" Veron--ica ikaw pala iyan" pilit na ngiti ni lolo na nakaharap doon sa babae at halata namang magkakilala na sila.pero bakit may lungkot sa mga mukha ni lolo?." matagal din tayong hindi nagkita ulit matapos ang huling digmaan " lumapit saamin si Veronica at saka kami isa isang nginitian. Halatang hindi pa magkakilala sina Jef, Haley at Veronica. Nginitian din niya ako.
" hmmm. Isang Sorcerer, isang Enchanter at isang elemental person tama ba?" ngumiti sa saaming tatlo at saka bumaling ulit kay lolo. Bakit niya alam?
" Because i can read mind Iha " sabay ngiti niya saakin at ipinatong ang kamay niya sa aking balikat. Nakaramdam naman ako ng kalmadong atmosphere sa pagitan naming lima. Magaan ang loob ko sakanya at hindi ako pwedeng magkamali na mabuting tao sya.
Si Jef na laging mukang bagong gising ay ngayon ay parang badtrip nanaman. Bigla siyang nawala at natanaw namin ni Haley na nasa tabi siya ng lawa naghihilamos at naghuhugas ng kamay. Umupo naman siya at saka nagpunas ng mukha gamit ang kanyang damit.
" Gusto mo bang pumunta sa lawa?" isang tango lamang ang itinugon ko kay Haley samantala si lolo at veronica naman ay nagkwekwentuhan habang nakaupo sa malaking bato.
Naglalakad na kami ni Haley papuntang lawa " Aya yung nangyari sa magulang mo... Patawad kasi wala kaming nagawa bilang kaibigan mo" unti unti naman akong napatingin kay Haley at saka huminto sa paglalakad. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata " Haley una sa lahat wala kayong kasalanan isa pa salamat kasi tinulungan nyo ako." nakakagulat naman tong si Haley biglang nagdadrama
Nginitian niya lamang ako at saka nagpatuloy maglakad papunta sa lawa kung nasaan naman si Jef. " Ang ganda '' yun lamang ang nasabi ko. Bukod sa malinaw ang tubig ng lawa at kitang kita ang kumikinang na tubig ay may mga faerie na nag aalaga dito.
" ang gaganda nila diba?" sa pagkakataong ito si Jef ang nagsalita habang si Haley naman ay may kausap na isang faerie.
" A-hh oo sobra" ibinalik ko ulit ang tingin ko sa lawa mula kay Jef. Ano kayang nakain nito at bigla akong kinausap?.
Pinagmamasdan ko lang ang paligid. Si Haley na nakikipagkwentuhan sa mga faeries, si Jef na kinukulit ng mga goblins, si lolo na nakikipagtawanan kay Veronica at ako na pinagmamasdan lang sila.
Ang saya sa lugar nato kung buhay pa sana mga magulang ko lagi ko silang dadalhin dito tapos magpipicnic kaming tatlo. Masaya sana kami ngayon kung hindi sila nawala. Nawalan na ng saysay ang buhay ko simula ng malaman ko pinatay sila pero ngayon unti unti akong nabubuo ulit sa tulong ng mga kaibigan ko na ngayon ay tinuturing ko na ring isang pamilya.
First year College na sana ako ngayong pasukan kaso sa hindi inaasahang bagay namatay ang aking mga magulang. Nalaman ko yung tunay kong pagkatao pati na rin ang mga magulang ko. Nalaman ko rin kung ano ang inihandang tadhana para sa katulad ko.
" Ayaa!!" bigla kong bumalik sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Haley. " halika dito gusto kang makilala ni Bob! "nakangisi naman siya habang tinatawag niya ako. "Sige sandali lang" tatayo na ako at pupunta na kila Haley na marinig ko si Jef " Tsss" Yun lamang ang narinig ko sakanya at halatang nababadtrip nanaman ito. Wala na talagang ginawa to kundi maburdo sa buhay niya.
"Aya si Bob pala" sabay turo niya sa kanan niya ngunit ng tingnan ko iyon wala naman. Tiningnan ko siya ng may pagtataka nagulat naman siya kung bakit at tumingin din siya. Walang nilalang sa parteng itinuturo niya.
