The coldness in my gut filled my whole system. My heartbeat banged in my ear. Nanginginig akong lumapit kay Charles. Hinahabol niya ang kaniyang hininga. His eyes fixated directly at the ceiling. Nang lapitan ko siya at hawakan ay bigla nalang siyang nawalan ng malay. Tila init na napaso at agad agad kong inalis ang kamay sa kaniya. No! No... Hindi maaaring mangyari ito. Mas lalo akong naghestirya. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. My heart stammering so wildly against my chest I think it might just fly out of my throat.
Kumalabog ang pintuan. Iniluwa nito si Scott. "Anong nangyare?"
"Si Charles..." I murmur. Nag init ang aking mga mata, nagbabadya ang mga luha. Ang kaba at takot ay namuo na naman sa aking dibdib. Isang bagay na pinakaayaw kong pakiramdam. Lumapit si Scott at naamoy ko agad ang alak sa kaniya. He's drunk, I can tell that.
"The fuck! What's happen?" Tanong niya.
"H-hindi k-ko alam..." I stutter. Mga yapak nila Elton at Clarisse ang sumunod. Agad kaming napalingon ni Scott sa dalawa na nasa may pintuan na. Pagod ang tingin ni Clarisse sa akin habang si Elton ay humikab pa.
Nanuyo't ang aking lalamunan. Lumingon si Scott sa akin. He glanced to Charles. "Elton! Dalhin natin si Charles sa Ospital!" Baling niya kay Elton. Inihagis niya ang susi ng kaniyang sasakyan rito.
Nagtataka ang ekpresyon ng dalawa.
"Ha?!" Naguguluhang tanong ni Elton pero agad din niyang sinunod ang sinabi ni Scott, marahil ay naintindihan niya ang gustong iparating ni Charles kahit na hindi niya alam ang nangyayari.
"Okay. Ihahanda ko na ang kotse." Aniya at agad ng lumabas. Nilingon niya muna ako bago siya magpatuloy palabas."Anong nangyari?!" Si Clarisse.
Napailing nalang ako at sinapo ang mukha gamit ang dalawang kamay. Bumuhos ang luha na kanina pa gustong tumulo. Mayroon na naman akong napahamak na tao at napakaimportante pa sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mayroon mang masamang mangyari kay Charles...
I know that it is my fault! Ilang beses na nangyari ang ganitong eksena. The worst thing is that, I do not see it coming.
Ramdam ko ang presensiya ni Clarisse sa aking tabi. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong binubuhat na ni Scott si Charles palabas.
Lumingon ako kay Clarisse at nakakunot ang kaniyang noo. Napalunok siya ng magtama ang aming mga mata. I caught off guard ng hawakan niya ang aking kamay. Hindi ko agad naiwas sa kaniya iyon kung kaya't parang napaso siya sa aking balat at agad niyang pinaalis iyon mula sa akin ng walang alinmang segundo. Napaawang ang kaniyang bibig. Nagulat.
I gulp.
Bago pa makapagsalita si Clarisse ay agad na akong umalis sa kaniyang harapan. Gulong gulo ang aking isipan. Masyadong mabilis ang pangyayari at gusto kong makahinga. I need to figure out the things that happening to me. Hindi ko magagawa iyon kung mananatili akong nasa mga mahal ko. Maaaring magbibigay lang ito ng kanilang kapahamakan...
"Raven!" Tawag ni Clarisse pero hindi ko siya tinapunan ng atensiyon. "Teka lang!"
Hinarangan niya ako. Binigyan ko siya ng isang makahulugang tingin.
"Saan ka pupunta?!" Aniya at napatigil ako sa aking paglalakad.
Napasinghap ako. "I need to figure out some things..."
Nag-iwas ako ng mata sa kaniyang naninimbang na tingin.
"Hahayaan mo nalang si Charles? Aalis ka? Ganun? Saan ka naman pupunta, ha!"
BINABASA MO ANG
Raven's Touch
Science FictionPeculiar Girls Series #1 On Raven's 18th birthday, A unique and dangerous power of her will awake. Her Death-defying Touch.