Kabanata 15.

31 2 1
                                    

One week later...


Iminulat ko ang aking mga mata. Ipipikit ko pa sana ang mga ito nang may mahagip ang aking mga tingin. I blink several times when my eyes met a hawk. It's lying on my stomach...

Napakunot ang aking noo.

Isang itim na uwak?

Ang mga mata nito ay direktang nakapako sa aking mukha. Matatalim at mabibigat ang kaniyang tingin - Isang bagay na nagbigay kaba sa aking sistema. Hindi ko alam kung ano ang una kong dapat gawin.

Pinakiramdaman ko ito.

Mabigat. Dinidiinan niya ang kaniyang sarili sa aking tiyan. Sinubukan kong igalaw ang aking mga paa at kamay ngunit hindi ko ito maigalaw. Sinubukan kong sumigaw pero walang tunog ang lumabas sa aking bibig. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo.

Napalunok ako. Wala akong maisip na paraan kung papaano mapapaalis ang uwak gayong hindi ko maigalaw ang aking katawan.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Please. Leave me. Please. Umalis ka. Hindi ka totoo...Paulit ulit na sambit ko sa aking isip.

Binuksan ko ang aking mga mata ng marinig ko ang kalabog ng pinto. Nang makita ko si Katarina ay agad akong nabuhayan ng loob. Muli kong tinignan ang aking tiyan.

Nanlaki ang aking mga mata ng makitang wala na iyong uwak rito.

I took a deep sigh of relief. Mabilis ang pagtaas baba ng aking dibdib. Tila kinakapos ako sa hininga.

Lumapit si Katarina sa akin na gulat ang ekpresiyon. "Anong problema?" Sabi niya. Mahahalata mo ang pag aalala sa kaniyang tono.

Napailing ako. "Wala,"

"Raven..." Tawag niya. Animo'y nakakita siya ng multo at takot na takot ang kaniyang boses.

"Bakit?"

Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siya'ng direkta ang mga mata sa aking binti. Dahan dahan kong idinirekta ang aking paningin ruon.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat.

Itinaas ko ang floral dress na aking suot. Dumungaw ang aking hita at nakita ruon ang pula'ng likido. Patuloy sa pag agos ito.

Pinasadahan ko ang aking binti ng aking kamay. Napakurap kurap ako. Basa. Mainit. Malapot. Doon ko lamang napagtanto na dugo ito. Dugo!

Nanginig ang aking kamay.

"Ahhhhhh!"


"Raven! Gumising ka..." Bigla kong idinilat ang aking mga mata ng marinig ang boses ni Katarina. Ang una kong nakita ay ang nag aalala niyang mukha. "Kat..." Sabi ko at agad siyang niyakap. Wala paring tigil sa panginginig ang aking katawan. Mabibigat ang aking paghinga at puno ng pawis ang aking batok at noo. Abu't abot ang tahip ng aking puso dahil sa takot na nararamdaman.

"Nanaginip kalang..." Katarina soothed me.

"Katarina, nanaginip ako. Dugo. Marami. Sa mga binti ko..." Tila kinakapos na hininga kong sabi.

Hinarap niya ako. "Huh?" Kunot noo niya. Batid ko ang kaniyang pagtataka. "That's odd, huh?"

"Parang totoo." Giit ko.

Umiling siya sa akin. "But it can't change the fact that it's just a dream, Raven," Pangungumbinsi niya. "A nightmare actually."

Niyakap ko siya ulit. Mahigpit iyon. Sa pagyakap ko sa kaniya ay medyo naibsan ang kabang nararamdaman ko. I'm grateful that I have her. When I needed comfort...she's always there for me.

Raven's TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon