Chapter 3: Going Home

22 4 0
                                    

Jef (POV)

" Nakakainis ka!" yun lamang yung sinabi niya bago umakyat sa Pegasi. Kahit kailan talaga ang hirap pakiusapan tong babaeng to. Ang kulit sobra tapos pag di pinagbigyan magagalit kaya ko napapaulanan ng spells ang tigas ng ulo.

" Nakakainis talaga lalo kana!" Sinimangutan niya lang ako. Nandito kami ngayon nasa himpapawid ang higpit higpit ng hawak sakin nako ang duwag netong babaeng to pero komportable ako. Teka ano yon?

" sorry " Ay nako anong sinabi ko? Sorry? At bakit ako magsosory sa babaeng to? Kung ano ano pinagsasabi ng bunganga ko tapos hindi ko alam? Lagi nya kong inaaway tapos magsosorry ako? What the hell Jef!?

" Sorry? Ilaglag kaya kita dyan lagi kang nananaray diyan tapos magsosorry ka?!" ang taray neto feeling niya e gusto kong magsorry kung hindi lang ako lalake na kayang panindigan ang sinasabi baka kanina ko pa siya tinulak dyan.

I am a kind of guy that can handle my words kaya paninindigan ko yon. Tinuro yon nila mama at papa saakin bago mawala sila. Jef Lincoln, yan ang pangalang iniingatan ko dahil dinadala ko ang pangalan ng isang marangal, respetado at mabuting tao.Ang tatay ko.

" papa " Bigla ko nalang naalala sila mama at papa siguro kasi itong kasama ko ngayon ay ganoon din parehas kaming nawalan ng mga magulang.

" Nasaan pala mga magulang mo? Namimiss mo sila noh?" nagulat naman ako ng marinig ko si Aya napaka chismosa nito pero ... Di ako nainis. Sila lolo at lola Veronica pati na rin si Haley ay kumakain lang ng nilagang saging. Tahimik lang silang naglalakbay samantala kami dito nag aaway.

" Ah Oo. Wala na sila" yun lang yung sinagot ko sakanya saka tumingin sa dinadaanan namin.

" a-hh pasensya na. Parehas pala tayo. Imbis na tayo yung nagkakaintindihan tayo pa yung laging nagbabangayan" nagulat naman ako sakanya ng bigla siya lumuha. Naalala nya rin kaya yung mga parents niya? Tama siya dapat nagkakaintindihan kami kasi parehas kami.

" kung hindi ka kasi makulit edi sana di kita inaaway" Asik ko sakanya pero nananatiling nakatingin ako sa malayo.

" kung hindi ka kasi masungit edi sana di kita kinukulit!" walang gana niyang sabe sakin . Napahawak naman siya ng mahigpit sakin ng biglang gumalaw yung Pegasi.

" Yan tuloy pati yung Pegasi naiirita na sayo!" bigla siyang sumimangot pero ang cute niya. Ano daw?

" naiinis lang yan sayo ang ingay mo kase!" Si Aya yung babaeng kahit makulit cute pa rin at hindi nakakainis. Minsan lang ako naiinis sakanya pero minsan mas gusto ko ako yung kinukulit niya. Whats wrong with me?

" pero tungkol sa parents mo uhmm- sorry pala tsaka ano bang pangalan nila?" Naging kalmado na ang atmospera niya sa wakas. Nilingon ko siya sandali. "Andrew Lincoln siya ang tatay ko. Deana Lincoln siya naman ang nanay ko. "

" Ang ganda pala ng pangalan nila.." ngumiti naman siya. Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti siya.

Kahit naman makulit itong babaeng to mabait naman to kaya naman hindi nako magtaka kung magkagusto si Haley sakanya.

Aya is a wonderful woman. Mapagmahal siya sa lahat at madali din siyang mahalin ng lahat. Even if shes very naughty i admit that shes good doing it. Were in the same situation, we both lost our parents but unlike her , shes strong and courage not like me. Nagiging matapang ako pag nasasaktan ang mahal ko kaso hindi ko yun nagawa ng simulang paslangin ang mga magulang ko sa harap ko.

Bakit ba hindi na rin nila ako tinuluyan? Nasaksihan ko lahat. Lahat lahat ng nangyari at kung paano sila patayin.

Four years ago when im just fifteen years old, pinasok nila ang akademia kung saan Officials ang mga magulang ko. Isang Headmaster ang Tatay ko at isa namang trainor ang nanay ko. Magus event ng araw na yon where students of academy are going to perform their Magics , and to show their enhanced ability to the headmasters.Nang araw na yon umatake ang mga taga Dark region kung saan kinuha ng Hari ng Dark region ang tatay ko at dinala sa harapan ng bulwagan. Pinaluhod niya si papa ngunit walang magawa si papa dahil isa sa mga kapangyarihan ng Dark lord ang controlin ang kapangyarihan ng iba kaya walang nagawa si papa saka unti unting sinaksak ng Hari ng Dark si papa. Sinaksak siya ni Lagos. Walang nagawa ang lahat dahil alam nilang malakas ang Dark lord. Wala akong nagawa. Si mama na naglakas loob na iligtas si papa ay sinakal ni Negan. Anak ni Lagos. Pinahirapan nila si mama hangang sa mawalan ito ng hininga. Samantalang ako nakatingin lang. Parang nanonood ng isang pelikula. Wala akong nagawa. Wala akong kwenta.

Isang araw sinama kami ni Lolo Baltazar dito sa mundo ng mga mortal dalawang buwan kami nagtraining doon dahil alam niya ang nangyari saakin at alam niya ang propesiya. Na may magaganap ulit na digmaan sa pagitan Dark at White kung saan din madadamay ang Mundo ng mga Mortal.

" Tahimik ka ata" napalingon ako ng marinig ko si Aya. Her sweet and calm voice.

" Ah wala naalala ko lang sila " nginitian ko lamang siya . Niyakap naman niya ako at saka ipinatong niya ang ulo niya sa likod ko.

" i feel you. I miss them too" She said with sadness in her voice.

" Jef ! Haley! Iha maghanda na kayo malapit na tayo bumaba natatanaw ko na ang akademia." tumingin naman kaming lahat kay lolo pero si Lola Veronica ay nanatiling nakatanaw sa akademia at saka ngumiti kay lolo.

" were here!" sabi ni Haley nakita ko naman si Aya na nakatitig lang sa akademia. Alam kong sobrang ganda ng akademia kaya hindi na ako magtataka kung matulala siya sa ganda ng lugar nato.

" My Home !"

The Story Of The Sacred GemWhere stories live. Discover now