Aya ( POV )" Ako panget? " at tinangal na ng lalaki ng tuluyan ang kanyang maskara at nakita ko ang ....
Sobrang...
PANGET NIYANG MUKHAA!!
" Ewww!! Matatakot sayo mga bata yung mukha mo? Eww mas maganda pa ang tabas ng talampakan ko!"
Nag init naman ung lalake sa sinabi ko. Nainis na siya lagot na.
Biglang may lumabas na malakas na pwersa mula sa kanya at inintay ko na lamang na tumama ito saakin ngunit...ngunit bakit wala akong nararamdamang sakit? Dapat tumalsik nako.
" Aya tumakbo kana isama mo ang mga bata!" nagulat ako ng may marinig akong isang pamilyar na boses.
Nilingon ko ang paligid ko nilibot ko ang paningin ko nakita ko ang isang pigura ng isang lalaki na sumalo ng pwersang pinakawalan ng panget na lalaking yon. Si Jef.
Bago ako tumakbo nilingon ko muna siya at gayon din siya.
" Palaasar ka kasi tsk!" saka siya lumingon uli sa kalaban at sila ay nagpalitan na ng malalakas na pwersa na mistulang nagdulot ng dagundong sa coliseum.
" Peace Jef babalik ako!" sumigaw nalamang ako saka tumakbo kasama ang mga batang takot na takot. Buti nalamang at dumating tong isnaberong to hayss swerte ko pa rin.
Takbo lang kami ng takbo sa isang espasyo nang may isang lalaking nakasuot na itim ang sumulpot sa harapan namin na nagdulot ng sigawan sa mga bata.
" You Evil bitch!"
Nagulat ako ng biglang tumalsik ang lalaki at nakita ko si lola Veronica na tumatakbo.
" Aya ako na ang bahala sa mga bata balikan mo si Jef doon madami sila " at tuluyan ng tumakbo ang mga bata kasama si Lola.
Kumaripas na rin ako ng takbo pabalik ng coliseum at nadatnan ko si Jef na nakikipaglaban sa tatlong lalaki. Kitang kita ko ang pawis kay Jef kahit na alam kong kaya nya ito alam kong may kapaguran pa rin naman itong lalaking to.
" Hoy panget tingnan moko wwwhoo ang panget panget mo!!" nakita ko namang tumingin saakin yung lalaking pangit na inaasar ko kanina. Here it is mapapasabak na ang kagandahan ko.
Nagpalabas siya ng isang bolang apoy at agad ko namang naiwasan. Kahit naman papaano ay naturuan ako ni lolo sa power ko noh.
Naglabas ako ng hangin na may kasamang apoy at agad itong ibinato sakanya at boom! Sapul natamaan siya. Sana nakita yun ni lolo whoo!
" Aya wag pairalin ang katangahan ngayon!" sinigawan naman ako ni Jef at nakit ko siya at gayon pa rin nag lalaban pa rin sila.
" Hoy magaling nako ngayon! Nag aral kaya ako tsaka nagawa ko na ngang gumawa ng ap--"
" Ayaa!!"
Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa baba ng hagdanan ng bench. Tinamaan ako.
" Aya tumayo ka! Umalis kana dito!" nilingon ko siya madami na siyang sugat at may nahawakan din akong likidong lumalabas sa ulo ko. Dugo.
Hindi pwede kelangan kong magseryoso ngayon. Buhay ang nakasalalay ngayon. Para kay mama.
Pumikit ako at huminga ng malalim at gumawa ng isang pwersang hindi ko rin inakalang magagawa ko. Isang malaking bola na may kakaibang kulay. Isang bolang ngayon ko lang nakita. Isang bolang humihigop ng lakas ko.
At agad ko tong inihagis sakanya at pagkatapos ay namayani ang isang malakas na pagsabog at natagpuan ko ang sarili kong nasa mga bisig ni Jef.
At naging madilim na ang lahat.
--------------------
Haley ( POV )
Nandito kami ngayon sa clinic kasama ng ibang mga nasawi at kasama na din si Aya. Nandito kami ngayon ni Jef at lola. Si lolo naman ay kasama ng mga HM para sa pagpupulong dahil sa nangyaring pagsalakay ng mga taga Dark regions.
Iniintay namin ngayong tatlo si Aya. Nakaupo lng ako at samantala si Jef naman ay hindi mapakali.
Sabi ni Jef nagpalabas daw si Aya ng isang bolang nagtataglay ng ibat ibang elemento pero how come? Dalawang elemento lang ang taglay niya? At isa pa sabi ni Jef naglikha ito ng kakaibang tunog. Nag aalala ako para sakanya. Delikado nat hindi nya pa ito kontrolado. Hindi pwedeng siya makagagawa noon.
"Gising na si Aya" narinig ko si lola na katabi ni Aya dali dali naman kaming nagpunta ni Jef at si Lola naman ay tinawag yung nurse.
Awkward. Alam kong may gusto din si Jef kay Aya at ngayon para kaming timang dito na may sleeping beauty tapos dalawa yung prince charming niya. Hindi nako magtataka dahil iba siya sa lahat. Ibang iba.
"aaa--hh asan ako?" dahan dahan itinayo ni Jef si Aya
"nasa clinic ka mag pahinga ka muna" kinuha ni Jef ang isang lalagyang may lamang lugaw at saka dahan dahang sinubuan si Aya.
Nakatitig lamang ako. Gusto kong ako yung gumagawa ng mga bagay na ganoon. Gusto kong ako ung lalaking nag aalaga sakanya sa tuwing may sakit siya. Gusto kong ako ung nagliligtas sa kanya pero-- hangang sana nalang ako.
Lumipas ang ilang oras ay nakabalik na din ako sa silid ko pati na ring sila Aya. Pinayagan na siya ng nurse na umuwi ng dorm niya.
Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Nagpunta nalang ako sa veranda ng dorm namin. Malaki naman kasi dito at napaka aliwalas ng atmospera. Napakahangin. Ang liwanag ng buwan at napaka ganda ng mga puno at halaman.
" pwedeng makiupo?" lumingon ako sa gilid ko at may nakita akong isang pigura ng babae.
Mahaba at kulay itim ang buhok. Balingkinitan. Maputi at maganda. Pero mas maganda pa rin si Aya.
" u-hh oo naman" umusod ako ng kaunti at umupo na siya.
" ang ganda pa rin talaga dito" nakatingin lamang siya sa itaas ng mga puno at nakangiti
" ah-h oo bago ka lang dito ?" tanong ko sakanya
" yuh" ngumiti nalang din siya saakin at nginitian ko nalang din sya pabalik.
"kaya pala ngayon lang kita nakita" tumingin naman siya saakin.
" hindi din naman kasi ako mahilig makipag kaibigan. Kaya pag gusto kong lumabas minsan ako lang kasi sanay na rin ako" ang loner naman nito.
" uh-m ganon ba by the way im Haley isang enchanter" nginitian ko siya at inabot sakanya ang kamay ko.
" ako naman si Celine isang fire person nice to meet you" nakaupo lang kami dito. Medyo awkward pero okay lang. Hangang sa mapagdesisyunan kong basagin ang katahimikan.
" naranasan mo na bang magmahal ng isang taong hindi mo dapat mahalin dahil mahal siya ng kaibigan mo?" shit Haley ang awkward mo. Shit shit anong lumabas sa bibig ko.shit nakakahiya.
" uh-mm oo nagmahal na rin ako noon pero dahil kaibigan ko siya pinili kong maging kaibigan nalang din niya at hinayaan siyang magmahal nalang ng iba. Syempre masakit pero mas masasaktan ako kung nakikita ko siyang hindi naman masaya." nakatingin pa rin siya sa taas ng puno. Ang ganda niya. Pero bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
" sorr-y " nakakahiya talaga.
" wag kang mag sorry matagal ko na rin tong tinatago at buti na rin at nandiyan ka at nakapaglabas ako kahit konti. Lumuwag yung dibdib ko. Salamat Haley" ngumiti nalang siya at saka nagpaalam na rin siya at sumabay na rin akong maglakad sakanya papuntang mga dorm.
End of chapter 9
YOU ARE READING
The Story Of The Sacred Gem
FantasyEveryone deserves chances. Everyone deserves to be treat as Everything Everyone deserves to love. Everyone deserves to be Deserving. Buong buhay ko wala na akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan ng mga taong mahal ko. Wala akong ibang iniisip kun...