Ok, before po kayo mag-start magbasa, gusto ko lang po sabihin na hindi magiging regular ang updating ko dahil isa pa po akong studyante na pumapasok sa school kaya limited ang time ko magsulat.
At dahil nga po student lang ako, hindi pa ko nagwork o naiinterview in real life kaya lahat ng mababasa niyo ay pawang kathang isip ko lang at kung may koneksiyon man siya sa tunay na tao, pangyayari, etc. nagkataon lang po iyon.
Yun lang, hope you enjoy po! :>
And vote or comment if you like the story.
Nga pala, dedicated po ang story na ito kay Ate forgottenglimmer dahil sa kanya natanggal ang 6 months writer's block ko. Salamat po and more power to your stories na ubod ng kilig! :D
~~~
Prologue
Ano nga ba ang mga dahilan para mapigilan ang isang kasal?
(i) Ex-boyfriend/girlfriend ka ng ikakasal at mahal mo pa siya kaya kailangan mo lang ipagtapat sa kanya dahil malay mo… baka may chance pa kayo?
(ii) O hindi naman kaya dahil may conflict sa schedule nung simbahan at ikaw pala dapat yung ikakasal doon sa altar- hindi yung dalawang assuming na nilalang na sobrang saya ng mukha akala mo sila lang ang ikakasal sa simbahan na iyon ng ganoong araw… at oras. ~_~
(iii) Baka naman kasi dahil kasal ka na dun sa isa sa mga ikakasal?
(iv) Pwede din na may amnesia yung kinakasal at hindi maalala na kayo pala tapos may echoserang babae na nagpapanggap na fiancee nya. Psh, fiancée niya mukha niya!
(v) Sakaling akala nila siya ikaw dahil magkamukha kayo? Mistaken identity, kumbaga. Grabe, ang hirap din noon.
Pero hindi naman yung mga yun ang dahilan kung bakit tumakbo ngayon si Katrina sa kasal na binabalak niyang puntahan. Sana nga isa na lang sa mga iyon yung dahilan kung bakit siya pupunta sa simbahan. Mas dramatic pa at hindi kahiya-hiya katulad ng gagawin niya. Sa totoo nga, kanina nga lang niyang umaga nabasa ang text na napadala sa kanya at hindi pa siya makapaniwala sa gagawin niya.
Ah basta, inisip na lang niya, pilit na pinapakalma ang sarili habang hawak nang mahigpit ang cellphone sa kamay niya. Ano na ang mangyayari, yun na yun. Hindi ko kasalanan kung gano karaming tao ang magagalit sakin. Hindi talaga! Napilitan ka lang, Kat, tandaan mo yan.
“Dito na ako bababa, manong. Eto na po yung bayad.” Nag-abot siya ng isangdaang piso at kinuha ang sukli niya bago siya tumakbo papunta sa simbahan.
Shet, na late na ata ako. Ano na sasabihin sakin niyan?
Pumasok siya sa dalawang malaking pintuan nang simbahan at saglit na pinagmasdan ang kaganapan bago sumigaw nang, “Itigil ang kasal!”
~~~
Tumahimik.
Pati ang pari na kani-kanina lamang ay nagsasalita ay napatingin sa kanya, habang naka-nganga ang bunganga. Biglang nagbulungan ang mga bisita. Tinignan siya ng masama nang babaeng ikakasal. Hindi niya ito pinansin.
Hindi mo kasalanan! mariin niyang inisip.
Dahan-dahan umikot ang lalaking ikakasal.
Huminga siya nang malalim.
“Ano po kasi… sir… may nagtext po kanina. E-emergency po. Yung pinapasabi niyo po sa akin na sabihin sa inyo kahit ano pa po ang ginagawa niyo, nangyari na.”
Tumayo yung tatay ng bride, galit na galit. “What the hell is she talking about, Carlo?”
“S-sorry po, napagutusan lang po kasi ako ni Sir Villafuerte na kapag nagtext si Mr. Cruz about sa contract… I should immediately tell him no matter what he’s doing. Strict po siya dun sa orders niyang iyon.”
“I don’t care if the world is ending outside right now, ang mahalaga sa akin ngayon ay sinisira mo ang wedding ko- whoever you are, stupid girl!” sabi nang bride na kasing galit ng papa niya.
“It’s all right, Celine. Tama naman kasi si Ms. Pascual. I gave her those exact orders.” Binigyan siya ng isang manipis na ngiti ng boss niya. Patay. May nagawa ba akong mali? “She’s right. The contract is important. I’m sorry but I think we should postpone this wedding for awhile.”
“What?!” Napasigaw si Celine. “You’re insane, Carlo! This wedding costs thousands and you’re asking me to postpone it all for a… a contract?!”
“It’s extremely important. I hope you can understand. Ma, Pa,” tinignan niya ang kanyang magulang sa gawing kaliwa niya, “I’m sorry.”
Bumaba ng altar si Carlo at tumakbo palabas nang simbahan kasama ni Kat.
“Carlo!” tinawag siya ng mga magulang niya pero hindi niya ito pinansin.
Importante ang "kontrata" ni Mr. Cruz dahil importante ang makaalis siya sa kasal niya.
Dahil ayaw niyang mapakasal kay Celine Dominguez.
Dahil ayaw niya dito.
Dahil ang kanilang kasal ay planado lang- walang emotion na nakasalang man lang.
Walang excitement.
Walang thrill.
Walang... love.
Wala lang.
At sino ba ang gusto magpakasal nang "wala lang?"
Wala.
At lalong-lalo na ayaw ni Carlo Villafuerte na magpakasal nang ganoon... kaya niya naisip ang ideya niya; ang ideya niya na sisimulan niya sa araw na iyon- kung papayag ang kanyang sekreterya.
BINABASA MO ANG
My Husband My Boss
RomancePart-time secretary ni Carlo Villafuerte si Katrina habang siya ay nagaaral ng kolehiyo. Alam niyang hindi naman siya isang magaling na secretary kumpara sa ibang babae na may karanasan na bilang secretary kaya ipinangako niya nung una pa lang na "g...