" Iha patawad ngunit ayun lamang ang aking nagawa. Ang taong pumatay sa mga magulang mo ay si Negan. Siya ang Prinsipe ng mga Dark anak siya ni Lagos na hari naman ng mga Dark. " bakit niya kailangan ipapatay sina mama at papa?
" Lo bakit nila pinatay sina mama at papa?" umiiyak nanaman ako kahit kailan talaga hindi matibay ang mga luha ko pagdating sa taong mahal ko.
" dahil yon ang nais ng mga Dark. Na ubusin ang mga White Magian maging sa otherworld o mortal world. Iha pagpasensyahan mo na din si jef hindi ko pa kasi nasasabi sakanyang hndi ka mortal " ani lolo.
" Bakit po ba? Ano naman po ba kung mortal ako?" isang tingin ang bumalin saakin mula kay lolo
" may isang pagkakataon kasi na tinulungan ko ang isang mortal sa pagtangkang patayin siya ng taga Dark region kaya naglaban kame at hindi inaasahan mahina pa ako dahil galing ako sa isang training kaya nanghihina pa ako tapos dahil doon yun yung oras na malapit na ako sa kamatayan dahil sa lakas ng pwersang pinakawalan ng isang Dark Enchanter at sa kabutihang palad iha dumating si Jef at tinulungan ako tinira ni jef ng sunod sunod ang Isang enchanter na yon at sinabayan ko pa ng iilang spells kaya namatay sya at nagwagi kami. Utang ko kay jef ang kaligtasan ko kaya kahit ganyan yang batang yan mahal ko yan." kaya naman pala akala ko wala ng tatagal sa ugali nong lalaking yon ay meron pa pala .
" lo matanong lang po tungkol doon sa Sacred Gem.Ano po ba ang bagay na yon?" bigla napahinto si lolo sa pagbuklat ng libro at saka tumingin ulit saakin.
" iha ang Sacred Gem ay hindi biro.Kaya nito gawin ang lahat ng gusto ng makakakuha nito pero ang sacred gem lamang ang pipili sa isang white magian na gugustuhin nyang gumamit nito. Ang lakas nito ay walang katumbas dahil iisa na lamang ito kaya mas minabuti ni Everdeen na palakasin pa ang kapangyarihan nito. Ang sacred gem ay dalawa noon dahil ang isa ay Napunta kay Arianne at ito ang ginamit ni Arianne upang wakasan ang Digmaang naganap noon sa pagitan ng White and Dark. Ngunit sa kasamaang palad ay namatay si Arianne at nawalan din ng ilaw ang kanyang Gem na ibigsabihin ay patay na siya. Ang Gem ni Arianne ay isinama sa libingan niya ngunit ng ito ay buksan dahil sa kasiguraduhang bangkay nya iyon ay bigla itong umilaw at saka nawala . Naipatanong na din kung ano ang ibigsabihin nito at ayon daw ay dahil sa kinuha na muli ito ni Everdeen at kinuha na ang natitira pang kapangyarihan at isinalin sa Iisa pang Gem. Ang Gem na iyon o sinasabing the Sacred Gem ay ipinagkakatiwala lamang ni Everdeen sa mga nilalang na mabubuti , at may malinis na hangarin sa kapwa." Am i insane if i believe to all of these? I dont feel any doubt dahil alam kong totoo kahit hindi ako makapaniwala . Sana ay isang mabuti ,mapagmahal at malinis ang hangarin sa kapwa ang mapili ng Gem na iyon.
" Iha may tanong kapa ba?" binasag niya ang katahimikang sandaling bumalot saamin.
" Uhmm Lo ano po ba yung bagay na nangyari sa gubat kanina? Yung lumutang yung mga bagay tsaka yung apoy kay tatay?" masinsinan kong tinanong si lolo pero siya ay nanatili namang kalmado at nakatingin lamang sa binabasa niya.
" Ayun ang kapangyarihan mo Iha. Ang tatay mo ay isang Fire Elemental person kumbaga may enchanter may witch may wizard at may elemental person. Ang nanay mo ay isang Air elemental person naman. Alam kong hindi pa ito sinasabi saiyo ng mga magulang mo dahil 17 ka pa lang ngunit eto ako ngayon sinasabi ko na. Nagiging ganap kasi ang kapangyarihan kapag tumuntong na ito ng 18 taong gulang." may kapangyarihan ako? Para akong isang character sa mga napapanood ko at bigla nalang magkakaroon ng magics. Haha.
Bakit ngayon ko lang nalaman. Sa bagay katulad ng sinabi saakin ni lolo dahil ako ay 17 palang. Pero masaya ako. Masaya ako dahil may kapangyarihan ako. Masaya ako dahil maipaglalaban ko na ang mga taong mahalaga saakin at isa na doon ang pagwakas kay Negan.
"Lo hindi madaling paniwalaan pero--" Pumunta ako sa pintuan at hinawakan ang kwintas na binigay saakin ni mama noon. " pero naniniwala ako at ngayon ay handa na ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa mga magulang ko." At saka ako bumalik kay lolo at hinawakan ang kanyang mga nangungulubot na kamay.
" Lo Salamat po! Salamat kasi niligtas nyo ako at lo.. Salamat kasi nandyan kayo at dinamayan ako. Kahit nawalan na ako ng mga magulang ..Lo nakatayo pa rin ako at gagawin ko ang mga bagay na inilaan sakin ng tadhana para kina mama at papa" Ngumiti si lolo at nginitian ako at niyakap.
I will never forget lolo Baltazar. Haharapin ko ang lahat ng bagay na nag nakalaan saakin para sa aking mga magulang.
YOU ARE READING
The Story Of The Sacred Gem
FantasyEveryone deserves chances. Everyone deserves to be treat as Everything Everyone deserves to love. Everyone deserves to be Deserving. Buong buhay ko wala na akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan ng mga taong mahal ko. Wala akong ibang iniisip kun...