( Aya POV)
Pagkatapos kong mawalan ng malay napanood kong may mga taong may suot ng ilang maiitim na kasuotan ang pumasok sa aming bahay. Nakahilata ako sa malayong parte mula sa aming bahay ngunit matatanaw pa rin sa kinalalagyan ko ang mga pangyayaring nagaganap sa bahay namin.
Hindi ko mapigilang umiyak ng umiiyak at ikuyom ang mga palad ko sa sobrang galit sa nangyari sa mga magulang ko. Isang lalaking naka itim at may suot ng isang cloak ang nakita kong papalapit kay mama kumuha siya ng isang dagger at sinaksak si mama sa dibdib. Kinuha niya ang kwintas ni mama at saka pinuntahan si papa. Buhay pa si papa at kasalukuyang nilalabanan ang mga taong nakaitim ngunit nanghihina na siya. Nilapitan ng lalaking pumatay kay mama si papa ngunit ano to?... May lumalabas na apoy sa mga palad ni papa? Nagkakamali ba ako sa mga nakikita ko?
Nilapitan ng nakaitim na cloak si papa at saka sila naglaban. Isang usok na itim ang gumapos kay papa at naging pagkakataon para lapitan niya ito kinuha ulit ng lalaking naka cloak ang dagger at sinaksak ito sa dibdib. May hinigop na kung anong bagay ang lalaking naka itim sa bibig ni papa at pagkatapos non ay binitiwan na nya si papa .
Ano to? Hindi ito pwedeng mangyari sa mga magulang ko! Kahit kailan hindi ko naisip na mamamatay sila ng ganito. Hinding hindi ko mapapatawad ang taong gumawa nito sakanila at ang luha ko na kanina ay naguunahan ay nawala at napalitan ng galit at naikuyom ko rin ang aking mga palad.
" Iha huminahon ka " ngunit hindi ko siya pinakinggan. Bakit hindi ako nakita ng lalaking nakaitim?sana pinatay nalang din niya ako tutal wala na ring kwenta ang buhay ko.
" Iha huminahon ka" at saka ako bumagsak sa lupa at hindi tumitigil sa pagtulo ng luha.
" iha huminahon ka!" sa oras nato napatingin ako kay lolo at sabay itinuro niya ang paligid.
lumulutang ang mga bato at iilang sanga pati na rin ang mga puno na parang binabagyo sa lakas ng hangin.
" Iha huminahon ka " sa pagkakatong ito napatigil ako at napatingin kay lolo at sa oras na ding to ay nalaglag ang mga bagay na kanina lang ay lumulutang at ang kaninang puno na humahampas ay ngayon ay mahinahon na.what is this place?
" Did you see that?" Dahan dahan akong tumingin ulit kay Lolo.What is that?
" nakita mo ba ang ginawa mo? Ang ginawa ng kapangyarihan mo?" tinitigan ako ni lolo.
" kapangyarihan?" tumayo ako at lahat ng pangangamba ko ay biglang naglaho at napalitan ng pagtataka." Iha hindi madaling paniwalaan lalo na sa mundo ng mga mortal kung saan ka lumaki pero iha siguro naman ay nakita mo ang ginawa mo kanina. " ika ni lolo. Hindi ako makapaniwala ano to? Ano to!? Kumakawala nanaman ang mga luha ko. Bakit ganito pati ba naman tadhana?
" Lo oo nakita ko pero anong ibigsabihin nito? Isa lang akong mortal ano ba kayo!" umalis ako at pumunta sa kubo ngunit napahinto ako ng magsalita si lolo.
" Gusto mo bang malaman ang lahat? At kung sino ang pumatay sa mga magulang mo?" what is he talking about? Nilingon ko si lolo na nakatayo at may hawak na Malaking libro?
Sa totoo lang ayoko kasi ayoko ng mga bagay bagay na alam kong imposible lalo na pagdating sa buhay ko. Ayoko ng niloloko ako ayoko ng pinaglalaruan ako pero bakit gusto kong malaman lahat ng pinagsasabi ni lolo? Bakit gusto kong alamin. Alam kong hindi niya ako niloloko pero napaka imposible para sa katulad ko ang mga sinasabi niya. I think its better to know all of these.
" Lo! " tinitigan ko siya ng masinsinan sa kanyang mga mata. " Sige po " hindi lang dahil gusto kong malaman ang lahat ng nangyari kanina kundi dahil sinabi ni Lolo na alam niya kung sino ang pumatay sa mga magulang ko.
Nandidito kami ngayon ni lolo sa ilalim ng kinatitirikan ng malaking kubo na tinitirhan niya. Isa itong underground at sa loob nito ay isang liblary at ilan ilang malalaking estatwa at picture ng mga matatandang mukang pumanaw na. Its amazing. It seems like an old liblary.
Umupo ako sa isang silya habang si Lolo naman ay umupo sa pagitan ng isang lamesa na may isang kabisera.
