CHZAIRYLE's POV.Tahimik kaming kumakain sa hapag ngayong umaga.
Wala naman ang schedule ng alis kung saan man ako pupunta. Isa lang ang ibig sabihin nito, mabubulok ako sa mansion.
"Zhenne, I'll visit your Ahma today. Gusto mo bang sumama?"
"No, thanks, Mimi. Mas okay na ako rito kesa makita ko mga mukha nila." Sabi ko saka umirap. Ayokong ipaalam sa mga matatandang iyon na nakauwi na ako dahil baka i-force na naman sa bagay na ayaw namin.
"Maiiwan ko na kayo ni Ckyle. Your brother and your sister-in-law is in your parents-in-law's mansion para sunduin ang pamangkin mo."
"Okay, I'm fine here, don't worry." Sabi ko at nginitian siya.
Maaga ako gumising talaga para hindi magkasama ni Ckyle. Para akong napapaso kapag magkasama kami, it's my fault anyway bakit ganon ang nangyayari.
"Maiiwan na kita. Don't messed up things. Ibinilin na kita sa asawa mo, ayusin niyo ang problema niyo ni Ckyle. 5 years is over, anak. It is time to face your reality, he's your husband, you are his wife, kayo ang magkatuwang sa buhay hanggang sa pagtanda." Sabi ni Mimi, she kissed my head and bid goodbye.
Pagkatapos naming kumain, umalis na si Mimi at dumiretso na ako sa sala para doon abalahin ang sarili.
I sighed saka inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro sa sala. Naisip ko ang garden, doon na lang ako magl-lunch tutal malamig ang simoy ng hangin sa garden.
"Manang, pakidala ang lunch ko sa garden. Thank you." Sabi ko saka tumayo bitbit ang libro at dumiretso sa garden para makapagpahinga.
Wala talaga akong gagawin maghapon. I texted Rien para balitaan na nasa Pilipinas na ako. Tumawag agad ito pagkasend ko ng message ko.
"The hell! Kelan ka pa nakauwi?"
"Kahapon lang. Nakalimutan ko kayo sabihan sa sobrang pagod ko." I said saka kumagat ng sandwich na nasa mesa.
"Let's meet today. Karina and I will talk to you. Nasaan ka ba? Nasa bahay niyo ba ikaw?" Tanong ni Rien. Napakunot ang noo dahil dire-diretso ang mga sinasabi ni Rien halos di ko na masundan.
"Señorita, pinapasabi ni Señorito papasok na siya sa opisina. May ipapasabi po ba kayo?" The maid interrupted habang nasa kalagitnaan ako nang pakikipag-usap kay Rien.
"Hmm, wala naman. Pakisabi na lang ingat siya sa pagpasok." Sabi ko tapos bumaling ako sa cellphone.
"Yes, I'm at home. Bibisita ba kayo? Kung bibisita kayo, maghahanda ako ng pagkain para sa inyo."
"Is it fine? Isasama namin si baby Spencer."
"Sure, it's fine! Sige isama mo si baby Spencer, I'm dying to see him simula nung ikwento ni Louirenne sa akin kahapon ang tungkol sa anak niyo."
"Ikaw talaga! Baka mainlove ka pa kay baby Spencer. We will see you in a bit."
"Sure, ingat kayo!" Sabi ko saka pinatay ang tawag.
Bumaling ako sa katulong na nagdidilig ng halaman ni Mimi.
"Aiza, please tell Manang na magprepare ng pagkain. May bisita akong darating, pakidala dito saka dito mo na rin papuntahin ang mga bisita ko."
"Okay po, Señorita." Sabi nito saka pumasok sa bahay.
Inabala ko sa pagbabasa ng libro ang sarili ko. My phone beeped, probably baka text ni Rien na nandito sila. Kinuha ko iyon, maling suspetsya, kainis!
BINABASA MO ANG
I'am Married To A Devil Princess (Completed)
HumorIn every game, there is one who will lose. Zhenne, Ckyle, Rien at si Karina. They fight for what is right. Zhenne, fight for her feelings to Rien. Ckyle, fight his feelings to Karina. Rien, fight his feelings to Zhenne and Karina fight her feelings...