" Kuya Haley kasi!" bigla namang tumawa ng pagkalakas lakas si Haley at pumunta sa likod ng puno at may kinuhang isang nilalang. "Aya si Bob pala.Crush ka daw niya" sinabayan pa uli niya ng tawa habang pulang pula naman itong si Bob sa sobrang hiya. Ang cute ni Bob isa siyang faerie nakasuot siya ng kulay green na pajamas at t shirt na white na V-neck. Mahaba ang mga tenga niya. Kulay gold ang pakpak niya at sobrang cute niya. Kasing laki lang siya ng palad ko kaya sobrang cute niya. Ayoko na talagang umalis dito. Sobrang ganda ng paligid.
" uhmm.. Hi Bob!" nginitian ko lamang siya at kinawayan. Halata namang namumula na siya habang si Haley naman ay tawa pa rin ng tawa. Masaya kaama si Haley mabait siya at hindi bored.
" Aya! Haley! Tawagin nyo na si Jef aalis na tayo siguro naman nakapagpahinga na kayo." tinawag na kami ni lolo at pupuntahan na namin si Jef. Nakita namin siya nakatali ang paa at kamay.what happen?
" whahahah!! Oy Jef ikaw kase e!" sigaw ni Haley kay Jef habang siya naman ay nananatiling seryoso at pinag didiskitahan ng mga Goblins.
" makukulit kasi ang mga Goblins pero pag sila sinaktan mo pagdidiskitahan ka talaga" tawa pa rin ng tawa si Haley. Ako naman nakaramdam ng awa kay Jef kasi alam kong nahihirapan siya kahit hindi umiimik. Pinuntahan ko si Jef at tinanggal ang nakagapos sakanya tinulungan din ako ni Haley.
Naglalakad na kami papuntang akademia kasama na namin si Veronica or tawagin nalang daw namin siyang Lola kasi kasing edad lang naman daw sya ni lolo at simula daw ngayon makakasama na namin siya. Veronica Horvath ang buong pangalan niya at kilala niya rin ang Mama at papa ko.
Naglalakad na kami nila Lolo at narating na namin ang dulo ng Forest Land. Nagchant si Jef ng isang Spell at biglang lumakas ang hangin. Tiningnan ko lang silang lahat habang nakatingin sila sa taas.
" wwhhaaaat is thaat?" nakakagulat tong sila lolo hindi man lang nagpapasabi sakin na may kabayo pala ditong lumilipad tapos iba iba pa ang kulay. Pero takot ako dyan kasi dati sumakay ako dyan tapos nilaglag lang ako. Sana bumalik kana sa pinanggalingan mo haha!.
" Iha pegasi ang tawag dyan. Huwag kang matakot kasi lahat naman yan ay mababait at malalambing. Ayaw lang nila ng masamang atmospera kasi lumalaban din sila" habang nakatulala pa rin sa mga pegasi tumango tango nalang ako bilang tugon kay Lola Veronica. Very amazing.
'' Osya iha dahil Tatlo lamang itong Pegasi na dumating. Ako sa isa. Ikaw naman Haley doon kayo sa isa ni Veronica alalayan mo nalang at alam mo na tumatanda na at ikaw naman iha at Jef doon kayo sa isa pa" ano?? Bakit sa dinami dami kong kasama eto pang kumag na mapang asar nato pa ang nakasama ko.
" Lo pwedeng maglakad nalang ako?" mas gugustuhin ko pang maglakad kesa makasama yan baka ilaglag pako niyan.
" Sige iha maglakad ka ng Dalawampung kilometro ha? Tapos pag napagod ka wag mo kaming sisisihin kung huminto ka tapos may makakita sayong halimaw tapos lamunin ka!" nakakatakot namam tong si lolo ang sarcastic saakin. Oo na sasakay na.
" Oo na ho!" nginusuan ko nalang si lolo tapos umakyat na sya sa Pegasi niya habang si lola Veronica naman ay tawa lang ng tawa.
" Ang arte mo pa kasi" napalingon naman ako at nakita ko si Jef na nakapamulsa pa at inirapan pako. What the? Ipapakain na kita sa Pegasi na yan.
" Okay Fine sasakay na!" sinimangutan ko si Jef saka sumakay sa Pegasi.
~~•~~
(♡˙︶˙♡)
YOU ARE READING
The Story Of The Sacred Gem
FantasyEveryone deserves chances. Everyone deserves to be treat as Everything Everyone deserves to love. Everyone deserves to be Deserving. Buong buhay ko wala na akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan ng mga taong mahal ko. Wala akong ibang iniisip kun...