"Caleb..." Tanging nasabi ko ng tanggalin niya ang kaniyang kamay sa aking bibig.
Humugot ako ng hininga, Nakaupo kami sa may likod ng kotse, Sa may sahig. Mabilis ang tibok ng aking puso at hindi ko alam kung bakit.
Nakakunot noo ko siyang tinignan. Palinga linga siya na tila'y may tinataguan.
"What-"
"Pshhhh...." Inilagay niya ang kaniyang index finger sa may bibig niya. Amoy ko ang kaniyang bango. His scent is attacking my nose. Ramdam ko rin ang kaniyang mainit na hininga. Halos magkalapit na ang aming mga mukha.
"Ano ba? What is happening?" Bulong ko. Pero tinignan niya lamang ako at tiyaka nanaman nagmasid.
May narinig akong mga yapak. Hindi lang iisa pero nakakasigurado akong marami sila. Hindi ko magawang dumungaw sapagkat nakasandal ako sa likuran sa may kotse at nakaharap kay Caleb.
Ilang minutong ganuon ang naging eksena. Hanggang sa napabuntong hininga siya at agad na tumayo.
Nangunot ang aking noo ng hindi man lang siya tumingin sa akin habang siya'y papaalis.
"Hey! Wait!"
Sinundan ko siya at hinila ang kaniyang braso.
Lumingon siya sa akin at napatingin siya ruon sa kamay kong nakahawak sa kaniya. Kumalabog ang aking puso.
Agad ko 'yung tinanggal.
Mayroon sa mga mata niya ang nagdulot ng kaba sa aking dibdib. Dama ko kung gaano ka intense ang mga mata niya.
Nangunot ang kaniyang noo.
"It's none of your business..." Aniya at tiyaka na nagpatuloy sa paglalakad.
Napataas ang isa kong kilay.
"Weird.." Sabi ko ng makalayo na siya. I didn't asked him. Why he even utter those word?
Napapikit ako.
Bakit ganuon ang epekto niya sa akin. Hindi ko maikakailang napakagwapo niya. Matikas ang kaniyang pangangatawan. He has perfect acquiline nose. Ang kaniyang mapulang labi ay tama sa pagkakakurba at ang kaniyang mga matang natatakpan ng salamin ay napakamisteryoso.
He is so damn hot actually.
"You have a boyfriend, Raven..." Bulong ko sa aking sarili.
Ilang minuto pa ang itinagal ko ruon bago ako bumalik sa bar.
People are rubbing and dancing gracefully. Halo halung mga amoy ang aking nalalanghap. The smell of sweat and various perfume is attacking my nostrils. Wala paring hinto ang malakas na tugtugin. Mas lalong uminit ang dancefloor. Hindi tuloy ako makadaan.
Nabangga ko ang isang waiter nang maitulak ako ng ibang mga nagsasayaw.
"Holy shit..."
Sabi ko ng matapon ang mga juice at liquor drinks sa suot kong dress. Humarap ako sa waiter.
"Ooppss..." Ani ng babaeng nakabunggo sa akin. Natigil sila sa pagsasayaw.
The waiter glanced at me apologetically. The disappointment in his face is very patent.
"Sorry, ma'am..." Sabi niya.
"No. Hindi ikaw ang dapat magsorry..." Sabi ko at naiiritamg binalingan ang babaeng nakabunggo sa akin.
"Wala ka bang sasabihin?" Untag ko sa babae.
She just stare at me.
At may lakas pa siyang humalukipkip. What an ill-mannered person. Hindi lang ba niya naisip na baka maaring mafire iyong waiter dahil duon sa mga mamahaling liquor drinks!
BINABASA MO ANG
Raven's Touch
Science FictionPeculiar Girls Series #1 On Raven's 18th birthday, A unique and dangerous power of her will awake. Her Death-defying Touch.