" Iha lahat ng sasabihin ko ay pawang katotohanan. Iyo lamang ay paniwalaan at huwag huhusgahan." talagang may pagkamakata itong si lolo at nakakatuwa lang dahil sa tinagal tagal ko sa mundong to wala akong nakilalang katulad niya.
" sige po " ayun lamang ang sinabi ko at sinimulan na niyang magkwento.
" Im a Wizard. A class S+ wizard. I am Baltazar Peletier. Jef is a Sorcerer. He is my student and lately, you will meet Haley he is also my student and he is an Enchanter." what? Is he insane?
" Mahirap paniwalaan like i said lalo na sa mundo ng mga mortal. Pumunta kame rito sa mundong ito upang itrain sila sa paggamit ng kanilang kapangyarihan kahit na alam naming bawal ang paggamit ng kapangyarihan sa mundo ng mga mortal. Kinailangan ko silang itrain dito dahil sila lamang ang aasahan ko kapag dumating na ang panahong sinasabi sa propesiya. Ang digmaan sa pagitan ng White at Dark kung saan madadamay ang mundo ng mga mortal." tumayo si lolo sa kanyang kinauupuan at kumuha ng isang libro. Bakit ganito? I feel worried about that war and why am i believing? Isa lang ang masasabi ko. Hindi ko mapagkakaila pero Naniniwala ako.
" Iha sa mundo namin o tinatawag na otherworld ay lahat ng imposible sa mundo nato ay posible. Like magics . Ngunit iha ang mundo namin ay nawalan ng ganda at proteksyon simula ng mawala ang susunod na tagapagmana. Si Prinsesa Dianna. May naganap na digmaan noon sa pagitan ng White at Dark pitong taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang labanan at pagkatapos noon ay ang inaasahang tagapagmana ng White Region ay nawala at pinaniniwalaan ng lahat na kinuha ito ni Goddess Everdeen, siya ang tagapangalaga ng Sacred Gem na ngayon ay si Dianna na. Matapos siyang kunin ni Everdeen inakala ng lahat na patay na si Dianna pero nagkamali sila dahil kaya nangyari ang pagkawala ni Dianna ay dahil siya na ang susunod na tagapangalaga ng Sacred Gem." Binuksan ni Lolo ang libro na kanyang hawak at may hinahanap siyang pahina nito.
" This is incantus. Dito nakapaloob ang ibat ibang Spells. The other one is the Book of history dyan naman nakapaloob ang mga pangyayari noon at kusang naisusulat ang mga sumunod na pangyayari na nagaganap ngayon sa otherworld. Here!" binigay niya saakin ang dalawang libro sobrang liit nito as in mas malaki pa ang palad ko ngunit kapag ito ay tinupi tupi mo unti unti itong lalaki kumbaga ito ay pocket edition lang.
" paalala iha ang incantus ay hindi laruan at isang bagay lang ang tatandaan mo. Hangat kaya mo solusyunan ang problema huwag kang gagamit ng spells." tumango tango naman ako sa mga sinabi ni lolo ngunit hindi ko pa naitatanong ang tungkol sa mga magulang ko.
" Lo yung--" hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ko ng biglang magsalita si lolo.
" Ang mga magulang mo. Yung mga nilalang na nakita mo sa Sphere kanina ay ang mga Dark. Ang nanay at tatay mo ay hindi mortal paano ko nalaman? Kasi kilala ko sila. Kaibigan ko ang nanay mo. Kasalukuyan akong galing sa mundo namin at lumabas ng portal ngunit paglabas ko isang nasusunog na bahagi ng gubat ang nakita ko at pinuntahan ko ang kinaroroonan non. Nagtago ako at gumawa ng barrier para hindi nila makita .Hindi ko natulungan ang nanay at tatay mo sapagkat hindi ko sila kaya at hindi sapat ang lakas ko para labanan at ipagtanggol sila kahit gugustuhin ko man kahit isa akong class S ay mas malakas pa rin saakin si Negan. Iha patawad dahil wala akong nagawa ng kasalukuyang pinapatay ang mga magulang mo nakita kita ginawan kita ng barrier para hindi ka nila makita ngunit ng matapos ang lahat inintay ko muna silang umalis saka kita kinuha at dinala sa Bahay ko. Oo iha nagsinungaling ako nang magtanong ka nung nagising ka dahil alam kong hindi ka agad maniniwala " ang kanina ko pang pinipigilang lumabas ay tuloy tuloy ng naglabasan.Ang mga luha ko. Naiintindihan ko si lolo.
Hinding hindi ko makakalimutan ang pangalang NEGAN sa buong buhay ko.
YOU ARE READING
The Story Of The Sacred Gem
FantasyEveryone deserves chances. Everyone deserves to be treat as Everything Everyone deserves to love. Everyone deserves to be Deserving. Buong buhay ko wala na akong ibang hinangad kundi ang kaligtasan ng mga taong mahal ko. Wala akong ibang iniisip kun...