Aya (POV)
Tumunog na ang canyon. Isa lang ang ibig sabihin nito. Umpisa na ang laban.
" ill go " tiningnan ako ni Celine at saka ngumiti nalang siya at ganon din ang ginawa ko at pagkatapos ay pumasok na ako.
Hindi pa ganoon kaayos ang pakiramdam ko pero lalaban ako. Hindi pwedeng mabaliwala lahat ng tiwala ng kaibigan ko. Tama si Celine kaya ko to.
Pumasok na kaming lima sa ground na nasasakupan ng barrier. Nakita ko ang mga kalaban ko. Tatlo kaming babae at dalawa naman ang lalaki.
" alright students nandito na sa inyong harapan ang mga kalahok sa ating fifth round lets all welcome..
Cindy, a water person..
Grizel, a witch..
Liam, an enchanter also our fourth prince..
Calixo, an air person..
And the last but not the least.. Our transferee..
Andrea, also an air person..
So students i cheer nyo na ang gusto ninyong manalo sa round na ito. Ihahanda na namin ang kanilang mga pagsubok" announcer said.
Napakalakas ng mga hiyawan sa ground may mga naririnig akong nagchecheer sa mga kalaban ko. Kinakabahan ako kaya minabuti ko nalang na hanapin siya.
Nilibot ko ang mga mata ko pero hindi ko siya makita. Natatakot ako hindi ko alam ang mga susunod na pangyayari. Nilibot ko pa rin ang mga mata ko hangang sa makita ko ang pares ng mga matang kanina ko pa hinahanap. Isang taong gusto kong makita bago ang labanang magaganap. Isang taong nagpapalakas ng loob ko para lumaban. Si Jef .
Nagtama ang aming mga mata at unti unting kumurba ang mga ngiti sa labi namin hangang sa marinig ko ang speaker ng ground.
" Okay okay!! Handa na ba kayo students? Ang mechanics ng game na ito ay dapat makakuha kayo ng dalawang flags na nakatago at syempre hahanapin nyo ito at ang makakuha ng dalawang flags na iyon ay syang mananalo at dahil fifth round ito ang gagamitin nating illusion ay gaganapin sa isang isla. Yes students tama kayo. Isang isla kung saan kayo lang ang tao at kayo lang ang magkakalaban huwag kayong mag alala makikita naman namin ang lahat ng gagawin ninyo ngunit kayo hindi nyo makikita ang mga taong nanonood sainyo. Siguro maririnig oo. Kaya goodluck students. Once you get the two flags automatically the game will end and everything will disappear. Dont worry about the bruises we have medics here.. Okay i think you are ready so
Let the Game Begin" announcer said.Hinanap ko muli ang taong nagtiwala saaking maipapanalo ko ito. Hangang sa nagtama ang mga mata namin. Ngumiti nalamang ako at binasa ang mga binigkas niyang mga salita
" you can do that "
Hangang sa naglaho na ang lahat. Nakakita ako ng isang malaking orasan sa taas.
" 30 seconds "
Naririnig ko ang mga sigawan sa labas. Tiningnan ko rin ang mga kalaban ko. Ngumisi naman saakin si Grizel na tila ba nang aasar. Wait on me dude.
Tumingin naman saakin si Cindy at nginitian lang ako. Nginitian ko nalang din siya. Si Calixo naman ay umagaw ng pansin ko dahil sa lagkit ng kaniyang titig saakin. Inisnab ko nalang siya. Hintayin moko mamaya tinapa ka.
Tumingin ulit ako sa orasan at 15 seconds nalang.
" Goodluck" bumaling ang paningin ko sa aking kanan at nakita ko si Liam.
" Goodluck din " buti pa tong isang to tss..
Kapag naging zero na ang timer sa itaas ay kami ay mapupunta na sa ibat ibang parte ng isla at hudyat iyon na simula na ang pagsubok.
YOU ARE READING
The Story Of The Sacred Gem
FantasyEveryone deserves chances. Everyone deserves to be treat as Everything Everyone deserves to love. Everyone deserves to be Deserving. Buong buhay ko wala na akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan ng mga taong mahal ko. Wala akong ibang iniisip kun...