Third person's ( POV)Tumatakbo ng tumatakbo sila Zafiro at Aya sa kaloob looban ng gubat habang hinahabol sila ng mga Omen. Ito ay mga maiitim na nilalang na parang tao rin ngunit gumagamit ng mga sandatang itim na may lason.
" Where are we going now?" tanong ni Aya habang nasa kasagsagan sila ng takbuhan.
" Tumahimik ka muna nag iisip pa ako" hila hila ni Zafiro si Aya sa kaniyang mga kamay habang tumatakbo.
Napansin ni Aya na may nakaukit na tila ba kalahati ng isang korona sa braso ni Zafiro winalang bahala niya lang ito ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang kaniyang nakita dahil parehas sila. Mayroon din siyang isang kalahati ng korona ngunit ito ay nakaukit sa kaniyang likod at ito ay para bang binura pero makikita mo pa rin ang bakas ng imahe nito.
" kapag tatanga tanga ka sa larong ito masasayang mo lang pinaghirapan mo" Zafiro looks at her at hinila ulit ito at ngayon ay kasalukuyan silang nagtatago sa ilalim ng malaking puno.
" Ganern? Bigla bigla ka kayang nasulpot" she said.
" kasi kung hindi ako dumating malamang patay kana. Para sa kaalaman mo inaatake na ngayon ang akademia" he coldly said. Bakas naman sa mukha ni Aya ang pag aalala para sa kaniyang mga kaibigan lalo na ng maalala niya ang pinakita ni Devorah sa sphere kanina lang.
" paano ba tayo makakaalis sa larong ito? Kating kati nakong umalis dito isa pa... Yung mga kaibigan ko kailangan nila ako doon" bumabakas nanaman ang luha sa mga mata ni Aya. Nilapitan nalamang siya ni Zafiro at niyakap ito. Hindi naman kumawala sa pagkakayakap si Aya dahil mukang komportable naman siya dito.
" huwag kang mag alala makakaalis ka rin" bahagyang tumahimik ang dalawa ng makarinig sila ng mga yabag papunta sa kinaroroonan nila.
" asg fu rus kathus fim gerusti " nakita nila Aya ang apat na Omen sa labas ng puno kaya tumahimik sila habang pinapakinggan naman ni Zafiro ang mga katagang binibitawan ng isang Omen.
" May nagaganap ng digmaan sa labas" Zafiro said in a snap. Hindi maintindihan ni Aya ang lenguwahe ng mga Omen at si Zafiro lamang ang nakakaintindi rito.
" Ha?" napalingon si Zafiro kay Aya at tinitigan muna ito bago magsalita.
" kailangan na nating umalis" lumabas ang dalawa ng makita nilang wala ng mga Omen sa labas.
" Aya look at me ..Lexus was eliminated at tanging tayo nalang dalawa ang natitira sa larong ito kailangan may matira sa atin dahil kung hindi tayo aalis dito ay maraming buhay sa labas ang masasayang dahil lang sa kagustuhan natin " hinawakan ni Zafiro ang mga braso ni Aya at tinitigan ito sa mga mata.
" What do you want me to do?" Aya asked with confused.
" Win this game" Nilabas ni Zafiro ang kaniyang flag. Nagulat si Aya sa mga pangyayari kaya natulala nalamang siya kay Zafiro.
" I miss you my little sister " sa isang iglap bumakas ang ngiti sa mga labi ni Zafiro at hinalikan sa noo si Aya. Nanatiling nakatulala lamang si Aya at tila ba hindi pa pumapasok sa kaniyang utak ang mga nangyayari.
" Win this game for our parents" sa isang iglap itinaas ni Zafiro ang kaniyang flag at kasabay ng kaniyang pagkawala.
Aya ( POV)
Nakatayo lamang ako sa gitna ng gubat. Hindi pa maproseso sa utak ko ang mga nangyayari. Tumingala ako at nakita ko ang liwanag na sumisilaw saakin at dahilan ng pagkabagsak ko sa lupa.
Nagising ako dahil may isang imaheng nag pupumilit na gisingin ako..
" Aya gumising ka please tumakas kana!!" Naging malinaw saakin ang lahat at bumalik ako sa aking ulirat ng makita ko ang digmaang nagaganap ngayon sa paligid ko. Patuloy akong niyuyogyog ni Reeve para magising.
" Stop Reeve gising nako..asan sila?" namulat nako ng tuluyan at kitang kita ko ang pagod sa kaniyang mga mata.
" Marami ng sugatan ngayon tumakas kana" tumayo ako at kitang kita ko ang nasirang akademia.
" tutulong ako " iniwan ko na si Reeve at nagtungo ako sa mga buildings. Naglalakad ako sa hallway ngayon. NApakatahimik ng paligid.
Madulas ang sahig kaya naman nagdadahan dahan ako hangang sa may sumulpot na lalaki sa harapan ko at tinapunan ako ng isang palaso. Tumakbo ako pabalik ngunit sinusundan niya ako. Nagpadulas ako sa sahig tutal madulas naman ito hangang sa nakita ko siyang ginaya din ako.
I chant a spell hangang sa bumilis na ako sa pagdulas ngunit nakita kong may malapad na pader nakong tatamaan Shit.
" Ahhhhhhh!!!" napapikit nalang ako ng mata nang may mabaga akong isang tao kaya kasama ko siya sa pagtama sa pader.
" Ugrh!! AYa?" kumakamot pa ako ng ulo ang sakit kaya. Nakilala ko ang taong nakasama ko sa nagawa kong katangahan.
" Celine.." i hugged her at ganon din siya. Kamusta na kaya siya ano na bang nangyare sakaniya at siya pa ang naunang maeliminate kanina.
" Ayaa!! Watch out!" she yelled. Otomatiko naman akong napabalikwas at nabigla.
Lumingon ako sa aking paligid at napansin nakatulala si Celine. Tumingin ko sa aking likod at nakita kong may mga puting bagay ang kumukutitap.
Nawala ang Dark na kanina lang ay kasabay ko sa pagdausdos.
" Aya your power... You can now controlled it" napakurap ako sa aking mata. Totoo ngang nakokontrol ko na ito. Sana ngayon may maitulong na ako.
" Where are they?" i asked.
" Aya..."
" What?"
" you're bleeding.." napayuko ako at nakita ko ang isang palaso na nakatusok sa tiyan ko. Hindi pwede to. Kailangan ako sa labas.
"Wait here ill go find Cindy. She can help you shes a water person.." pinagmasdan ko nalang si Celine na tumatakbo.
Nakaupo lang ako sa hallway at nakasandal sa pader. Ramdam na ramdam ko rito ang mga pagsabog sa labas. Dugo na ng dugo ang sugat ko. Unti unti na ring may lumalabas na dugo sa bibig ko. Shit this cant be happen. Kakayanin ko to. Tumayo ako dahan dahan at naglakad sa hallway. Punutol ko ang palasong nakatusok sa tyan ko kaya naman bumagsak ako sa sakit.
"Shit!" sinubukan kong palabasin ang aking puting mahika at idinampi rito. Napakasakit ngunit walang nagawa ito. Sa tingin ko hangang dito nalang ako. Masaya ako dahil kahit ilang araw pa lang pananatili ko rito ay may napatunayan na ako sa mga magulang ko at mga kaibigan ko. Siguro ito ang nakatadhana sa akin sa mundong ito. Sana bago ako pumikit makita ko siya. Makita ko ang taong naging sandigan ng mga pagsubok ko.
Unti unti ng lumalabo ang aking paningin ng makakita ako ng limang pigura ng mga itim na nilalang na nakapalibot saakin. May mga bolang itim silang hawak at tila pinagsasama sama nila ito hangang sa ...
Makakita ako ng isang malaking nilalang na papunta sa kinaroroonan ko. Nilalang na nababalutan ng ibat ibang kulay na flames. Mayroon itong mahabang buntot at malalaking pakpak..
Luminous Phoenix..
~~~~~
End of chapter 19..Hows it?😊😊👇👇
YOU ARE READING
The Story Of The Sacred Gem
FantasyEveryone deserves chances. Everyone deserves to be treat as Everything Everyone deserves to love. Everyone deserves to be Deserving. Buong buhay ko wala na akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan ng mga taong mahal ko. Wala akong ibang iniisip kun...