Nang marinig ko ang umalingawngaw na boses ng isang bata ay napailing ako't napangiti. Andiyan na naman ang batang makulit na si Isaiah...
Nasalubong ko ang anim na batang naghahabulan at naghahalakhakan nang pababa ako sa grand staircase. Hindi ko na pinagtakahan kung bakit iisa ang kanilang mga mukha. Maging ang kanilang mga damit ay magkakatulad rin. It's his power. The ability to duplicate.
"Isaiah!" I admonished. Muntik na akong masagi ng isa sa kaniyang carbon copy kung kaya't nawalan ako ng balanse. Buti nalang at nakahawak ako sa barindilya ng hagdanan. Hindi ko gusto ang masaktan ang kung sino man sa kanila kaya't mas pinili kung umiwas doon sa muntik nang makasagi sa akin. Ang pagdapo lamang ng kaniyang sarili sa aking balat ay maaari na niyang ikapahamak.
Hinigop ng totoong Isaiah ang lima niyang kamukha. Ngayon ay nag iisa na siya. Tumigil ito sa pagtakbo at humarap sa akin. "Sorry, ate Raven sa nagawa ni Dos."
Kumunot ang aking noo. Hindi ko alam na pinangalanan niya ang kaniyang kamukha.
Binigyan ko siya ng isang mariin na tango. "Just be careful, huh?"
"Opo!" Masigla niyang sambit at nagpatuloy na sa paglalaro kasama ang kaniyang mga kamukha.
Isaiah was Cayleigh's brother. Iyong clone o shapeshifter na babae. They're a bit similar in terms of power. Si Cayleigh ay may kakayahang gumaya ng mukha ng ibang tao at si Isaiah naman ay may kakayahang magparami ng kaniyang katawan na gamit ang sarili niyang mukha.
Nakakamangha ang kaya nilang gawin. Samantalang ako ay kapahamakan lang ang maaari kong maidulot. My ability is useless and powerless one.
"Hi, Raven." Nabaling ang atensiyon ko ng batiin ako ni Atticus.
Nginitian ko siya. "Sasama ka ba sa misyon?" Tanong ko.
"Uh, hindi. May ibang binigay sa amin si Headmistress."
Tumango ako. "Ay, ganun."
Bahagya siyang tumawa. "Hinihintay ka na sa loob..." Aniya.
Ngumiti nalamang ako at nilagpasan siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta ng dining room. Hindi ko aakalaing hiwalay ang misyon namin sa kanila. Paniguradong kasama nila si Caleb kasi grupo niya sila Atticus at Rosario. Ano naman kaya ang misyon nila? Siguro'y delikado ito.
Ang mga ability kasi nila Atticus at Rosario ay talagang hindi pangkaraniwan katulad ko. Ayun nga lang, ang sa akin ay walang kwenta. Atticus has the abilty to set objects or people on fire using only his mind. He can also project fire in his hands. Salungat ito sa kapangyarihan ni Katarina. Katarina can generate, absorb and control ice. Habang si Rosario naman ay kayang kontrolin ang galaw ng panahon. She can control winds that allows her to fly, channel lightning bolts and manipulate environmental electrical energy. Kung tutuusin ay napakadelikado niya. Kaya niyang utusan ang hangin na hugutan ka ng hininga. Kaya kan'yang gawing barbecue sa pamamagitan ng kidlat. Siya ang dahilan kung bakit weird minsan ang panahon. Mahirap siyang galitin. Nakakatakot. Nang minsan daw siyang magalit sabi ni Katarina ay halos maglabas siya ng isang ipo-ipo. At si Caleb, siya ang utak ng grupo. Henyo raw ito sabi ni Katarina at ni Clarisse nung una ko siyang makita. Hindi ko pa siya nakikitang ilabas ang ability niya kaya't hindi ko rin alam kung anong kaya niyang gawin. Mysterious, I know.
Isinantabi ko ang iniisip ko nang marating ko ang dining room. Busy ang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Si Katarina ay abala sa pagkain maging si Sirius. Si Thales ay humihigop ng mainit na tea katabi si Lucrezia. At si Sabina naman ay nakatayo sa isang sulok. Nakahalukipkip. Naroon ring nakaupo sina Zoey, Cayleigh, at Calum. Wala si Caleb. Saan naman kaya nagpunta 'yun? Baka naman hindi pa siya bumabalik kung saan man siya nagpunta. Hindi ko alam pero nakaramdaman ako ng kaunting panghihinayang.
BINABASA MO ANG
Raven's Touch
Science FictionPeculiar Girls Series #1 On Raven's 18th birthday, A unique and dangerous power of her will awake. Her Death-defying Touch.