CHAPTER 9

460 13 3
                                    

--

The evil bitch

--

CHZAIRYLE's POV.


Pagkatapos ng mga pangyayari ay dumiretso ako sa room para pasukan ang kahuli-hulihan kong klase.


Pagpasok ko, takot at pangamba ang nakita ko sa mga mata ng mga kaklase ko. And so what? I don't care, dapat nilang malaman na hindi ako ang masama. They always think na sobrang bait ng Karina na 'yon but I don't care basta mabawi ko si Rien and that's my goal.


"Oh, Miss Ching ikaw pala..." nahihiyang bati ng professor ko.


"Of course I'am! Are you that blind para hindi mo ako makilala at mapansin? Such an idiot!" sabi ko at inirapan ko siya.


Dumiretso ako sa upuan ko pero napahinto ako ng saglit nang makita ko si Ckyle na nakaupo sa katabing upuan ko. Lumapit ako sa pwesto niya pero umupo ako sa katabing upuan ni Louirenne. I hate to seat beside my bestfriend pero wala akong magawa dahil katabi ng upuan ko ay si Cky.


"Oh beshie! Bakit ka nakaupo rito? Nasa likod 'yung upuan mo di ba?"


"Sa tingin mo ba makakaupo ako sa upuan ko?" Gusto kong mag-freak out sa mga nangyayari.


"Ah... siguro Beshie, upuan mo iyon at isa pa wala namang nakaupo eh bakit ayaw mo doon?"


"Alam mo, sasabunutan kitang babae ka eh kung hindi lang kita bestfriend!" sabi ko at nag-roll eyes na lang ako sa kanya.


Nasa tabi niya ako hanggang sa matapos ang klase, isa-isa nang nagsisialisan ang mga estudyante at inaantay ko lang na lumabas lahat ng mga estudyante at kami na lang ni Louirenne ang naiwan.


"Mauuna na ako Beshie, may meeting kami sa club. Babawi ako, I promise..."


Matalim ko siyang tiningnan at sinamaan ng tingin.


"Kung gusto mong bumawi, pumunta ka sa bahay mamaya. We need to talk, okay? Sige na umalis ka na iwan mo na ako. I don't need you anymore."


Nakita kong napanguso siya pero inismiran ko na lang kaya tuluyan nang umalis si Louirenne.


Napasandal ako sa kinauupuan ko at mariing pumikit. Three weeks from now, isasakal na ako este ikakasal pala. Sobrang saklap lang ng buhay ko dahil alam ko na hindi ito ang gusto ni Daddy para sa akin. Bakit pa kasi umepal si Ahma eh wala naman siyang mahihitang tagapagmana sa akin.


"Bakit hindi ka pa umaalis?" tanong niya. Rinig na rinig ang mga yapak na papunta sa pwesto ko.


"Pake mo? I just want to stay longer here." inis na sabi ko.


"Stay longer? Sigurado ka ba? Baka may gusto kang sabihin sa akin kaya nandito ka." nakangising sabi niya.


"Asa ka naman. Wala naman akong dapat sabihin sa'yo, Cky." sabi ko kay Ckyle at napasandal sa upuan.


Gusto kong mapag-isa dahil I want to free myself sa lahat ng problema.


Nagulat ako nang bigla niyang hinampas ang mesa sa harap ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa likod ko. I feel his breath on my ears. Gusto ko man umalis agad ay di ko magawa dahil para akong nakakulong sa braso niya.


"Tell me... I'll answer your question, honestly..."


Napairap na lang ako sa sinabi niya. Kailan pa siya nagsabi ng totoo? Wala siyang maloloko rito.


"Wala na akong dapat itanong sayo dahil nasagot ko naman ito. Ikaw, baka may tanong ka sa akin kaya nandito." sabi ko at nilingon. Binigyan ko siya ng nakakaasar na ngiti.


He leaned closer at ngumiti siya sa akin.


"Oo, marami akong tanong na dapat mong sagutin."


Lumayo ako ng kaunti. Baka ano pa gawin ng bwiset na 'to.


"Wala akong dapat sagutin sa mga walang kwenta mong katanungan Cky. Lubayan mo na ako, nagpaiwan ako para mapag-isa hindi iyong kasama ka." pabalang kong sabi.


"Okay," sabi niya.


Akala ko nilubayan niya na ako pero bigla siyang bumulong sa tenga ko.


"Three weeks from now, you will holding my surname. Three weeks from now, sabay na tayong papasok at uuwi galing school. Three weeks from now, titira na tayo sa iisang bubong."


Napatanga ako dahil hindi ko man lang pinaghandaan ang ganitong bagay, and so what? Siya naman ang kawawa sa akin 'pag nagkasama kami sa iisang bubong.


"And so? You know Cky, kahit magkasama tayo wala akong pakialam. I told you, babawiin ko si Rien kahit ano man ang mangyari besides siya naman ang tinakda para sa akin hindi ikaw." sabi ko at isinukbit ko sa balikat ko ang aking bag.


Tumayo ako at naglakad palabas. I know, he stunned on my words. Bakit di na lang kasi siya makicooperate? Ang anghel ng buhay niya ay patuloy sa pangaagaw sa lalaking mahal ko.


Rien Villafuerte is my dream man. Siya lang pinangarap kong makasama habang-buhay. May mga bagay lang siguro kaming dapat pagdaanan bago kami magkasama. He's on the wrong girl right now kaya dapat akong mag-antay but I can't wait, nasasayang ang oras!


Kasalanan din 'to ng pamilya namin kung bakit patuloy kaming pinapakialaman at pinipilit sa arrange marriage. Hindi kasi nila nakikita ang bad side nito, best example of this is me. Ayokong matali sa taong kailanman di ko minahal, ang unfair iyon sa kanya. Hindi porket Chinese siya at chinese ako kailangang ipagpatuloy ang legacy ng Chinese mula samin.


Kung Daddy is here, sasabihin niya kay Ahma na wag akong ipakasal. Daddy treasure me so much, he treats me like a glass diamond pero simula nang mawala siya Ahma came into my life para gawin ang dapat kong gawin na hindi nagawa dahil sa pagpipigil ni Daddy.


Three weeks from now ikakasal na ako at doon na magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko pero di ako magbabago gaya ng iniisip niyo. I will be the evil bitch na gusto niyong mabura sa mundo pero I don't mind. Pagkatapos ng kasal namin, babawiin na kita Rien, babawiin na kita sa feeling anghel na 'yon. You will see, if you still choosing her, her life will living hell kaya better choose me than her para mapawalang-bisa ang kasal naming dalawa ni Ckyle.


Starting this day, four of us are in the game. Oras na para bawiin ang dapat na sa amin.


I'am Married To A Devil Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon