Chapter 10: Like a Butterflies

11 3 1
                                    


Aya (POV)

Nagpapahinga na ako at kinabukasan daw ay may gaganaping isang camporee kung saan susubukan ang lahat ng natutunan ng mga white magians sa isang taon nilang pageensayo. Inonounce ito kanina sa speaker ng school at malamang ay lahat alam na ito ngayon kaya ngayong gabi nasa labas pa ang lahat at nag eensayo pa para sa ipapakita nilang kakayahan bukas pero ako, sila Haley at Jef ay mga nasa kanya kanyang dorm. Sila Lizzy naman ay nasa coliseum at nagpapractice pa rin hangang ngayon.

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit kaya napagdesisyunan ko nalang na lumabas at magpahangin sa labas.

Papalabas nako ng dorm ng nakasalubong ko si Haley na kakagaling lang din sa labas.

" Aya kumain kana? Wag mong kalimutan yung gamot mo. Sabi ni nurse Diane mas mabisa daw yan kung kakain ka muna" Nagpasalamat nalang ako sakanya at nagtungo sa ref at kumuha lamang ng isang apple.

" Hindi ka rin mageensayo?" tanong ni Haley at humarap naman ako sakanyang punong puno ang bibig.

" uhmm.. Hindi? Magpapahangin lang ako sa labas ikaw ba?" pumunta rin siya sa ref at kumuha din ng apple.

" Hindi na rin matutulog nalang ako" kinuha ko na ang hoodie ko at sinuot na ito sa harap ng malaking salamin sa sala.

" ganoon ba sige sige Goodnight! Una na ako" kumaway ako sakanya at saka hinawakan ang door knob ng aming dorm.

" mag ingat ka sa labas goodnight" Nang marinig ko yun ay dali dali nakong umalis at kasalukuyang naglalakad na sa hallway ng aming building.

Naggala lang ako ng nag gala sa labas ng aming building. Napaka ganda talaga ng lugar na ito. Ang lugar kung saan lumaki si mama at papa. Ang lugar kung saan ko ipagpapatuloy ang lahat.

Nandito ko ngayon sa gilid ng coliseum. This is an open ground. Umupo ako sa bench nito at tumingin sa mga bituin. Napakaraming nag eensayo sa aking paligid kaya sari sari ang ilaw na aking nakikita. May mga gumagamit ng mga spells may iba namang may hawak na mga sandata.

Ang ganda talaga dito humiga na ako sa isang bench na inuupuan ko tutal wala rin namang nakaupo.

Nakatingin lang ako sa mga bituin sa langit ng palitan ng isang imahe ang aking paningin. Isang imaheng kanina ko pa hinahanap para mapasalamatan sa kanyang ginawa noong inatake kami ng mga Dark. Si Jef.

Otomatiko naman akong napaupo dahil sa gulat. Hindi dahil sa bigla niyang pagsulpot kundi dahil sa pagkakadikit ng aming mukha sa isat isa.

" anong trip mo " malamig kong tanong sakaniya.

" you are not allowed to go outside " malamig naman niyang tugon.

" And why not?" tinaasan ko siya ng kilay at hinarap ito.

" because you need to rest. Kakagaling mo lang sa labanan. Youre still weak. Go back to the building" sobrang lamig ng kaniyang boses. Kasing lamig ng hangin dito sa coliseum.

" uh-m Jef salamat pala kahapon. Sa pagdala mo saakin sa clinic tsaka doon sa pagligtas ng ilang beses. Thanks for those" nanatili akong nakaharap sakaniya pero siya ay nanatili pa ring nakatingin sa mga nag eensayo. Ang gwapo pala talaga niya.

Nanatili akong nakatingin sakaniya nang bigla siyang humarap saakin. Nakakahiya. Nahuli niya ako. Shit. Baka kung ano pang isipin nito.

" Dont need to thank me. Mag iingat ka nalang palagi" medyo namula ako sa sinabi niya. Shit whats happening to me. Parang may kung anong umakyat sa pisngi ko at namula ito. Shit.

" uhmm salamat pa rin" un nalamang ang nasabi ko sa sobrang kahihiyan. Shit namumula pa rin.

" hindi ka mag eensayo?" bigla naman siyang tumingin saakin. Sa aking mga mata. Ang lalim ng mata niya. Ang ganda pa. Ang gwapo niya. Gosh aya ano bang pinagsasabi sabi mo dyan maghunusdili ka.

" Hey!" nagulat ako when he snapped his finger. Shit nakatitig na pala ko sakanya. Nakakahiya shit lalong namula pisngi ko.

" uh-hmm ah hindi na" humarap nalang ako sa mga nag eensayo para kunwariy hindi ko alam kung anong ginawa ko nang tumayo siya at tingnan ako.

He's tall at hangang dibdib niya lang ako. He has brown eyes. Messy hair take note ALWAYS. Maputi at isa pa napakaganda ng mga mata niya ang amo sobra. Hays ano na bang nangyayari sakin. Gosh wake me up.

" may you come with me?" he offer his hand at namalayan ko nalang na naglalakad na pala kami at hawak niya ang kamay ko. Nasa gitna kami ng maliit na gubat dito papunta sa isang open area. Napakalawak at napakaganda. It is surrounded by many little pixies and plants and he says that this is where all white magians will perform their abilities tomorrow.

Jef chants a spell...

After a seconds..

Isang Vulture. Kulay puti. Asul ang mata at pula ang bundot nito.

⊙_⊙

Ang ganda. Ang laki. Nakakamangha.

" She is Ilume my guardian Vulture " lumapit siya rito at hinimas himas pa ang ulo nito at tila gustong gusto.

NAmalayan ko nalang na nakaupo na pala ko sa damuhan at nakatulala lamang sa ibong ito.

Tinayo ako ni Jef at hinawakan ang kamay ko. Unti unti niyang dinampi ang mga kamay ko sa ulo ng ibong ito.

" Ilume this is Aya " nakadampi lang ang aking kamay sa ulo ni Ilume at hawak hawak pa rin ni Jef ang kamay ko at ramdam na ramdam ko pa rin init na nagmumula sakaniyang kamay.

" Such a beautiful girl" nagulat ako at otomatiko akong napapitlag at napaatras. Nagulat ako. Nag sasalita siya? Lumapit ako ulit at nakita kong nakatitig lang saakin ung ibon samantalang paglingon ko sa kinaroroonan ni Jef, siya ay humahagikgik na. Ang cute pala niya.

" Dont be afraid to her hindi ka niya kakainin " lumapit siya saakin lalo at hinawakan uli ang aking kamay. Inilagay niya uli ito sa ulo ni Ilume at ngayon ay ako nalang mag isang nakahawak at nakikita ko sa mga mata ni Ilume na gustong gusto niya ito.

Lumapit pa ako ng lumapit at ngayon ay kami ay sobrang lapit  na sa isat isa.

" Nice to meet you Aya" tuwang tuwa pa rin ang ibong ito at tila ba nag eenjoy na rin ako nang biglang lumapit si Jef at hinawakan ang aking mga kamay.

" Gusto mo bang gumala?" hindi pa ako sumasagot nang mamalayan ko nalang nakasakay na ako kay Ilume. She is realy huge. Kasya kaming dalawa. Nasa harapan ako at nasa likuran ko siya.

Nakakahiya sobra. Shit bat ako namumula. Shit.

Lumipad na si Ilume at namalayan ko nalang na nakayakap na saakin si Jef. Gusto kong umalis. Gusto ko siyang pigilan pero bakit natameme ata ako.

NAraramdaman ko ang init ng kanyang katawan. At lalim ng paghinga. Tahimik lang. Binabaybay lamang namin ang ganda ng lugar. Napakaganda. Sobrang ganda.


End of chapter 10

The Story Of The Sacred GemWhere stories live. Discover now