--
Yiie, Ckyle and Chzairyle on the RIGHT.
--
CHZAIRYLE's POV.
Its a tiredy night, last night. Nandito ako school, waiting again for Louirenne. Kailangang malaman niya ito.
Baka kase sabihin niya na na-inlove na ako sa stupid na iyon duh, ewww masyado.
"You're waiting for someone, am I right?" nilingon ko 'yung nagsalita.
"Kent! Teka, what you're doing here?" sabi ko then umupo ako sa bench. Cross-leg seat. Tinabihan naman ako ni amerikano boy.
"Nakita kase kita kaya nilapitan kita kaso may inaantay ka pala. Mauuna na ako." sabi ni Kent at ngumiti.
"Sige, ingat ka-este-ingat pala sila sayo." sabi ko at ngumisi.
"Beshieee!" =__________= She's screaming again. Fudge!
[Devil Mode: On]
"What!?" I said and yelled it to her. Kasawa 'yung sigaw niya, buhusan ko siya ng muriatic acid eh, isama ko pa 'yung SHUTA niyang panget. Walang taste talaga 'tong babaeng 'toh.
"Beshie naman eh!" naka-pout si Louirenne.
"Stop pouting! Kadiri ka Beshie!" sabi ko at tumayo.
"Kadiri ba 'yung mag-pout? Hindi naman 'di ba?" sabi niya then tinabihan niya ako.
Hay nako. Ewan ko ba kung bakit nagkaroon ako ng bestfriend na katulad niya na may sayad.
"Ewan ko sayo." then kinuha ko 'yung iPhone6 ko sa bulsa.
"Beshie, may ibabalita ka ba?" tanong ni Louirenne.
"Meron." sabi ko at chineck ko ang messages sa iPhone6 ko.
"Ano? Dali Beshie. Baka another revelation na naman iyan." usisa ni Louirenne. =_________= Tsismosa talaga.
"Another revelation nga ito." sabi ko. I hate this revelation.
"Ano?" gulat na tanong ni Louirenne. Her priceless face. Pfft. Nakakatawa talaga.
"I'm engaged to Ckyle Justine Chua." sabi ko at ibinulsa ko na ang iPhone6 ko.
"WHAT!? Seryoso ka ba dyan? I can't believe na pumayag ka!" sabi ni Louirenne at umiling.
"I have my reasons Beshie. Gagamitin ko si Ckyle para mabawi ko si Rien kay Karina." sabi ko. I hate this! Alam kong pare-pareho lang kaming naggagamitan.
We all want is to play our feelings. The one who gives up, the one who lose. Gagamitin ko si Ckyle para kunin si Rien. Gagamitin ako ni Ckyle para bawiin si Karina. Pero hindi ako alam kung ano gagawin nina Rien at Karina kung paano nila gagamitin ang isa't isa.
"Beshie, mayroon kang hindi alam tungkol kay Rien!" maktol ni Louirenne.
"Ano naman 'yun?" sabi ko at tinarayan ko siya.
"Tanging si Lauren lang ang nakakaalam 'nun." sabi ni Louirenne.
"Ewan ko sayo Beshie. Pinaglololoko mo na naman ako." sabi ko kay Louirenne.
"Hindi kaya. Malalaman mo rin iyon pero hindi ngayon." sabi ni Louirenne.
"What a bad news. Isang Chzairyle Zhenne Ching ay na-engaged kay Ckyle Justine Chua." Ugh! Nandito na naman ang napakaanghel sa balat ng lupa.
"Eh ano naman? Gusto mo sayo si Ckyle?" I've raising my tone because of that girl!
"Of course, YES! Duh, sa akin siya simula't sapul Chzairyle! He can't never be yours!" sigaw ni Karina.
"Beshie, I think you should leave. Baliw na talaga 'yan!" bulong sa akin ni Louirenne.
"Ow, sayo? Kung sayo bakit nasa akin siya Karen?" sabi ko at nginisian ko siya.
"Stop calling me Karen! Karina ang pangalan ko! Akin si Ckyle! No matter what happens, babagsak pa rin siya sa akin." sabi ni Karina.
"Baliw ka na Karina! Inagaw mo na si Rien pati ba naman si Ckyle. Namamangka ka na sa dalawang ilog Karina." sabi ko at nginisian ko siya.
"Ang sabihin mo, talunan ka lang Iryle!" sabi ni Karina at humalakhak.
"Hindi ako talunan! Makikita mo, nasa akin na ang dalawang lalaki na iniingatan mo." then I smiled devily.
"Siguraduhin mo lang Iryle dahil baka ikaw ang magulat na ako ang mahal ng dalawang lalaking iyon." Sa sinabi ni Karina napatawa ako. She's really crazy.
"Nakakatawa ka talaga. Baka sabihin ng ibang tao dito na nakikipag-usap ako sa baliw." sabi ko at tumawa. Sa lahat ba naman ng pwede kong makasagutan, eh itong Karina slash nagpapanggap Anghel.
"How dare you!" Sasampalin niya sana ako pero sinalo ni Rien ang kamay niya.
"Enough Karina!" singhal ni Rien sa kanya. Aww, poor Karina. Paniguradong tinatawanan ka ng mga kakampi mo sa itaas. Ang boba mo kasi.
"Siya ang nauna Rien, sinampal niya ako kaya sasampalin ko rin sana siya." sabi ni Karina at umiyak sa harap ni Rien.
"Congratulations Karina! Ikaw na Best Actress!" then tumawa ako ng pilit. Don't cry Zhenne! Magmumukha ka na namang kawawa at ikaw pa ang magiging talunan.
"Don't make a scene here! Pinagtitinginan na kayo dito oh!" sabi ni Rien.
"Talaga? Kasalanan kasi ni Karina because she's so stupid. Baliw na talaga siya, baliw!" sigaw ko kay Rien.
"Wag kang ganyan kay Karina! Di mo siya kilala Iryle! I love her! Wala kang karapatan na sabihan siya ng ganoon." sabi ni Rien sa akin. Napaluha ako doon, eto na naman ako, talunan na naman.
"Ang manhid mo talaga Rien, sobrang manhid mo." sabi ko at umagos na ang mga luha ko sa pisngi ko at umalis na doon. Tumakbo ako palayo, palayo sa kanila.
Bakit ba laging bumabalik sa akin yung sakit? Wala ba akong karapatang maging masaya? Bakit ako na lang palagi? Di ba pwedeng iba na lang?
"Sorry!" bulalas ko sa lalaking nabangga ko. Gusto ko na itong takasan.
"Bakit ka ba kasi nagpapakatanga kay Rien, nandito naman ako." sabi niya at pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.
"Mahal mo si Karina di ba? Ano naman ang palag ko sa kanya? Lagi naman akong talo eh. Kelan ba ako nanalo?" sabi ko. Humihikbi na ako dahil sa sobrang iyak, dahil sa sobrang sakit.
"You're wrong Zhenne. Ikaw ang laging nanalo. May palag ka sa kanya." sabi niya.
"Sinasabi mo lang 'yan dahil nakikita mo kong nasasaktan!" sabi ko at tinulak palayo si Ckyle.
Tumakbo ako, mas gusto ko pang mamatay, lagi na lang! Hindi ba ako pwedeng maging masaya? Bawal ba?
Napadpad ako sa Chinese Cemetery. Nakatayo ako sa harap ng puntod ng aking pinakamamahal na ama.
"Daddy, umiiyak na naman 'yung unica hija mo. Dad, di ba pwedeng maging masaya 'yung prinsesa mo? Dad, masaya ka na dyan hindi ba? Bakit ako? Hindi ako masaya." sabi ko at napahagulgol.
"Kailangan mong maging matapang bunso. Hindi porket natalo ka, magiging talunan ka. Minsan, kailangan mo ring patunayan sa kanila na hindi ka talunan." sabi ni Kuya, nandito pala siya kasama 'yung fiancée niya.
"Maging masaya ka." sabi ni Ate Cklaudine at nginitian ako.
Masaya? Kelan ko mararanasan ulit iyon? Kapag may isang taong nagparamdam sa akin non?
--
Aya's Note:Yow! Ngayong nakapag-ud. Sorry na T_______T daming school works. Di ako makapag-ud walang internet eh. Labb niyo naman ako diba? Hihi T•T. Vote & Comment ♥
BINABASA MO ANG
I'am Married To A Devil Princess (Completed)
ЮморIn every game, there is one who will lose. Zhenne, Ckyle, Rien at si Karina. They fight for what is right. Zhenne, fight for her feelings to Rien. Ckyle, fight his feelings to Karina. Rien, fight his feelings to Zhenne and Karina fight her feelings...