CHAPTER 5

602 22 0
                                    

--

The most gwapo in the world ~

--

CKYLE's POV.

"Sa tingin mo Ckyle, seryoso ba si Beshie sa sinabi niya?" tanong sa akin ni Louirenne.

"I think so, siguro oo seryoso siya. Alam mo naman 'yun, hindi nagpapatalo." sabi ko.

Nandito kami ni Louirenne sa rooftop. Natutulog na kasi si Chzairyle, pinalabas kami ng demonyitang 'yon.

"Eh 'yun na nga, natatakot na ako sa mga gagawin niya. Baka saktan niya pa si Kyzel." sabi ni Louirenne at halatang-halata ang pagkabahala.

"Hindi lang naman si Kyzel ang masasaktan niya eh. Ako, si Rien at lalong lalo na si Karina." sabi ko at humawak sa railings.

Malakas ang ihip ng hangin, tinatangay ng hangin ang hanggang balikat na buhok ni Loirenne.

"Hay nako, sobra na ang pagiging demonyita niya." sabi ni Louirenne. Sobra na nga, tigas pa ng ulo, tsk!

"Wala ka bang ibang gagawin Louirenne?" tanong ko kay Louirenne.

"Gosh! I forgot! May meeting pala kami, thank you sa pagtatanong mo Ckyle. Alagaan mo si Beshie ah, sabihin mo sa'kin kung pinasakit ang ulo mo tawagan mo ako ha! BYE~" sabi ni Louirenne sa akin at umalis.

Chzairyle Zhenne Buenaventura Ching, sobrang tigas talaga ng ulo mo. Sabihin mo lang kung mananakit ka hindi yung surprise. Maraming nadadamay eh.

Plop ~

SMS:

Fr: Demonyitang Iryle >:[[

Pumunta ka dito! Now! Wala akong kasama.

Tss, ang demanding neto ah! Hmm, may lakad pa naman ako ngayon. Kung pabantayan ko kaya ito kay Ate o kaya kay Kuya? Nakakapagod din kasing mag-alaga ng matigas ang ulo.

SMS:

To: Ate Cklaudine :3

Ate, pwede bang kayo muna ni Kuya Zhorenne ang mag-alaga kay Iryle. May pupuntahan kasi ako ngayon.

SMS Sent ~

May lakad ako. Ayoko naman na hindi matuloy kasi sobrang importante, mas importante pa sa buhay ko.

Plop ~

Fr: Ate Cklaudine :3

Sure, siguraduhin mo lang na makakabalik ka pa rito sa hospital ok? And you know my reasons why I don't want to stay long to the hospital.

ㅡ_______________ㅡ Ang arte talaga ni Ate, sobra. Mas maarte pa kay Kuya kunsabagay babae siya. ㅡ3ㅡ

To: Ate Cklaudine :3

Oo na dami pang arte pero pupunta naman tss. Ikaw na bahala dyan este kayo na bahala dyan ni "Kuya" Zhorenne kay Iryle okay ~

SMS Sent ~

Nag-ayos na ako at nilisan ang rooftop, sobra-sobra na 'yung pagpapalamig ko doon sa taas atsaka mala-late talaga ako sa pupuntahan kong lakad kainis!

CHZAIRYLE's POV.

Nasaan na ba 'yung stupid na Cky na 'yun!? Nakailang text at tawag na ako sa kanya tapos di niya pa rin sinasagot.

Biglang may kumatok sa pinto. Tss, bisita na naman -______________-

"ANO BA!? SABING HINDI NGA AKO TUMATANGGAP NG BISITA EH!" sigaw ko. I hate this life, I want to die, I want to live without problems.

Bumukas ang pinto, pumasok si Kuya at si Ate Cklaudine.

"Ganyan mo ba tratuhin ang bisita mo Chzairyle Zhenne Ching!" O_______O

S-si Kuya! Anong ginagawa niya dito!? Si Ckyle ang dapat ang magbabantay sakin hindi si Kuya!

"What are you doing here!? Sabi ng ayoko ng bisita eh!" sigaw ko. I hate it! I hate everyone. Feeling ko sila na sumisira ng plano ko.

"Tss, dapat sayo nasa mental hospital hindi sa medical center eh." turan ni Kuya. Narinig kong humagikgik si Ate Cklaudine.

"Hindi ako baliw. Palabasin niyo na nga ako dito sa hospital." sigaw ko kay Kuya.

Di ako pwedeng magtagal dito. Mamamatay ako dito sa suffocate.

"Nasusunog ka na ba Iryle? Grabe nasa ospital ka pa lang, wala ka pa sa simbahan." natatawang sabi ni Kuya.

Talaga bang ginagalit niya ba ako!?

"Di mo ba talaga ako titigilan Chzaikelle Zhorenne!?" sigaw ko kay Kuya.

Nakita ko ang gulat na expression kay Ate Cklaudine.

"Hmm, ayan suko na ako!"nakangisi si Kuya habang nakataas ang dalawa niyang kamay.

"T-teka, Kelle, ano 'to naguguluhan ako?"

"Tsk, di mo pa pala nasasabi sa kanya Kuya." sabi ko at tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Argh!

Umalis ako sa hospital bed at pumunta sa pinto.

"Saan ka pupunta Iryle!?" sigaw ni Kuya.

"Papatay na tao," sabi ko.

Binuksan ko ang pinto at patakbong lumabas ng ward. Hindi ako pwedeng mahuli ni Kuya. Kailangan kong mapatay si Ckyle.

Bwiset siya! Alam kong inutusan niya si Kuya na bantayan niya ako. Akala niya hindi ko alam iyon. Sisirain ko talaga ang pinakaimportante sa buhay mo.

Palabas na ako ng ospital ng makita ko si Rien at Karina papasok ng ospital. Wtf!? Ako ba ang bibisitahin nila? Tumalikod ako, nakita ko si Kuya at Ate Cklaudine. What the!? Wala na akong ibang paraan para makaalis.

Ang malas ko talaga, argh! Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit. Parang umiikot ang mundo, ano ba ang nangyayari sa'kin.

Mamamatay na ata ako. Lord, kinukuha mo na ba ako kasi itatapon mo na ba ako sa impyerno?

Nakaramdam na ako ng unti-unting panghihina ng katawan ko at unti-unting pagsara ng mata ko.

"Zhenne!" Narinig ko yung sigaw mula sa kalayuan. Para na akong nabibingi, di ko alam.

I can't breathe.

"Zhenne, gumising ka. Zhenne, wag kang magbiro! Papatayin mo ba talaga yung sarili mo!?"

"Ckyle, akala ko ba pupunta ka sa pinakaimportante sa buhay mo? Bakit ka nandito?" mahina kong sambit.

Nahihirapan na ako eh. Epekto to ng gamot, sigurado ako. Wala akong sakit kaya wag kayong mag-alala. Ako bida dito tapos mamamatay ako? Ano to? Tragedy story!?

"Naisip ko na, mas importante ka pa rin pala sa buhay ko. Sobrang importante."

"Ang drama mo. Ganyan ka pala mambola, ibang klase." mahina kong sabi, nahihirapan na akong magsalita argh!

"Alam mo, ang arte mo! Dapat nga matuwa ka kasi isa ka sa importante sa buhay ko." singhal niya sa'kin.

Napangisi ako, hay. Nararamdaman ko na ang pagpikit ng mga mata ko.

"Bakit ako matutuwa kung si Karina ang mas importante sa'yo tapos kung isasama mo ako pangalawa lang ako at hindi pa importante sa'yo. Para ka ring si Rien eh, ibang klase talaga kayo. Sana mawala na kayo sa buhay ko, puro pahirap lang ang binibigay niyo sa'kin."

Naramdaman ko ng pagbigat ng hininga ko at unti-unting pagdilim ng paligid. Daddy, magkakasama na tayo. Antayin mo lang ako...

--

Aya's Note:

Hi sa mga readers ng IMTADP, sorry mga beh ngayon lang ako nag-update huhu. Sensya na busy lang, tao lang din. Pasensya na sa update, sabaw ang bebe niyo. Try ko mag-update sa araw ng walang pasok wii ~ Kanino pwedeng i-dedic? Comment lang. Vote & Comment ♥








I'am Married To A Devil Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon