Aya meets Master Baltazar

82 4 1
                                    

Aya's POV

" Ma! Pa! " unti unti kong iminulat ang aking mga mata hangang sa makita ko ang paligid ko kung nasaan ako.

Isang maliit na kubo, isang lamesang gawa sa kahoy at dalawang suman na nakabalot sa tabi ng higaang kinahihigaan ko.

"ineng magpahinga kana muna mahina kapa hindi mo pa kaya"

Isang matandang lalaki na nakaupo sa kaliwang bahagi ng kama ko ang nagsalita. Unti unti akong bumangon upang tanungin siya kung nasaan ang mga magulang ko ngunit bigla nya akong hinawakan sa braso at unti unti akong nakaramdam ng pagkahilo and then everything turns to black.

" Araay!! Nasan ako? " napahawak ako sa ulo ko at unti unting bumangon. Kinusot ko ang mga mata ko at nakita ko ang matandang lalaki sa harapan ko kumakain ng nilagang saging.Gising na ako.

" ineng sabayan mo na ako at ilang araw ka ding tulog at hindi kumakain " sabay tayo niya at inalalayan ako tumayo.

" Wwhat? Nasan ba ako?  Sino kayo a teka.. Nasan ang mga magulang ko? " unti unti akong nanghina ng makaramdam ako ng hindi tama sa mukha ng matandang lalaking nasa harapan ko at saka siya nagsalita...

" Ineng natagpuan lamang kita sa gubat ng walang malay. Sinubukan kong hanapin kung may tao sa paligid na mahihingian ng tulong at habang tumatakbo ako may nakita akong isang bahay na kasalukuyang nasusunog. Muli akong bumalik kung nasaan ka at dali daling binuhat ka at dinala ka rito sa lugar ko " nakaupo na ako sa upuan at nag uusap kami sa pagitan ng lamesa.

" aa-no po? Nasaan po ang bahay na nakita ninyo?  Ayun po ba yung bahay na nasa gitna ng gubat? " pinipigilan ko ang unti unting pag buhos ng luha sa aking mga mata ngunit nabigo ako.

" Oo ineng " ayun lamang ang lumabas sa bibig ng matanda at hindi ko na mapigilang umiyak at mapayakap sa matandang nagdala saakin dito.

" puntahan po natin ang mga magulang ko nandoon pa po sila " pagmamakaawa ko sa matanda habang umiiyak. Hindi ako makakapayag na mangyari ito ,na mawala ang mga taong mahal ko sa buhay. Anak nila ako at responsibilidad ko na iligtas sila sa anumang kapahamakan.

Simula ng lumaki ako iisang bagay lang ang ipinangako ko sa sarili ko, ang iligtas sila at alagaan sila. Pero ano? Nandidito lang ako umiiyak walang nagawa para iligtas sila. Napakawala kong kwentang anak ni hindi ko man lamang sila natulungan napaka wala kong kwenta.

Umiiyak lang ako ng umiiyak dito sandaling nagpaalam si Lolo Baltazar. Oo ,Lolo Baltazar nalang daw ang itawag ko sakanya tutal siya na daw muna ang tutulong saakin habang wala pa akong tinitirhan at dito muna ako titira panandalian.

" Ineng sandali bubuksan ko lamang ang pintuan " Tumayo na si Lolo at nandidito ako nananatiling nakaupo at pinupunasan ang mga luha ko.

Pinagbuksan ni Lolo ang kanina pang kumakatok sa pintuan. Isang lalaki na mas bata kay lolo at hindi ako nagkakamali itong lalaking to ay kaedad ko lamang o mas matanda saakin ng Dalawang taon.

" Lo hindi mo sinabing may bisita ka pala " Halatang masungit itong lalaking ito at pagkatapos niya sabihin iyon kay lolo bigla nya akong tiningnan mula ulo hangang paa saka sinamaan ng tingin. Wait what?

" Jef " bulong ni Lolo . " Bakit? Diba tama ako ? Kaya ka napapahamak eh"  At saka siya umalis at lumabas ng pintuan.

" Ineng pasensya kana kay Jef sadyang lahat ata ay sinusungitan nyan pero mabait naman yan" ika ni lolo... ano yung sinabi nyang mapapahamak ?

" Lo ano yung sinabi nyang mapapahamak?" tiningnan ko ng masinsinan si Lolo at inalis nya naman ang mata nyang nakatingin saakin at saka lumabas. Agad ko naman siyang sinundan at nandidito kami ngayon sa tabi ng Lawa na napapaligiran ng matataas na puno.

" Ineng kasi hindi ko pa nasasabi sakanya na hindi ka isang mortal"

" Lo ? Okay ka lang po ba? " Bigla siyang tumayo at humarap sa lawa pero ako ay nananatiling nakaupo sa bato.

" Iha uulitin ko hindi ka Mortal. Mahirap man paniwalaan pero nakakasiguro ako. " Unti unti akong tumayo at lumapit sa kanya ngunit may isang salita siya sinabi na hindi ko maintindihan at biglang... May isang pangyayari ang nagaganap sa pinalabas niyang isang malaking hulma ng tubig sa hangin.

" Ma! Pa!" hindi ko mapigilan ang sarili ko sa mga pangyayaring nakikita ko. Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan at masayang kumakain at nagkekwentuhan nang biglang isang apoy na nagmula sa malayong parte ng gubat ang tumupok ng aming tahanan . Sa sobrang lakas ng pagsabog ay tumilapon ako pati na din sina mama at papa. Sinubukan kong imulat ang nga mata ko ngunit hindi ako nagwagi.

And then everything went black

The Story Of The Sacred GemWhere stories live. Discover now