Luqui's Pov
Binabantayan ko ang pinakamamahal kong babae dahil malapit na ang alas dose ng gabi.Naglalakad sila papunta dito sa napakalaking puno sa probinsya at nararamdaman ko ring may nakatingin sa kanya.
"Bilisan na po ninyo" Nagpakita na ko sa kanila kaya nagitla si Blaze dahilan ng kanyang pagsigaw.
"Wag kang sumigaw! Shet!"
"Bilisan na natin. Nanjan na sila!"
"Ah huh! Don't say bad words! Papa J is writing you're sins!" Haysh. Gumawa ako ng bubble na malaki at doon kami sumakay. Inihip ko ang hangin kaya mas bumilis ang pagdating namin.
"Nahihilo ako Lola. Lola ayaw ko na po dito. Napaka naman kasi Lola. Unfair po kasi hindi po ako makagawa ng ganitong bula." Maktol ni Blaze haha kahit kaian talaga tong babaeng to nakakatawa. Nagdadasal naman sila Lolo Kole at Lola ng maimtim.
May mga anino ng hayop at nakakatakot na nilalang naman ang sumusunod sa amin.
"Ano ba to lola. Ang pangit naman po dito sa probinsya. Akala ko pa naman maeexperience kong makalanghap ng masimoy na hangin. Ang pangit pangit naman pala. Nakakatakot pa"Si Blaze 'yan na panay ang bulong. Nakayakap siya sa dalawang matanda at hindi niya napapansing nagpapalabas pala sila ng kapangyarihan ng apoy para matunaw ang mga anino.
"Andito na tayo. Maghanda ka na Blaze"
"Huh? paanong maghahanda ako ei wala tayo sa bahay. Niloloko mo ba ako Luqui?"Hinayaan ko nalang siya. Nakita ko namang niyakap ng mag-asawa si blaze ng mahigpit.

YOU ARE READING
Kagubatan sa Probinsya
FantasyAng Kagubatan sa Probinsya ay naglalaman ng Apat na Kaharian pero may isang kahariang nagngangalang Plovias na siyang sisira ng magandang Kagubatan. May isang babaeng nagngangalang Zera na napunta sa Mortal world dahil pilit siyang kinukuha ng kasa...