Chapter 1: The Arrival

38 4 0
                                    

Natapos na. Natapos na ang isang buwan kong pag eensayo kasama sina Lolo , Jef at Haley.

Si jef, naging magkasama kami sa training dahil isa na din akong student ni lolo. Nakilala ko si jef bilang isang kaibigang hindi suki ng salitang Talo. Naging magkaibigan kami ng dahil sa pangungulit ko sakanya na turuan ako sa paggawa ng barrier. Makulit akong tao hindi lang halata. Lalo na pag gusto kong matutunan ang isang bagay .

Si Jef din yung taong pinili nalang na makipagkaibigan sakin kaysa sa pa araw araw ko siyang kulitin at paulanan ng ibat ibang bagay. childish talaga ako kaya pasensya ka.

Si Haley naman nakilala ko siya noong araw na kakagaling lang namin ni lolo sa Underground liblary niya. Mabait siyang tao halos kabaliktaran ng mga pinapakita ni jef pero hindi siya tulad ni jef na desidido manalo. Marunong siyang tumangap ng sunod sunod na talo pero si jef? Nako matalo lang ng isang beses magwawalk out na.

May isang pagkakataon pa nga noon na nageensayo kame sa kagubatan kung saan kaming tatlo. Isang Enchanter , isang Sorcerer at isang Elemental person ang magkakalaban at syempre ano bang laban ko sakanila diba? Kaya tuwing nageensayo kami ako lagi ang huli sa ranking at nangunguna naman si jef.

Si Lolo Baltazar naman ay walang pagod na iensayo kami araw araw at syempre hindi naman siya papayag na mapapagod kami kaya lagi niya kaming ginagawan ng nilagng saging. Sa kubo namin may apat na kwarto. Hindi lang pala iyon basta kubo dahil pag nasa labas ka nito ay aakalain mong isang simple at maliit lamang na tirahan iyon para sa mga mortal pero kapag pala pumasok kana sa loob nito ay isang malaki, malawak , at magarang tahanan ang makikita mo. Simple lang ito pero napaka ganda. Yung unang pasok ko rito hindi ko ito nakita dahil ginawan ito ni Lolo ng illusion spell pero ngayon dahil ganap na akong isang student ni lolo ay malaya ko na tong makikita kahit anong oras ko pa gugustuhin.

Ngayon natapos na ang aming ensayo nila lolo at nila jef at ngayon din ay ang oras ng pag alis namin dito sa mundo ng mga mortal. Nandito kami ngayon nasa harap ng portal na ginawa ni jef at papasok na kami.

Papasok na kami pero bago iyon isang tingin lamang ang iniwan ko sa parte ng gubat kung saan papunta sa bahay namin nila mama at papa.

" Ma! Pa! Aalis napo ako. Ipagpapatuloy ko ang nasimulan ninyong dalawa. Mahal ko po kayo." tinitigan ko ng ilang sandali ang dakong iyon at hinawakan ang kwintas ko na binigay ni mama saka pumasok at sumunod kila lolo.

" ayos ka lang ba?" bigla akong bumalik sa realidad at ngayon ay diko namalayang nandito na pala kami sa otherworld. Isang tango at ngiti lamang ang sinagot ko kay Haley.

" nandito na tayo sa Forest land. Iha eto ang daan papasok sa akademia kaya huwag mong kakalimutan ha baka maligaw ka " bangit saakin ni lolo habang nakahawak siya sa balikat ko at nakatingin sa malayong parte. Si Haley naman nasa tabi ko at hawak ang kanyang wand at pinapalo palo ito sa palad niya. Si jef naman ayun nasa likod namin laging nakapamulsa at parang laging bagong gising.

Tiningnan ko ang parte ng gubat kung nasaan nakatingin si lolo. Isang napakagandang gubat may isang daang pinaliligiran ng malalaking puno at isang malinaw na lawa sa dulo nito maganda rin ang sikat ng araw at napaka ganda kapag nagrereflect ito sa lawa. May mga malilit na nilalang din ang nag aakyatan sa puno at ang iba naman ay nagliliparan sa himpapawid.

Naglalakad na kami papuntang akademia dahil sabi ni lolo lahat daw ng edad mula 15 hangang 25 taong gulang  ay doon muna  mananatili para palakasin at paunlarin pa ang kani kanilang mga natatanging kapangyarihan. May mga Wizards, may mga Enchanters, may mga Elemental person tulad ko at may mga Apprentices. Sa akademia na yon ay lahat ng bagay sa mundo nato ay itinuturo maging sa Spells man yan sa magics at maging histories.

"Bilisan mo nga maglakad" tumingin ako sa tabi ko dahil sa taong narinig ko ngunit si Haley na abala sa pagbraid ng bracelet ang nakita ko tumingin naman ako sa kaliwa ko ngunit si lolo na abala sa pagbabasa ng incantus habang naglalakd ang nakita ko.

" sabi ko bilisan mo!" sa pagkakataong ito napatingin na ako sa likod ko at ang lalaking laging mukang bagong gising ang nakita ko at nakatitig saakin. His brown eyes are so beautiful pero...pero masama ugali. Sayang tong nilalang nato may itsura sana kaso wala atang makakasundo.

" Uh-m sorry na!" asik kong sagot sakanya sabay tumalikod nalang ako wala naman akong mapapala kung titigan ko pa ang naggagwapuhan nyang mukha.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ng may kanya kanyang agenda. Si lolo nagbabasa habang naglalakad, si Haley nagbabraide ng bracelet, si jef nakapamulsa lang at sumisipol sipol at ako naman eto paikot ikot ang tingin kasi sobrang ganda ng paligid nato.

Kasalukuyan kaming naglalakbay nang makarinig kami ng isang kaluskos mula sa likod. Agad naman kaming napahinto at tiningnan ang bagay na yon. May isang matandang lumabas sa isang tumpok ng halaman. Kasing edad lang din siya ni lolo ngunit ito ay babae. Nakasuot siya ng mahabang damit na kulay cream , mahaba ang buhok nya na may kulay puti na at may hawak ng isang tungkod na may crystal sa hawakan.

" Veronica" mahinang bangit ni lolo Baltazar habang nakatingin sa babae.

"nice to meet you again Baltazar. May kasama ka pala ako si Veronica isang apprentice. Kaibigan ako ni Baltazar huwag kayong matakot"

~~•~~

Hows it?  :)

The Story Of The Sacred GemWhere stories live. Discover now