"Kamusta na, mga mahal kong peculiars?" Nangingiting sabi ng babaeng may mahabang puting buhok. Inilibot niya ang kaniyang mga tingin sa paligid.
She snorted. "Mukha atang kakaunti kayo ngayon?" Tanong nito.
"Wala kaming panahon para sa inyo, Ferosa." Matigas na sambit ni Katarina.
Nagtaas ito ng kilay at humalukipkip. "Ganiyan ba bumati ang isang mabuting kaibigan?" Sabi nito na may halong sarkastiko sa kaniyang tono. Katarina stared at her blankly.
Naramdaman ko ang paglapit nila Calum sa aming tabi.
"Bakit nandito na naman kayo, Ferosa?!" Untag ni Sabina. "Hindi ka talaga madala dala, ano?"
Umirap lamang ang babaeng tinatawag nilang Ferosa. "Kahit kailan talaga, nakakarindi ang boses mo." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ng babae o hindi. Sobrang pagod na ako at gustong gusto ko nang magpahinga. Hindi ko mahanap ang anumang humor sa mga oras na 'to.
May iniabot si Calum sa akin. Napatingin ako ruon. Ang aking gloves. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagpasalamat. Tumango siya sa akin atsaka nagsalita, "Anong ginagawa niyo rito? Ano ang kailangan niyo?" Maawtoridad na tanong ni Calum sa mga ito. Halos hindi ko siya makilala. Nakasunod sa kaniyang likuran si Victoria. Nagtataka. I'm sure, mayroon siyang pakiwari sa sitwasyon. She has an enhanced senses by the way.
She can sense danger, perhaps?
May mga tanong sa isip ko. Sino sila? Ang sabi ni Katarina sa akin ay mga mutants sila. Ano'ng mutants ang tinutukoy niya? Wala akong mahanap na kasagutan kung kaya't napapatitig nalamang ako sa harapan. Ayoko naring mag isip. All I want is to shutdown my brain and just rest.
"Excuse me? Puwede bang tumabi kayo sa dinaraanan namin. Hindi ako na-inform, may reunion ba?" Iwinaksi ng aking bibig ang kanina pa'y naiirita kong pakiramdam. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para magsalita.
Umismid si Ferosa at tumingin sa akin. Nakakunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka. "Sino ka para utusan kami?" Nanghahamong tanong niya.
"At sino rin kayo para humarang sa daraanan namin? Nabili niyo ba ang kalyeng ito?" Nanunuyang bulyaw ko.
"Who the hell are you?!" Seryosong sambit ng babae. "Sino ka para sagot sagutin ako? Do you even know me?" Aniya.
Agad nag-angat ang kanang kilay ko. "Bakit sino ka ba?" Nanghahamon.
"Gusto mo bang malaman?" Aniya.
She give me an annoying smile. Napaatras kami nila Katarina ng ilang hakbang ng unti unting tumaas ang buhok ng babae. Gumagalaw ito na tila ma'y sariling buhay.
"Raven, Pumasok na kayo sa sasakyan." Biglang sambit ni Calum. Ang dalawang lalaki ay ini-angat ang mga baril na animo'y hindi bala ang ilalabas. Tumingin ako kina Calum, Sirius at Sabina na naghahanda na para lumaban. Ang mga aramadong lalaki ay pumwesto na para bumaril. "Kami na ang bahala rito. Susunod kami..."
Holy shit! What's going on?!
Nagtataka kong tiningnan si Katarina. She gave me an reassuring looked. Lumingon ako kay Victoria na nasa aming likuran. "Do I have any chance to help?"
Umiling si Katarina. "Kaya nila ang kanilang mga sarili."
Nagkibit balikat si Victoria matapos sabihin ni Katarina iyon. Napalunok ako nang magtama ang tingin namin ng babaeng may buhay na buhok sa aming harapan. "Ako na ang bahala sa kaniya... Antayin niyo ako sa sasakyan." Katarina declared. Naging yelo ang kalahati ng kaniyang kamay at tumakbo para mailayo ang babae sa amin. "Run!" Sigaw niya ng makalayo.
BINABASA MO ANG
Raven's Touch
Science FictionPeculiar Girls Series #1 On Raven's 18th birthday, A unique and dangerous power of her will awake. Her Death-defying Touch.