Nagbabara ang aking lalamunan. Inaamin kong mayroong pangamba sa aking sistema ngunit pinilit kong ipakita ang isang blankong ekpresiyon sa kaniya... I know, I wasn't an actress but I'm praying that it will be effective. My pride is so precious, remember?

I heard a low chuckle. "Nagbibiro ka ba?" Tanong ni Sabina sa babae.

Umirap ito. "Nasa mukha ko ba ang nagpapatawa? Pathetic." Aniya.

"Bitch." Untag ni Sabina sabay ikot ng mata.

Nagkatinginan kami ni Katarina.
She give me a don't-you-worry look at humarap sa babae.

"Why are you doing this, huh?" Bigla niyang tanong rito. "Ganuon ba ang turing mo sa amin? Na mga kakampi mo?" Matigas na sambit niya sa babae habang nakatingin rito.

The girl sighed. Humarap ito sa akin ng may pagkakairita sa mukha. "Lalabanan mo ba ako o hindi? Nagsasayang ka ng oras..." Aniya sa akin at bahagyang kinalas ang kamay na nakahalukipkip... Binalewala niya ang sinabi ni Katarina.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at humarap kay Katarina.

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib...
"Lalabanan ko siya,"

"You don't have to, Raven." Untag niya.

"Huwag kang mag-alala, Kat."

"But-"

Pinutol ko ang kaniyang sasabihin. "Kakayanin ko siya..." I convinced. I don't know if I mean it or not. I didn't know if I can beat her, though. Bahala na si Batman. Sana hindi ko siya mapatay!

Taas noo at may confidence kong hinarap ang babae. "What battle do you want?"

She smiled at me sweetly. It is like she's mocking me. May hinugot siya sa kaniyang shoulder bag. Kinuha niya ang isang dagger nang hindi manlang pinuputol ang tingin sa akin, animo'y iyon lamang ang laman ng kaniyang bag. "Simple lang..." She trailed off. "Sugatan mo ako, gamit ito." Sambit niya at itinapon sa aking harapan iyon. Matinis at garalgal ang tunog ng dagger nang mapunta ito sa semento. Napatingin ako ruon. What would I do to that? Should I used that to her?

What the hell? Seryoso talaga siya?

Hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko. Hinihiling ko na sana ay lamunin nalamang ako ng kalsada'ng aking kinatatayuan. Tila nawala ang hinugot kong tapang at nawaksi lamang ito nang makita ang dagger. My goodness! How can I supposed to used that to her? Isasaksak ko ba talaga sa kaniya iyan? E, hindi ko nga alam maghiwa ng sibuyas...

Nanlulumo ako. Hindi ko na talaga alam ang susunod na gagawin. Tumingin ako sa direksiyon nila Katarina. Ramdam ko ang namumuong tensiyon sa paligid. Umiling iling si Katarina sa akin. Si Sabina naman ay nakahalukipkip lang at tila may inaabangang kapana panabik na palabas sa kaniyang harapan.

Raven's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon