CHAPTER 21

324 12 1
                                    

CHZAIRYLE's POV.

"Oh, anong nangyari sa date niyo nung isang araw ni Rien at bakit nakabusangot ka?" Kuryosong tanong ni Louirenne. I just sighed saka tahimik na nilantakan ang lunch namin.

It's sunday today kaya wala kaming classes, buti nga pumayag si Louirenne na samahan ako. I want her to hear what happened doon sa date namin ni Rien. Sobrang nakakafrustrate maging si Ckyle hindi ko nakausap simula nang mangyari iyon.

At alam niyo yung nakakafrustrate? Date namin ni Rien iyon! And I'm so angry for ruining that moment with him dahil alam kong mahihirapan akong kunin ang pagkakataong ulit iyon. Masyadong mga bida-bida, paano ko na mababawi si Rien nito? I need to be away from Ckyle from now on dahil sa sinabi niya mas lalo akong nabaliw. 

Para akong hangin sa bahay namin dahil sobrang tahimik at walang nagsasalita kaya nilayasan ko siya. I can't stand someone being like that to me haler ako lang may karapatan gumawa noon! Ako lang!

"Obviously, you know kung ano ang nangyari sa date namin ni Rien. Maraming epal sa mundo, Louirenne at kasama ka na roon." ismid ko saka napainom sa latte. 

"Karina's mind seems off since yesterday, Chzairyle. Wala rin si Rien kahapon sa school maliban sa inyong dalawa ni Ckyle na tumakas sa klase. What's going on between the four of you?" Mas lalong nakuryuso si Louirenne sa mga nangyayari.

"Yung date kasi namin kahapon ni Rien iyong pinag-ugatan kung bakit ganoon na lang yung naging epekto sa'ming apat. It reveals something unexpectedly."

"I have all my time Beshie para marinig lahat iyon, I'm lending my ears so that I can help you kung ano ba dapat ang gawin mo." Nakangiting sabi ni Louirenne saka napabuntong hininga ako at nagsimulang ikwento iyon.

Seeing her facial expressions mukhang alam ko na ang sasabihin nito. She knows everything about us kung bakit kami naging ganitong apat, I love to story tell to her because she's my bestfriend at gumagaan ang pakiramdam ko kapag nailalabas ko sa kanya ang lahat ng emosyon kong pilit kong tinatago sa lahat. 

"Nababaliw na talaga si Karina." Iling-iling na sabi ni Louirenne. "Maybe the past still affects her on what happened to Tita Kate." Matabang na sabi niya pa. Karina's mother, affecting Karina because of Tita Kate's suicidal cases na hindi naman nagtatagumpay lahat.

"Di mo naman siya masisisi Beshie because she loved your husband all of her heart pero mas matimbang pa rin sa puso ni Ckyle ay ikaw." Dagdag niya pa saka humigop sa frappuccino na inorder niya.

"That's when that shit happened, ewan ko ba pero naiinis pa rin ako sa mga nangyayari. Maybe I should visit my father today baka sakaling sa kanya ko mahanap ang katahimikan." I said saka inubos ang inorder kong latte. 

"Sasamahan pa ba kita or you want to visit Tito alone?" nag-aalalang tanong niya. I smiled at her as an assurance na kaya kong mag-isa besides I need some alone time with my father. Maiintindihan niyang maglalabas ako ng galit at sama ng loob kay Dad.

"Ako na, kaya ko naman mag-isa saka I need some alone time to my one and only man. Kung hindi lang sana siya nagkasakit hindi naman mangyayari ang lahat ng ito." malungkot na saad ko. 

After the talks with Louirenne, we parted ways. She have to attend Tita Laila's shop opening near Lucky Chinatown, her mother's newly open business habang ako naman dumiretso sa cemetery bitbit ang paboritong bulaklak ni Dad. He really loves Jasmine flowers and peonies also kaya kapag binibisita ko si Dad I'm always bringing his two favorite flowers. 

Chale Anthony T. Ching

"Thousands of candles can be lighted from a single candle, and the life of the candle will not be shortened. Happiness never decreases by being shared."

Hindi ko namalayan na napaiyak ulit ako nang dahil sa paboritong quote ni Dad, hiniling niya kay Ahma ito ayon kay Mom. I don't know anything about Dad's tragedy dahil nasa China ako nang mga panahon na iyon, mourning from pain sa lahat ng galit at sakit dahil sa balitang natanggap ko.

"Hi Dad, here's your fave flowers gonna put it here. I just miss you if pwede lang ibalik ang oras, sana noon pa naman nagawa ko na if that means having you by my side para ipagtanggol ako." malungkot na sabi ko saka nilapag ang bulaklak sa puntod ni Daddy.

Kamukhang-kamukha ni Kuya Chzaikelle si Dad pati na rin ang kabaitan namana rin baka sa susunod sumunod na si Kuya kay Dad, just kidding!

There's one thing I don't understand pagkauwi ko ng Pilipinas, wala man lang binilin si Dad para sa akin basta sabi ni Mom, Daddy wants me to be happy that's all. But it's really unfair na may binilin si Dad para sa kanila pero sa akin wala, that's why I'm so angry to my family lalo na kay Ahma. 

Matagal na oras ang ginugol ko para kay Dad baka hindi na ako makapunta pa sa death anniversary niya or I will celebrate it alone. Nakakapagtaka na sariling anak ni Ahma hindi man niya lang magawang dalawin, I loathed her.

No one in the Ching family celebrate Dad's death anniversary. Kami lang nila Mom at Kuya ang nagc-celebrate.

"Are you okay? You seem off today, kanina pa kita hinahanap dito rin pala kita makikita." He softly said saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Napapikit ako sa mga turan nito. I know this voice, boses na nakapagpatibok ng puso ko ng sobrang bilis.

"Rien..." mahinang anas ko. "What are you doing here?" Malamig na tanong ko.

I don't want you to hate me, Rien but I clearly wanted space. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari pero mas naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

"I'm here to tell you the truth. If you will allow me to do that, then sasabihin ko kung ano ang nalalaman ko tungkol kay Tito Chale." He sadly said it straight to my eyes nang lingunin ko siya.

I sighed saka binalik ang atensyon ko kay Dad. I smiled bitterly, Dad am I ready to know the truth?

"Wala ka namang alam, Rien. Paano mo sasabihin sa akin ang totoo. Just shut it up, leave me alone please..." pagsusumamo ko.

My heart aches dahil sa sinabi ko kay Rien. Napapikit na lang ako sa inis ko sa sarili ko. Damn, Chzairyle! Just fucking calm down, don't get mad at him he's not at fault.

"I know everything just please let me... I hate seeing you like this! Kasalanan ko 'to! I hate myself that you became like this." ramdam ko ang pagsisisi sa sinabi ni Rien. Mas lalo akong nasasaktan, he's not just the man I love, he's my bestfriend, too. Naging kasangga ko sa panahon nagkakaproblema sa pamilya namin. 

Mabigat na buntong hininga ang binitawan ko bago ako magbitaw ng desisyon. Hindi ko dapat pagsisihan dahil matagal na akong naghahanap ng kasagutan. 

"Please tell me lahat ng nalalaman mo." malamig na sabi ko saka nilingon ko siya at binigyan nang mataman na tingin na para bang pinaparating ang nais kong iparamdaman sa kanya ang sakit. 

I'am Married To A Devil Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon